+++++
New beginnings. New happenings.
—I want to be part of your new beginning.
+++++
Nakapangalumbaba ako at hindi alam ang gagawin. Ilang beses narin akong bumuntong hininga pero parang ganoon parin ang pakiramdam ko. Sobrang bigat at nakakaguilty!
Naiinis ako sa sarili ko dahil sinabi ko iyon sa kanya. Hindi ko naman iyon sinasadya. Nadala lamang ako sa aking emosyon. Hindi ko naman sana mabibitawan iyon kung hindi dumating ang babaeng iyon, na hindi ko naman kilala. How dare her! Wala siyang karapatan na sabihin iyon kay Calix. At wala rin akong balak na sabihin iyon sa kanya.
Maayos na sana eh! Wala na sanang problema. Handa na akong kalimutan ang lahat at magsimula uli. Pero putik! Para akong nagsimula sa umpisa.
Araw-araw akong sinusubukang kausapin ni Calix tungkol sa nangyari. Gusto niyang malaman ang lahat pero paano ko sasabihin kung sa bawat kwento ko ay nanginginig na'ko? Hindi ko kayang ikwento. Na trauma ako at takot ng balikan uli ang lahat.
"Calix needs an explaination bhabe," Gazel said, pambabasag sa katahimikang kanina pa naghari.
"After what I have said to him? May mukha pa ba akong ihaharap sa kanya? Sinabihan ko siyang sana namatay na siya!" I frustratedly said.
Kahit sinong masamang tao ay hindi deserve ang sinabi ko. Hindi ko dapat iyon sinabi. Isa iyong pagkakamali.
"Edi magsorry ka! Na hindi mo sinasadya!"
"Madaling sabihin pero mahirap gawin!"
Tumaas ang kilay nito.
"So ganyan nalang? Iiwasan mo siya, sasaktan at bubuhayin sa mga katanungan ganoon ba?"
Tumayo ito at kumuha ng tubig sa despenser. Uminom ito at binigyan ako pagkatapos. Inubos ko muna ang tubig bago nagsalita. Uhaw na uhaw ako.
"Nahihiya akong kausapin siya bhabe."
"Jusmiyo! To tell you frankly bhabe, hindi deserve ni Calix ito. In the first place ikaw iyong unang nagcheat. At noong umalis siya he had the right to decide kung iibig siyang muli. What happened to the both of you is unexpected. So dapat hindi ka magdemand ng kung ano sa kanya! Kung nasaktan ka, nasaktan din naman siya. Sobra-sobra pa nga kung tutuusin dahil tatlong babae ang nawala sa kanya. Ikaw, si Liya at ang anak niya!" sigaw ni Gazel sa akin. Hindi ko na naman mapigilan ang mapaiyak.
"Ayaw kitang kampihan bhabe dahil may mali ka. Ikaw ang unang nanakit kaya dapat ikaw din ang unang humingi ng sorry. Kung hindi kaman pinili ni Calix noon ay may rason, at sana naman hindi ka tanga para hindi malaman iyon," she said before going back to her table.
Napapikit ako at nag-isip-isip.
Kung hindi kaman pinili ni Calix noon ay may rason, at sana naman hindi ka tanga para hindi malaman iyon.
"Did he really chose Liya over me or he got into accident, the reason why he never came to California?" I said while closing my eyes.
"Whatever it is, mahalaga pa ba iyon Niece? Kailangan mo pa bang balikan ang lahat para lang timbangin ang kasalukuyan? Pwedi namang magsimula ulit diba? Kaya nga may kasabihang past is past. Kung ano man ang nangyari noon, kalimutan mo na. At saka isa pa wala ng problema. Calix is single, you are single. Calix is still into you and you are too. Nagpapakipot ka pa ba?"
Napamulat ako sa huling sinabi nito. Nagpapakipot?
"W-What?"
BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
Fiksi UmumFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.