CHAPTER 23

2 1 0
                                    

Nagmamadali akong bumaba dahil ma la-late na ako. Napuyat kasi ako kagabi kakaWattpad tinanghali tuloy ako ng gising. Pagdating ko sa sala nakita kong magkatabing nakatayu sina kuya Richard at Russel, nakaharap sila sakin at titig na titig habang naka cross ang dalawang braso. Nagtaka ako kung bakit.

"Good morning mga pogi kong kuya!" nakangiteng bati ko sa kanila kahit na nawe-weirdohan ako sa kanila ngayon. Hindi sila sumagot, hindi sila nagsalita. Tinitigan lang nila ako.

"Anong meron? anong nangyayari sa inyu?" tanong ko sa kanilang dalawa pero hindi parin sila nagsalita.

"Hello? kuya Richard? kuya Russel? naririnig nyo ba ako?" hindi parin sila nagsasalita.

"Iwan ko sa inyu!" saka bumaling ako kay kuya Russel. "kuya halika na. Ihatid mo na ako,ma la-late na ako!"

Lumapit sya sakin saka namulsa.
"Ako ba talaga ang maghahatid sayo? O may iba ka nang taga sundo ngayon?" sa wakas nagsalita narin sya. Ha?

"Ha? pinagsasabi mo kuya?"

"May naghihintay sayo sa labas." sabi ni kuya Russel.

"Ano?"

"Sino yong lalaking yon?" sabay nilang tanong.

"Ano?sinong lalaki?" nagtataka ako kaya lumabas ako ng bahay. Pagkatapos binuksan ko ang gate, sumunod naman sina kuya Russel at Richard sakin. Nagulat ako nong nakita ko sya sa labas, at nakasandal sa kotse niya. Ang gwapo niya!

Bigla syang umayos ng tayo nong nakita nya ako. "Good morning Maxine." nakangiteng bati niya.

"G-good morning, Ace. bakit ka nandito?"
tanong ko sa kanya. Bigla namang tumikhim ang mga kuya ko na nasa likoran ko. So kaya pala sila ganito ngayon.

"Ahmm sabay na tayong pumasok."

"Ha? naku Ace, ihahatid ako ni kuya Russel eh." bumaling ako kay kuya "di ba kuya?"

"Oo." sagot ni kuya habang nakatitig lang kay Ace.

"Ahh ganon ba." sabi ni Ace

"bunso, baka gusto mong ipakilala samin kung sino sya?" sabi ni kuya Richard

"Oo nga." segunda ni kuya Russel

"Ah. Si Ace nga po pala. Kaibigan ko."

"kaibigan? ang sabi niya sa amin kanina,manliligaw mo raw sya." sabi ni kuya Richard. Nanlaki ang mga mata ko, talaga bang sinabi ni Ace yon.

"Ahh..ahmm" hindi ako makasagot

"kaibigan po ako ni Maxine slash manliligaw din po. Gusto ko pong malaman ninyu na nililigawan ko po ang kapatid ninyu." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ace.

"Ace!!"

"Ang lakas ng guts mo boy ah!" sabi ni kuya Richard

"Seryuso ka ba talaga sa kapatid namin? handa mo bang gawin lahat para sa kanya?" tanong ni kuya Russel.

"Opo. kahit ano po,mapatunayan ko lang kung gano ko kamahal si Maxine."

"Mahal agad? bakit matagal mo na bang kilala ang kapatid namin?" tanong ni kuya Russel.

"Opo. Kilala ko na sya, 8 years ko nang kilala si Maxine."

"8 years??" sabay na tanong ni kuya Richard at kuya Russel.

"Teka, pano nangyaring 8 years mo na syang kilala, mag iisang taon palang sya dito sa Maynila." sabi ni kuya Richard

"Ah kuya, kasi.. nagkita na po kami dati sa Tagaytay 8 years ago. Si Ace po yong batang lalaki na.. umagaw ng ice cream ko."
Parang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

"Ikaw ang batang yon? alam mo bang pinaiyak mo si Maxine! Nasugatan pa sya sa tuhod dahil sa kakahabol niya sayo!" sabi ni kuya Russel. Hinawakan ko sya sa braso nya.

"Kuya! wag kang OA! matagal na yon. Mga bata pa kami non ni Ace!"

"Akalain mo nga naman! Napakaliit lang talaga ng mundo! Sinong mag aakala na magkikita pa kayo pagkatapos ng mahabang panahon." sabi kuya Richard

"Subrang saya ko nga po nong nakita ko ulit sya sa park after 8 years. Palagi po akong pumupunta ng Tagaytay tuwing bakasyon, nagbabakasakaling makita ko ulit sya." sabi ni Ace

"Hindi namin pinagbabawalan ang kapatid naming makipag boyfriend dahil nasa tamang edad naman na sya. Isang bagay lang ang bawal sa kanya. Bawal syang saktan ng kahit na sino!" sabi ni kuya Russel. Na touch naman ako sa sinabi ni kuya.

"Nasaktan na sya sa past nya, at wala kaming nagawa dahil kagustohan nya yon, pinairal nya kasi ang katigasan ng ulo niya, hindi nakinig samin kaya ayon, luhaan." sabi ni kuya Richard saka bumaling sakin "Pero ngayon, hindi na namin hahayaang mangyari pa ulit yon, wala nang pwedeng manakit kay Maxine." dagdag niya. awww

"Hindi ko po maipapangako na hindi ko sya masasaktan kasi hindi naman po talaga maiiwasan yan lalo na po sa pag ibig. Pero gagawin ko po lahat sa abot ng aking makakaya, upang alagaan at mahalin si Maxine."

"Talaga ba? kaya mo ba kaming talunin sa suntokan?"

"kuya Russel!!" saway ko sa kanya. Pero tumawa lang sya

"Hindi po ako lalaban sa inyu dahil malaki po ang respito ko sa inyo. Alam kong hindi pa magaling ang sugat sa puso ni Maxine pero gaya nga po nang sinabi ko sa kanya, nakahanda akong masaktan,mabuo ko lang ulit sya." seryusong sabi ni Ace

"Wag mo nga akong i 'po' magkasing edad lang yata tayo eh. kay kuya Richard ka nalang mag po dahil matanda na yan!" natatawang sabi ni kuya Russel. Totoong magka edad nga lang talaga sila ni Ace. Last year lang si kuya nagtapos ng college, Si Ace ngayong taon palang sya ga-graduate dahil 5 years ang course niya.

"Tumahimik ka nga dyan Russel. Di hamak naman na mas pogi parin ako kesa sayo!" sabi ni kuya Richard. Ayan na naman sila

"Nagsisimula na naman ang hangin. maya-maya babagyo na to. kaya bago pa ako abutan ng bagyo, mabuti pa kuya Russel, ihatid mo na ako!" sabi ko pero hindi pa man nakakasagot si kuya biglang tumawag sa kanya ang secretary niya. Parang alam ko na to.

"Okay sige, I'll be there in 10 minutes." sabi ni kuya sa kausap nya sa phone. Pagkatapos bumaling sya sakin

"Sorry bunso pero mukhang hindi kita maihahatid ngayon. May emergency sa office eh." sabi niya. Bigla namang tumunog ang cellphone ni kuya Richard

"Paano nangyaring nawala ang blueprint ng project na yon? hanapin mo nang mabuti! hindi yon pwedeng mawala!" sabi ni kuya Richard sa kabilang linya. Pagkatapos tumingin sya samin.

"Maxine, I have to go. Kailangan ko pang tulungan si Mark na nahapin ang blueprint." tapos bumaling sya kay Ace "Wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko." tumango lang si Ace saka ngumite. Pagkatapos lumapit si kuya Richard kay kuya Russel

"I have to go. Ikaw nang bahala kay Maxine." Hindi pa man nakakasagot si kuya Russel sumakay na agad si kuya Richard sa kotse niya at umalis na.

"Mukhang wala akong choice kundi ang ibilin sayo si Maxine." sabi nya kay Ace tapos bumaling sya sakin

"Maxine,pasensya na hindi kita maihahatid kailangan ko ng pumunta sa office."

Ngumite ako kay kuya "Okay lang kuya. Sige na,baka kailangan ka na nila doon."

Bumaling sya kay Ace bago sumakay ng kotse niya. "Pare ingatan mo ang kapatid ko!" tumango naman si Ace

"Makakaasa po kayo."

"Sabing wag mo akong i-po po eh! tutuboan ako ng uban dahil sayo!" sabi ni kuya Russel. Tumawa lang si Ace. Pagkatapos umalis na rin si kuya at kaming dalawa nalang ang naiwan.

"Pag sinuswerte ka nga naman." nakangiteng sabi ni Ace. Inirapan ko lang sya saka nauna nang sumakay sa kotse niya

"tayo na!" sabi ko sa kanya

"tayo na agad?" pang aasar nya. Inirapan ko lang sya. Tumawa lang sya at pinaandar na ang kotse nya. Napangite nalang din ako.

Umagang umaga pero pakiramdam ko ang haba na ng araw ko.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon