+++++
All happiness bechance to thee
— William Shakespeare+++++
Tahimik kaming dalawa habang nakayapos siya sa akin. Hinayaan ko siya. May parte sa aking huwag siyang paniwalaan pero may parte sa akin na umaasang totoo ang mga sinasabi niya. Pero ayokong mag-assume. Girlfriend niya parin si Jacklyn. He didn't confirm nor deny it from me.
Umalis lang ang girlfriend niya tapos ay lumalandi na siya. Napailing ako. I don't want to be the other woman. Kung ipagpapatuloy ko ang kahibangan kong ito ay baka hindi na ako makaahon pa sa pagkakalunod.
"Umuwi na tayo Calix," pagbabasag ko sa katahimikan.
Huminga ito ng malalim sa balikat ko. Parang ayaw pa akong bitawan at hinigpitan pa lalo ang pagyakap sa akin.
"Be my girl Niece."
Hindi ko alam pero bigla akong napangiti. Tama ba talaga iyong narinig ko? Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"Ayoko dahil my girlfriend ka!"
Ngumise ito sa sinabi ko. Totoo naman diba? Kahit gustong-gusto ko ay hindi pwedi dahil may girlfriend siya.
"Paano kung wala?"
He smirked.
Hinuli niya ang dalawang kamay ko at pinisil iyon. Nakangiti siya at parang tinitimbang ang reaksiyon ko.
"Meron. Sabi ni Deiry ay girlfriend mo si Jacklyn. At three years mo daw siyang niligawan? Talaga lang ha!" I bitterly said to him.
He chuckled and pinched my cheeks. Ngumiwe ako sa sakit at tiningnan siya ng masama.
"Masakit!"
"You jealous witch."
"See? Hindi mo dineny! Girlfriend mo talaga si Jacklyn! Bahala ka diyan!" sabi ko at padabog na tinalikuran siya. Pero napabalik din agad ng higitin niya ako at niyakap.
"She's not my girlfriend."
Tumaas iyong kilay ko.
"Hindi ako naniniwala. You kissed her."
"That because I thought she was you Niece."
Kinurot ko ang tagiliran niya. Bolero talaga ang isang ito ano? He really knows how to make me smile and make me feel better.
"Ang landi mo."
"Sa'yo lang."
Tumawa ako. Hinarap ko siya at biglang tumakbo palayo. Nagulat ito sa ginawa ko at hindi agad nakagalaw.
"Hindi parin kita sasagutin! Sinaktan mo'ko! Hmp!"
"Ah ganoon?"
Hinabol niya ako at sinubukang huliin. Hindi niya magawa-gawa dahil magaling akong umiwas. Tinawanan ko siya.
He smirked when I stopped running. Inilang hakbang niya ang distansiya naming dalawa at binuhat ako. Napatili ako ng inikot niya ako.
"Calix! Ibaba mo'ko!"
Hinampas ko siya. Hindi ko aakalain na makikita ko siyang nakikitawa sa'kin. Akala ko kay Jacklyn lang siya ngingiti at tatawa ng ganito.
"Calix."
"Hmm?"
He cupped my face. I smiled to him.
"You said you don't like me right?"
He pursed his lips. Tila alam na kung anong gusto kong ipahiwatig. Pero imbes na magsalita ay sumeryoso ito ng bahagya.
"I still don't like you Niece."
Iyong sayang naramdaman ko ay biglang napalitan ng pait. Anong ibig niyang sabihin? Pinaglalaruan niya ba ako?
I don't like you Niece.
My heart aches. Napapikit ako at sinubukang huwag umiyak sa harapan niya. I don't understand him. Bakit niya ako inaayang maging girlfriend niya kung hindi niya ako gusto? What is this Calix?
"I don't like you Niece. Wanna know why?"
"W-Why?" may pag-aalinlangang tanong ko. Bakit nga ba Calix?
"Because like is not a strong word or feeling. Like is just as a hobby. And your hobbies might change every single day. And my emotion towards you is different, it will never fade, it will never change and will never be modified Niece."
Hindi ko napigilan ang sariling mapaiyak. Does that mean he loves me? Hindi ako makapaniwala.
"Do you like me Niece?"
Napaangat ako ng tingin. Like? Maybe, I don't too. My feelings for him is different too. Hindi temporary at hindi panandalian.
"I knew it! Dito ko lang kayo makikita!" I heard Deiry's voice so I immediately looked at her side. Kasama nito si Gazel na nakataas ang kilay.
"Deiry, I can explain!" sabi ko.
Kinakabahan ako dahil baka magalit siya. Baka isipin niya ay ginamit ko lang siya para mapalapit sa Kuya niya. This is not my real intention. I befriend her because I wanted too. Mabait ito at masaya kasama. I don't want to lose her.
"Explain what? Na may relasyon kayo ni Kuya pero hindi mo sinabi sa'kin? I hate you Love! I thought we're friends!" pagalit na sabi niya pero hindi ko alam kung galit ba talaga siya or nag-eemote lang.
"And Kuya? Diba girlfriend mo si Ate Jacklyn?! Bakit mo sila pinagsabay ng kaibigan ko?! I hate you too!"
Napatingin ako kay Gazel. She was laughing but I can't laugh because of Deiry. I don't know if she's angry or what.
"Hindi ko girlfriend si Jacklyn," Calix said, while frowning to his sister.
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Deiry. Agad itong napatingin sa akin.
"Kaya pala nakipaghiwalay ka kay Ron dahil gusto mo si Kuya?"
"You're talking too much Deiry. You're being nosy."
She pouted her lips. Napangiti nalang ako. Akala ko galit siya but I can sense that she's okay with me.
"Love let's go. Huwag kang magpauto kay Kuya. Babaero iyan!" sabi nito sabay higit sa'kin palayo kay Calix.
Tinaasan ko ito ng kilay. Babaero?
Hindi ko na ito hinintay pang sumagot at sumama nalang kay Deiry. Pinagalitan niya ako dahil kesyo hindi ko raw sinabi sa kanya at kesyo pinaglihiman namin siya. She's kinda sad when she doesn't know a thing. Kung hindi pa daw sinabi ni Gazel ay hindi pa raw nito malalaman.
Natawa nalang ako dahil akala ko galit siya. At hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ang itsura ni Calix na hindi maipinta ng iwan namin siya. He must be shocked when I left him.
I sighed.
Pero masaya ako dahil naliwanagan din ang pag-iisip ko. This happiness might change soon but I will savour it for the mean time.
You're my happiness now Calix. I hope, I am your happiness too.
.
.
.
.
Vomment
BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
General FictionFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.