CHAPTER 34

6 1 0
                                        

Ala singko na pala. Tapos na ang shift ko. Kinuha ko na yong mga gamit ko saka nagpaalam na ako sa mga kasama ko.
"Mauna na ako sa inyu." sambit ko

"Maaga pa naman ah, nagmamadali ka yata nurse Maxine. may date ka siguro ano.." sabi ni nurse Rhona. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"May date agad? ihanap mo muna kaya ako ng lalaki." pabirong sagot ko

"sos, ang dami ko nang nireto sayo eh, pero lahat naman nireject mo!" tumawa lang ako sa sinabi nya saka lumabas na ng hospital. Papunta na sana ako sa kotse ko nang napansin kong may lalaking nakatingin sakin.

Nanlaki ang mga mata ko nong makita ko kung sino yung lalaki.
Nakasandal sya sa kotse niya, at naka cross lang ang mga braso. Habang nakatingin sakin. Woah ang gwapo niya! dumagdag pa yung suot nyang shade. Bigla ko tuloy naalala yong scene sa DOTS, yong naghihintay si Bigboss kay Beauty sa labas ng hospital. Naks naman lakas maka KDrama ah.

Dahan-dahan nyang kinuha ang shade nya tapos nakangiteng naglakad papunta sakin.

"Hey Rhian! Long time no see." sabi niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong yakapin sya. Niyakap nya rin ako pabalik

"Alvis! na mis kita!" nakangiteng sambit ko

"I missed you too, Rhian." sabi niya pagkatapos tiningnan ang suot ko.
"bagay na bagay sayo ang uniform mo."

"salamat. ba't ka nga pala nandito? Fr.Alvis?" tanong ko sa kanya, tumawa naman sya

"ang sarap pakinggan ah." sabi nya habang nakangite.
"Nandito ako para i-invite ka sa Presbyteral ordination ko next month. Pumunta ka okay? may utang ka pa sakin dahil hindi ka pumunta nong ordination ko bilang Deacon."

"Alam mo namang nasa Canada ako nong time na yon." sagot ko

"Siguro naman ngayon, may time ka nang pumunta." ngumite ako sa kanya saka tumango

"Opo, Fr. pupunta po ako." sabi ko, tumawa naman siya.

"good. so paano aalis na ako." sabi niya

"Aalis ka na? ang bilis naman."

"Meron pa kasing gustong makipag usap sayo eh." sabi niya pagkatapos ngumite. kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Magtatanong na sana ako nong biglang may lumabas galing sa kotse niya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya na papalapit sakin.
5 years had passed, 5 years ko na rin syang hindi nakikita pero subrang laki parin ng epekto nya sakin. Pakiramdam ko nag slow motion ang lahat sa paligid ko.
Nabalik lang ako sa huwisyo ng tinapik ako ni Alvis, saka nagpaalam.

"Hi Maxine."

"A-ace!" kinakabahan ako na parang iwan!

"pwede ba kitang makausap?"

"O-oo naman." sabi ko pagkatapos sakto namang dumaan ang mga kaibigan kong nurse at tinukso ako
"pero pwede ba sa ibang lugar tayo mag usap? dami kasing chismosa dito eh." ngumite naman si Ace. Pagkatapos na una na akong naglakad, sumunod naman sya.

"kamusta ka na?" sabay naming tanong. parehas naman kaming natawa

"kamusta ka na?" tanong ni Ace

"eto, mabuti, masaya." sagot ko habang nakangite

"good to hear that." sabi nya naman tapos ngumite

"ikaw ba, kmusta kana? tsaka bakit ka nga pala nandito?" tanong ko

"okay lang din naman ako at kaya ako nandito kasi gusto kitang makita." sabi niya pagkatapos huminto sya sa paglalakad at humarap sakin. Saka dahan-dahang lumapit pagkatapos niyakap nya ako.

"I missed you so much, Maxine." sambit nya habang yakap ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pero isa lang alam ko, mali ito, mali. Kumawala ako sa pagkakayakap nya sakin saka dumistansya

"Ace, mali ito. umalis ka nalang."

"Paanong mali?" tanong nya saka lumapit sakin "may ibang lalaki na bang nagmamay-ari ng puso mo?"

"Wala. pero Ace! seminarista ka! ayoko nang maulit pa ang nangyari dati. Ace please, bumalik ka nalang ng seminaryo!"

"Pero Maxine--"

"Ace! pagod na ang puso kong masaktan sa paulit ulit na dahilan!" sabi ko pagkatapos hinawakan nya ang dalawang kamay ko

"Maxine. Mahal kita! mahal kita simula pa noon. Hindi nagbago yon! hindi nawala ang pagmamahal ko sayo."

"Alam ko na yan Ace! mahal mo ako ngayon tapos sa huli iiwan mo rin ako! mas pipiliin mo rin ang bokasyon mo!" unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko.
"Ace, gusto ko namang maranasan na ako yong pinipili, kasi palagi nalang ako yong na rereject eh! nakakasawa na! nakakapagod!"

"Maxine, hindi na mangyayari yon! hindi ka na maiiwan pa."

"Paanong hindi? bakit? Ace, kaya mo bang iwanan ang bokasyon mo para sakin? hindi di ba? kaya please wag mo nalang gulohin ang buhay k--"

"Kaya ko Maxine!" natigilan ako sa sinabi niya. "Matagal na akong lumabas ng seminaryo."

"B-bakit? bakit ka lumabas ng seminaryo? alam mo bang palagi kitang pinagdadasal na sana maging pari ka talaga? Ace, natanggap ko na lahat, na hindi talaga tayo ang tinakda ng Dios, kaya ipinaubaya na kita sa kanya. Bakit ka lumabas?"

"Kasi mahal kita! Pumasok ako ng seminaryo kasi akala ko yon ang gusto ng Dios para sakin, dahil binigyan nya ako ng pangalawang buhay. Pero hindi ko maramdaman, hindi ko nakikita ang sarili ko bilang pari."

"Ace!"

"Maxine please, bigyan mo ako ng pagkakataong ipakita at iparamdam sayo kung gaano kita kamahal."

Lumapit ako sa kanya at walang alinlangang niyakap siya. Niyakap nya rin ako pabalik
"Hindi na kailangan, Ace. Nakita ko na at naramdaman ko na ang pagmamahal mo, noon paman."

"Hours turned to days, days turned to weeks, weeks to months, and months turned to years, but nothing has changed, Maxine. I'm still in love with you." sambit nya pagkatapos humarap ako sa kanya

"Napatawad mo na ba ako sa nagawa ko sayo, 5 years ago?" tanong ko sa kanya saka yumuko. Inangat naman nya ang mukha ko at hinaplos ang pisnge ko

"Bakit kita patatawarin? wala ka namang ginawang kasalanan sakin. Kung ano man yong nangyari dati, kalimutan na natin yon okay? Iloveyou."

"Mahal din kita, Ace." tumulo nalang ng kusa ang mga luha ko. pagkatapos tumingin sya sakin na parang hindi makapaniwala

"Talaga? mahal mo rin ako?" ngumite ako saka tumango

"Yan sana ang gustong gusto kong sabihin sayo, 5 years ago. Kasu nga lang nalaman kong pumasok ka ng seminaryo, kaya tinago ko nalang. At hanggang ngayon, nandito parin sa puso ko."

"S-salamat Maxine! hindi mo lang alam kung gano ako kasaya ngayon. So pano ba yan, tayo na ba?" sabi niya habang nakangite

"Nag Iloveyou too na ako sayo eh. Ano pa nga ba." natatawang saad ko. pagkatapos niyakap nya ulit ako
Papakawalan nya na sana ako sa pagkakayakap pero mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya

"Na mis mo talaga ako no?"

"walang araw na hindi kita na mis." sagot ko.

The best come to those who wait patiently for the seasons of life to come and go.
We will experience life and love to the fullest if we recognize that there's a perfect time for everything.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon