++++
The bad person of the Family.
+++++
Dalawang araw pagkatapos ng pag-uusap namin ni Calix ay nabalitaan kong umalis na ito papuntang New York kasama si Deiry. Sobra akong nalungkot at nasaktan pero tinataktak ko sa isip ko ang mga sinabi ni Dad. Bata pa ako ako at marami pa akong mararanasan. Marami pang pagsubok na dadating. And I need to fix myself first hindi iyong nabubulag ako sa pagmamahal ko kay Calix.
I acted so immature. And I realized na kailangan kong maggrow as a person. And I need to move on.
I sighed.
Sana ganoon lang kadali iyon. Ang magmove on. Pero pakshit lang, months had passed siya parin talaga. I tried to forget about him pero wala, wala paring nagbago. I sometimes think of him, I sometimes want to go to New York. At gusto kong bumalik na siya.
"Bhabe Tito said hindi ka daw kumain ng breakfast kanina tapos ngayon hindi ka rin kakain ng lunch? Papatayin mo ba ang sarili mo sa gutom?"
Sinubsob ko ang sarili sa trabaho imbes na magmukmok sa bahay at isipin ang break up namin ni Calix. Masasaktan lang ako at madi-depress! Hindi ako nagresign at nagpatuloy ang pagtatrabaho ko dito. Hindi lang kami gaanong nagpapansinan ni Jacklyn at medyo casual nalang kapag may event ang company. Siya narin ang pumalit kay Calix simula ng umalis ito. Well, business partners sila kaya syempre sa kanya ibibilin. At may shares naman si Gazel kaya hindi niya ako basta-basta mapapaalis dito!
I'm still waiting and hoping for him to come back pero syempre aasa lang ako. Nagtry din akong makipagdate sa iba at marami akong naging fling sa loob lang ng dalawang buwan. And it's been nine months since the last time we saw each other. Parang kailan lang ang paghihiwalay namin pero sobrang tagal na pala kung tutuusin.
"I'm fine bhabe. Hindi ako gutom."
Of course I am not fine. Palagi kong iniisip si Calix at ang mga nagawa kong kasalanan. Sa tuwing umuuwi ako ng bahay ay minsan umiiyak ako kay Dad. Naalala ko kasi ang mukha ni Calix na sobrang nasaktan. Nagiguilty ako at nasasayangan sa relasyon namin.
Nakauwi narin si Mom and Klint. I am so happy na nagkabalikan na sina Dad at Mom. It was just a misunderstanding and Mom apologized to Dad for everything. And Mom was thankful that Dad never gave up on her. They really love each other especially Dad. Hindi siya sumuko at na-aamaze talaga ako thinking that he waited for almost six years. Biruin mo iyon diba? Hindi lahat kayang maghintay ng ganoon katagal!
"Bhabe please..."
I sighed in defeat.
"Fine!"
Halos tumalon ito sa tuwa ng mapapayag niya akong kumain. She offered me carbonara, chicken and rice. Pagkakita ko palang sa carbonara ay biglang lumukot ang mukha ko sa amoy. Tinakpan ko ang ilong ko.
"Oh bhabe come on! Are you trying to poison me?! E panis na yata ang carbonara!" sabi ko dito habang ibinabalik sa kanya ang pagkain. Halos hindi ito makapaniwala sa sinabi ko at inamoy pa ang carbonara. Napangiwe ako.
"Wala naman bhabe! Kabibili ko lang nito!"
Inilapit niya ulit sa akin kaya napatakbo na ako sa banyo para magsuka. Sobrang sama talaga ng amoy nito and I cannot take the smell.
"Oh my gosh bhabe! I'm sorry! Hindi naman panis ang carbonara!"
Napahawak ako sa tiyan ko. Hinang-hina akong napahawak sa lababo.
"No. No please," I started crying when I realised everything. The smell, the vomit.
"Bhabe? Why?"
BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
General FictionFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.