Chapter 42

62 1 0
                                    

++++

Happiness is not always on my side. I CANNOT BE HAPPY.

++++

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong parang may sumusunod sa akin. Hindi ko naman mahuli-huli ang taong iyon dahil masyado siyang mabilis makapagtago. Hindi ko nalang rin nireport dahil wala naman siyang ginagawang masama. Or maybe, isa sa mga reporter na gustong makakuha ng scope para kina Mom and Dad. Unfortunately, wala silang makukuha sa akin dahil hindi naman ako o ang kapatid ko, involve sa mga masasamang gawain. At saka hindi kami sinasali nina Mom and Dad sa mga interviews nila dahil ayaw nilang magulo ang buhay namin. At alam nilang ayaw namin sa mga ganyan kaya as much as possible, pinoprotektahan nila kami sa magulong pamumuhay sa industriya.

"Ate ganda, uuwi na daw kami sa bahay."

Napatingin ako sa dalawa kong kapatid. Hindi nila sinabi sa akin na ngayon ang uwi nila. Napailing ako. Kahit kailan talaga ay on the spot sila makapag-decide. Akala ko sa susunod na linggo pa matatapos ang shoot nila.

"Hatid ko na kayo. Tell Mom na huwag na kayong ipasundo."

"Okay ate!" Janjan said.

Nakita ko ang pagtatype ni Iza sa cellphone niya.

Nagmadali akong pumasok sa kwarto at nagbihis. Alas cuatro na ng hapon kaya ihahatid ko nalang sila bago mag-gabi. At saka doon nalang rin ako maghahapunan sa bahay.

"Ate may bisita daw tayo sa bahay," Iza said, pagkalabas ko ng kwarto.

Bisita? At sino naman?

"Sabi niya wear something nice daw po and be there at five," basa niya sa kanyang cellphone.

Napatingin naman ako sa suot ko. Okay naman. Naka floral dress and doll shoes.

"Is this fine? Okay lang ba iyong suot ko?" I asked the two.

Tumayo si Janjan at inobserbahan ang suot ko. Natawa pa'ko dahil iyong kanang kamay niya ay nasa baba at iyong isa naman ay nasa bewang.

"So?"

"Ayos!"

"Alright! So, let us go!"

Pinaiwan ko na iyong mga gamit nilang dalawa at para sa susunod na matulog sila dito ay wala na silang bibitbitin pa. May sariling kwarto naman iyong dalawa dito kaya, okay lang.

We arrived at around five. Agad kaming binungad nina Mom and Dad at pinakilala sa akin iyong bisita nila. Mag-asawa at hindi ko kailanman nakita pa. Bagong friends? Kaya ba napaaga ang uwi nila? Hmm.

"Niece meet your Tita Alice and Tito Zalix. Naalala mo pa ba sila?"

I smiled to them. "Nice to meet you po. Ngayon ko lang po sila na meet Mom."

"Hindi niya na siguro naaalala Krizelda. Bata pa siya noong huli naming pagkikita."

Ngumite nalang ako na parang nahihiya. "Siguro nga po. Hehe. Pasensya na po."

Hindi ko talaga sila maalala. May kahawig pero baka nagkakamali lang ako. Hindi naman siguro kamag-anak nina Calix at Deiry ito. But the resemblance was drawn into their faces, really.

"It's okay iha," Tito Zalix said.

"So, we should go now? Salamat Krizelda. We owe you for agreeing to help us."

My mom smiled and I got curious for what Tita Alice was talking about.

"Para sa ikabubuti ng lahat Alice."

Tumango si Tita at napatingin sa akin.

"I am glad to meet you again Niece. Hoping to see you again—"

I Fall, He FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon