Chapter 38

101 3 0
                                    

++++

Palagi nalang akong iniiwan.

++++

After that conversation, Liya passed out. I called Gazel and she helped me bringing Liya back to the hospital. Agad namang pumunta si Calix at nakita ko ang pagsulyap nito sa akin. Siguro, nagtataka siya kung bakit nandito ako sa ospital kasama si Liya. Medyo natakot ako dahil baka ako ulit ang sisihin niya sa nangyari.

Lumapit siya sa gawi namin. I prepared myself to get scolded but nothing happened. He just looked at me worriedly.

"I'm sorry kung pumunta ulit si Liya sa'yo."

I blinked twice. I did not expect this.

"Uhh..."

Binasa ko ang pang-ibabang labi at hindi alam kung anong sasabihin. Hindi rin ako makatingin sa kanya ng maayos dahil sa nakakaramdam ako ng awa dito. Parang gusto ko siyang yakapin at aluhin. Para kasing isang tulak nalang sa kanya ay bibigay na ito sa sobrang dami ng problema niya.

Nakakapagpahinga ka pa ba Calix? I hope he's taking good care of hisself.  Dahil sa nakikita ko ngayon ay hindi niya na magawa pang matulog ng maayos.

"It's okay Calix."

Nakakainggit.

Naiingit ako kay Liya. Hindi ko alam pero ito ang nararamdaman ko. Kung kami pa kaya at nagkasakit ako ay magkakaganyan din ba siya sa'kin? Mag-aalala din ba siya sa'kin ng husto?

"Alright. I hope you're fine," he said as he turned his back to me.

I smiled to myself. I am not fine but I am trying to be fine for him.

Patago kong pinunasan ang luha at huminga ng malalim. Gusto kong umiyak pero ayokong makita niyang nagkakaganito ako. Baka isipin nito ay pinapabayaan ko ang sarili ko at ang anak niya.

"Bhabe...are you okay? Namumutla ka," puna ni Gazel at saka ako nilapitan. Agad namang lumapit si Calix sa fiance nito at nag-aalalang hinalikan ito sa noo habang inoobserbahan ng mga doktor.

I smiled bitterly. They looked good together. Seeing Calix like this parang nadudurog iyong puso ko sa sobrang lungkot. He looks hopeless. Hindi ko kailanman siya nakitang ganito ka sobrang puyat at nasasaktan. Pinabayaan niya na iyong sarili niya.

"Are you okay bhabe?"

Nahihilo ako pero okay lang ako. Umupo muna ako sa bench habang inaayos ni Gazel ang buhok ko. She ponytailed my hair.

"Is Calix okay?" I asked instead of answering her. Kahit obvious naman na hindi ito okay pero tinanong ko parin siya.

"No."

That hurts me too. Tumango ako.

"How can I make him feel better?" I asked again.

Ayoko kasing nakikita siyang nagdudusa. Looking at him right now hurts me so much. Sobra itong nag-aalala kay Liya pero wala siyang magawa. Nakikita ko na handa niyang kunin ang sakit ni Liya para lang maging maayos ito. He can offer hisself to Liya.

"Take good care of yourself and the baby...," Gazel answered.

Alright! Maybe that could help him. Ayoko ng dumagdag sa alalahanin niya.

"I want to go home bhabe. Please take me home."

Bigla akong napagod sa nangyari. Parang nadrain ang utak ko at gusto ko nalang mahiga at magpahinga.

"Let's go."

Inalalayan niya akong tumayo at nagpaalam ito kay Calix. Nagpaalam din ako dito at nag-aalalang tinanong ako.

I Fall, He FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon