Chapter 41

101 2 0
                                        

++++

I do not know if he really cares for you, but I will try my best to be good to him.

++++


"Ate gandaaa!! Tignan mo award ko!" Iza shouted while running towards the kitchen. Muntik ko ng mabitawan ang whisk sa sobrang gulat dahil sa pagsigaw niya.

Ipinakita niya sa akin ang award niya kaya itinigil ko muna ang ginagawa. Nagbibake ako para sa kanilang dalawa ni Janjan dahil alam kong pupunta sila ngayon dito sa condo ko. Yeah, I have my own condo. I decided two years ago to live on my own. Kaya heto, mag-isa sa bahay at busy sa pag-eexperiment sa paggawa ng cake.

"Wow! Congratulations! Ang galing mo naman Iza!" Ginulo ko ang buhok nito at pinaggigilan. It has been two years since they started their career. Nagboom naman sila agad dahil sa tulong ni Mom at Dad. Additional pa iyong potential nilang dalawa sa pag-arte.

Maganda ang outcome ng lahat. Although hindi ganoon kasikat tulad sa mga teen stars, given naman dahil mga bata pa silang dalawa. Marami silang projects at endorsements, lalo na si Janjan. Focus ito sa pagmomodel while Iza ay sa pag-arte. Soon they will follow the footsteps of my father and mother.

"By the way, si Janjan?"

Ngumuso ito at tinuro ang kapatid. And speaking of...

"Hoy Pangit bakit mo ko iniwan?! Hindi mo man lang ako tinulangan magbitbit ng damit mo!"

Dito kasi silang dalawa matutulog at dalawang backpack ang bitbit ni Janjan. Pinahatid lang sila nina Mom and Dad sa driver namin dahil nagmamadali ang dalawa at may hinahabol pang flight papuntang Barcelona, Spain. Doon kasi ang next shoot nila. Kaya bilang ate, ako muna ang magbabantay sa kanila dahil busy si Klint ngayon. I sighed. Madalang nalang kami magkita ng kapatid ko.

"Oopps. Huwag mag-away. Mas mabuti pa ay tulungan niyo nalang ako sa pagbake para pagkatapos nito ay aayusan ko kayo para makapunta tayong mall. Bibilhan ko kayo ng bagong damit para sa audition niyo. At magpapraktis pa tayo. Okay ba?"

"Yes, po ate gandaaa!" Iza said.

"Sige-sige gusto ko yan ate!"

At tinulungan nga nila akong dalawa. Pagkatapos namin ay pinakain ko muna sila bago ayusan. Kaya na naman nilang maligo mag-isa pero syempre kailangan ko parin tulungan para masigurong tama ang ginagawa nila.

Ten palang si Janjan at nine naman si Iza. Ang babata pa nila pero wala na silang mga magulang. Hindi ko alam kung paano nila nagagawang mabuhay ng masaya. Sobrang genuine ng mga ngiti nila at walang bakas ng kalungkutan. I adore these two kids. Hindi ko maimagine iyong sarili ko sa sitwasyon nila. Siguro, kapag nawala si Mom and Dad at my young age. I do not know what to do. Iiyak nalang siguro ako sa kwarto at magmumokmok hanggang sa mapagod ako. Pero sila... their lives go on. Hindi sila tumigil mangarap. Hindi sila tumigil para mabuhay. I help them not because I pitied them, it is because I admire their perceptions in life. Saludo ako sa dalawang batang ito.

"Ate, hindi po ba tayo pupunta kay Baby Lylia? Diba ngayon po iyong—-."

"Shhhh. Janjan ang daldal mo talaga! "

I smiled bitterly.

"Okay lang Iza. We will visit Baby Lylia first bago pumunta sa mall. At huwag kayong mag-alala. Okay lang ako. No need to worry okay?"

Last time kasi ay sobrang lungkot ko kaya siguro sobra ang pag-aalala ni Iza sa'kin. Si Janjan naman ang nagpupumilit sa akin palagi na bisitahin ko daw ang anak ko dahil baka namimiss na'ko. Natawa pa ko dito dahil naisip niya talaga ang bagay na iyon.

I Fall, He FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon