+++++
Not a perfect timing for the both of us.
+++++
Nagising akong nasa ospital. And as usual, my family are here. Hinanap ng mata ko si Gazel pero wala siya. Only my parents are here. Walang Gazel, walang Kiro at walang anino niya.
Wala sila. Hindi ba sila pinapasok ng parents ko? I expected them to be here pero umasa ako sa wala. Na sana sa unang pagmulat ng mata ko ay ang nag-aalalang mukha nila ang sasalubong sa akin. Pero hindi iyon ang bumungad sa akin.
Napaiyak ako ng maalala ang huling nangyari. Calix was wasted and I hugged him while saying sorry before I passed out.
Iying sakit na naramdaman ko noong hapon na iyon ay biglang bumalik. It hurts seeing him like that. I felt guilty and drained. I don't want to see him again wasted. Ganoon ba talaga ka sakit para sa kanya nang iwan siya ni Liya? Ganoon din ba ang ginawa niya noong iniwan ko siya? Did he felt the same way too?
I am comparing again myself to Liya. Alam kong sobrang layo ko sa babaeng mahal niya ngayon. I smiled bitterly unto that while crying in my father's arms.
"Honey...sshhhh."
"Ang sakit Dad. Ang sakit-sakit."
Wala na ba talaga akong karapatan na maging masaya?! I just wanted to be happy! I always seek for it! Pero bakit ang ilap naman ng salitang masaya sa buhay ko?!
Simula ng umuwi ako dito akala ko mahahanap ko iyon. Pero nagkamali ako. Hindi ko parin nakuha ang totoong kaligayahan ko. Siya lang naman ang gusto ko e, aside from my family. Pero bakit ang hirap abutin? Bakit ang hirap mong kunin Calix? Sobrang layo mo na sa akin. May pinanghahawakan nga ako sa kanya pero hindi ko naman pweding gamitin ang anak namin para makuha siyang muli. Yeah, I am desperate but I am not going to force him to love me again. Gusto ko iyong kusa siyang babalik at sasabihin sa akin na mahal niya ako. Hindi iyong napipilitan lang siya dahil may anak kaming dalawa.
That's not love. Hindi pinipilit ang pag-ibig. Dahil kusa iyong binubuo ng dalawang taong nagmamahalan kung gugustuhin nilang magkabalikan.
"Ssssshhh. Calm down Niece."
"We really should go back to Los Angeles Christopher!" Mom said.
Galit ito. I can sense the anger in my Mom's eyes.
"Hindi nakakabuti sa kanya ang manatili dito. Look at your daughter! She's hurting herself! That's because of that man!"
"Mom!" Klint and I both shouted.
"Aalis tayo sa ayaw at sa gusto niyo. Bukas na bukas din! And that is final Christopher!"
Galit na lumabas si Mom ng kwarto. Napatingin si Dad sa akin.
"Your Mom is right. It is best for you to stay away from him."
"But Calix needs me Dad," I cried.
"Let's accept the fact that he doesn't love you anymore. Sinasaktan mo lang ang sarili mo at ang anak mo. Maybe, this is not the perfect timing for the both of you. You two needs a break. Heaven knows, baka kayo rin sa huli kahit na magkahiwalay man kayo ng ilang taon."
Wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi nila. Kinabukasan ay agad kaming umalis, without telling anyone again. Yes, again. For the second time around, ayaw ipaalam ni Mom ang pag-alis namin to avoid controversies.
I texted Gazel and she went ballistic. Bakit daw agaran ang pag-alis namin. I told her not to tell anyone. As if naman na may magtatanong sa kanya. Alam ko naman na hindi ako hahanapin ni Calix. He didn't even visited me at the hospital. Kaya hindi na'ko umaasa pa.
I sighed while laying on the bed. Kararating lang namin at nakakapagod. Lahat nalang ng nangyayari ay biglaan.
Nakakapagod rin pala. Nakakapagod rin palang magmahal. Parang ayoko na. Siguro ito na iyong karma ko sa lahat ng mga pinag-gagawa ko noon. For playing around.
Nakakatakot at nakakabaliw. Ayoko ng maranasan pa ito.
Kahit anong pilit mong maging perpekto ang lahat kung ayaw ng tadhana ay hindi talaga ibibigay sa'yo. Hindi talaga mapipilit ang isang bagay kung hindi itinadhana.
Happiness is really hard to catch. Ang hirap hulihin. Ang hirap habulin. Kaya siguro sumusuko nalang iyong iba at nagpapakamatay. Kasi ang hirap maging masaya if there is something missing in your heart. May kulang at hindi ka magiging masaya kung hindi mabubuo ang missing part na iyon.
Tama nga ang sabi nila. Life is just a puzzle. Kailangan mabuo mo para maganda at maging masaya ka.
My phone rang so I got up in bed. Gazel was calling me.
"Bhabe—."
"Hinahanap ka ni Calix!"
My heart pounded so fast. Hinahanap ako ni Calix? Biglang sumaya ang puso ko sa isiping iyon.
"B-Bakit daw?"
Huwag ka ng umasa Niece! Tama na!
I scolded myself. Tama na. Suko na ako. My Dad is right. This is not the perfect timing for the both of us. At hindi niya na ako mahal. Hinahanap niya siguro ako dahil sa anak niya.
"I don't know. But he went here drunk! I'm sorry for telling you this Bhabe, pero naaawa ako kay Calix. Liya left him tapos ikaw umalis din? It's not that I am siding Calix side. Sinasabi ko lang na hindi ito ang panahon para iwan siya lalo na at nagdudusa siya ngayon. Umalis ang tatlong pinaka-importanteng tao sa kanya. And that includes you Niece, alam mo iyan. Alam mong mahal ka pa ni Calix, sinabi ni Liya sa'yo diba? And that's the reason why Liya left him because she wants Calix to be happy. To be happy beside you! She set Calix free to be with you Niece! Pero umalis ka at hindi tinupad ang pangako mo kay Liya! Alam ko lahat kasi narinig ko ang pag-uusap niyo!" Gazel was crying in the other line.
"Umalis ka ulit sa tabi niya!"
Nanikip ang dibdib ko sa mga sinabi nito. Hindi ko mapigilan ang umiyak at ma-guilty. Selfish ko ba? Kasi iniwan ko ulit ito.
"Tell him that I am here. And tell him too that Liya is in New York," I said before I dropped the call.
I let him choose. Alam kong kaya niyang pumunta dito kung talagang mahal niya ako. Kung ako ang pipiliin niya ay pupunta siya dito.
Tadhana na ang bahala. Kung ayaw talaga ay hindi ko na pipilitin pa.
.
.
.
Sorry for the late update. Super busy kasi sa trabaho😂😂 Sumegway lang ako.
BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
General FictionFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.
