+++++
I fall
+++++
I broke up with Ron the next day not because I need to but because he doesn't deserve like me. I'm kinda sort of guilty. Masyado siyang mabait para paglaruan ko at sawa na rin akong maglaro. I somehow realised that I need to behave now. Pagkatapos kong maranasan ang sakit na iyon. Nah, ayokong iparanas iyon sa iba. Masakit pala.
Habang mas maaga pa, I let go of Ron. Makakahanap pa siya ng babaeng mas bagay sa kanya. Hindi katulad ko na puro laro lang ang nasa isip.
I sighed.
"No Ron and no Calix now? Are you sure?" Gazel asked me while I am reading. I closed the book that I'm holding.
"I'm being matured now bhabe."
Tumawa ito na para bang joke ang sinabi ko. Alam kong nakakapanibago pero totoo, gusto kong magbago at maging matured. I want to be serious now for everything.
"Stop laughing bhabe! It's annoying."
Umirap ito sabay subo ng cake na inorder niya. Balik gawi kaming dalawa. Dito muna kami tumambay sa cafe imbes na pumunta sa bahay nina Deiry. Mukhang ayoko ng bumalik doon. I don't think it is a good idea to see Calix after what he said to me. Masyado pang masakit. I'm being rejected!
"Hindi na ikaw si Niece kung titigil ka sa paglalaro. I want the playful Niece that I've known bhabe. Just crap the part of playing other people's heart. Kahit doon pwedi mong baguhin pero huwag mo namang baguhin iyong sarili mo. It's been three weeks now at nakakapanibagong tingnan kang hindi gaanong ngumingite at palagi nalang seryoso ang mukha. I don't want that," nakangiti pero malungkot na sabi niya. It's a bittersweet, hearing those words to my bestfriend.
Bumuntong hininga ako ng malalim. Bago sa kanyang paningin ang bagong Niece. Siguro nga tama siya. It's been three weeks since that day happened. Masyado lang kasi akong nasaktan na pinili kong magbago agad kinabukasan. Ganito pala ang epekto nito sa akin. At hindi ko alam na malulungkot si Gazel dahil nagbago ako.
"I'm sorry," I muttered.
Ngumite ito.
"It's okay. Atleast nasabi ko. I want my bhabe back."
She smirked. Tumawa ako.
Hindi ko naman siguro kailangang magbago dahil lang sa nasaktan ako. Hindi lang kasi ako ang naapektuhan sa pagbabago ko kundi pati ang bestfriend and who knows pati rin pala ang kapatid at parents ko. Nagpadalos agad ako sa emosyon ko. Siguro dahil unang beses kong naranasan iyon. And good thing na may taong nagparanas sa akin ng ganoon dahil kahit papaano ay nagising ako sa mga maling ginagawa ko at sa mga gagawin ko pa.
Iyon lang pala ang makakapagpahinto at makakapagparealize sa'kin na mali ang saktan ko ang ibang tao. Dahil masakit pala ang mareject at ma taken for granted. At mali ring paglaruan ang feelings nila.
"I should thank Calix for rejecting you. Dahil sa wakas hindi ka na maglalaro ng feelings ng iba."
Inirapan ko siya.
"Talagang masaya kang nasaktan ako?"
Naningkit ang mata nito.
"Saan ka ba nasasaktan Bhabe? Sa pagreject sa'yo ni Calix kasi naapakan niya ang ego mo o dahil mahal mo siya at hindi ka niya gusto?"
BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
Fiksi UmumFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.