Chapter 47

73 1 0
                                    

++++++

Tears

++++++

Bigla akong namutla ng maalala ang nangyari kagabi. Napahilot ako sa akong sentido dahil sa katangahang ginawa. Damn it! Mabilis ang mga kilos kong pinulot ang lahat ng damit na nakakalat sa sahig, kung damit pa bang maitatawag ang two-pieced suit na suot ko kagabi. Sakto naman ang pagpasok ni Calix na naka boxer lang at walang suot pang itaas. May dala itong pagkain na siyang inilapag niya sa lamesa.

"Walanghiya," I muttered a curse!

Naalala ko na naman ang nangyari kagabi!

"Eat first."

"Ayoko."

Nagmamadali akong inayos ang sarili pero hindi agad makalabas ng kwarto dahil nakaharang ang buong katawan nito sa pinto.

Nakipagpatintero pa ang dumuho at hindi ako hinayaang makalabas. Hiyang-hiya na ako!

"Isa! Calix!" I shouted in annoyance.

Nakakahiya ang ginawa ko! Damn it Niece, ganyan ka katigang kagabi at hinayaan mong may mangyari sa inyo? Gusto kong iuntog ang ulo sa pader dahil sa sobrang karupukan!

"Eat first. Masamang tinatanggihan ang grasya."

"No! Maraming pagkain sa unit ko," sabay irap na sabi ko.

Hindi ito nagpatinag at pinilit akong muli.

"Kumain ka muna bago umuwi--."

"No, uuwi na'ko."

Nabuntong hininga ito at walang nagawa kundi ang palabasin ako. Hindi na'ko lumingon pa at patakbong lumipat sa unit ko.
Habol ko ang hininga na tinungo ang banyo. Agad akong naligo at inaalala ang nangyari kagabi. Napakagat labi ako at biglang nag-init ang mukha. That was hot last night. At ilang taon din akong walang dilig. And I missed him in bed. Ilang oras ang nilagi ko sa loob ng banyo bago lumabas. Kung walang may nagdodoorbell ay hindi ko pa sana tatapusin ang pagbabad sa bathtub. I'm sore down there. Gusto ko ng pahinga.

"Hi!"

Mukha agad ni Calix ang nakita ko. Nakapantalon at t-shirt ito na kahit sa simpleng damit ay ang lakas ng dating. Sinong hindi magiging marupok kung ganito ka gwapo ang ex mo? Ngumite man o hindi ay gwapo parin talaga! Nakakainis. Ako parin talaga ang talo palagi. Patay na patay parin ako sa kabila ng nangyari sa aming dalawa.

"Anong ginagawa mo dito?"

"About last night--."

"Hep!" I stopped him.

Kung hihingi siya ng sorry ay masusuntok ko siya. For me, last night is the best. Hindi pweding ikahingi ng sorry dahil ginusto namin iyon. Kahit na nagsisisi ako dahil hindi ko matanggap na bumigay ako sa kanya ng ganoon kabilis.

"Let us forget about it," I said, directly to his eyes. Tinitigan niya ako. Hindi ko alam pero tinitigan ko rin siya pabalik. The intensity of his looks makes me shiver. Sobrang lalim at ang hirap bumitaw. Ako ang unang umiwas ng tingin nang may makita akong papalapit sa aming babae. If I am not mistaken, isa sa mga trainees ni Mom. What is she doing here?

"Calix!"

Kumapit ito na parang sawa sa lalaking kaharap ko. Agad nangunot ang aking noo dahil kung makahaplos ang babae ay parang may relasyon sila. Girlfriend niya? Agad namuo ang galit sa dibdib ko sa isiping girlfriend niya ang babaeng ito.

"Who are you?" Agad na napaatras ang babae. Mukhang nagulat sa biglang pagtabig ni Calix sa kamay niya. I silently smirked. Really huh?

"I am your ex-girlfriend! Nakalimutan mo na'ko?!" hysterical na sabi nito.

I Fall, He FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon