Chapter 9

65 2 0
                                    

+++++

When he said it, he mean it. When he said 'I don't like you', he really mean it. So, stop convincing yourself that he will like you back. FYI, in your dreams.

+++++

Ikwenento ko kay Gazel ang nangyari kahapon. She was shocked. Pero hindi siya kinilig sa kwento ko kaya medyo nainis ako. Akala niya kasi naglalaro na naman ako. Hindi ba pweding suportahan niya ako kahit na naglalaro pa o hindi?

"Bhabe if you're not in love with him. Please stop bothering him. It's either ikaw ang masasaktan sa huli o siya dahil baka mainlove siya sa'yo tapos hindi mo sasaluhin."

I know it's risky but will never know. Kung hindi susubukan hindi rin naman malalaman. Kung ano man ang nangyayari ngayon, I will enjoy it very much.

Hindi muna ako pumunta sa bahay nila Deiry at sinamahan si Gazel sa praktis nito. Sinamahan naman ako ni Ron sa panonood at panay ang kulit nito sa akin na magdate daw kami kahit saglit lang tapos balikan nalang daw namin si Gazel pagkatapos ng praktis nito. Syempre, hindi ako pumayag dahil baka magalit yong kaibigan ko. At saka ilang minutes nalang naman at uuwi na kami.

"Maybe next time Ron. I promised."

"Okay! Sabi mo 'yan ha!"

"Oo! Sige na baka mahuli ka pa sa meeting niyo."

"Okay. Bye!" And he kissed my cheeks before going. Hindi na'ko nagulat dahil iyon naman palagi ang ginagawa niya. I'm not giving him false hopes. May plano naman akong sagutin siya at syempre i break kapag hindi ko na gusto. Simple as that.

Naiwan ako habang nanonood sa kaibigan. Luminga ako sa puno kung saan nakatambay si Calix noon at nagulat akong nandoon siya, nakatingin sa mga nagpapraktis. Bakit hindi ko siya nakita kanina? Kadarating niya lang ba? At bakit parang galit siya?

Tumayo ako pumunta sa pwesto niya. Nakataas ang kilay nito habang papalapit ako. Hindi naman ito nakatingin sa'kin pero pakiramdam kong alam niyang darating ako.

"Hey!" tawag ko dito pero hindi ako pinansin.

Kahapon lang, hinalikan niya ako tapos ngayon ay hindi siya namamansin? Ang suplado naman talaga!

I poked his arms.

"Calix. Hoy!"

He averted his gaze towards me. Hindi parin nawawala ang pagkunot noo nito at pagsalubong ng kilay. He bit his lower lip at tumagal ang titig ko sa labi niya. I want to kiss him again. His lips was so addicting.

"Is that boy...your suitor?" he asked without looking at me. Nakatingin parin ito sa mga nagpapraktis.

"Yeah. That's Ron," I told him.

His brows furrowed. Parang may hindi naiintindihan sa sinabi ko. Sinulyapan niya ako and I can sense his anger. I don't know pero pakiramdam ko ay galit siya.

"I see. How many suitors do you have?"

Why? He's going to kill them all? Sinukatan ko ang titig niya. Bakit niya tinatanong?

"Uhh. Only one. Si Ron lang naman ang pinayagan ko."

I smiled to him. Medyo naiintriga sa pagtatanong niya. Curious ba siya?

"Dump him," he said as he looked at me intently.

"Huh?"

Nagulat ako. Dump Ron? Why? I don't understand.

"Dump him," ulit nito.

What?

"Bakit ko gagawin iyon? He's not doing anything wrong. At saka isa pa mawawalan ako ng manliligaw kong babastedin ko siya!"

Okay. Medyo napataas ang pagkakasabi ko no'n. He looked a bit annoyed. Tumayo siya at iniwan ako doon. Napanganga ako.

"Teka! Calix!"

Sinundan ko ito. Nang mahabol ko siya ay hinawakan ko ang braso niya at pinaharap sa'kin. Medyo nahingal ako doon.

"Uuwi na'ko. May sasabihin ka pa?" inis na saad nito.

"I'm not going to dump Ron—."

"You don't need to say it again."

Napairap ako. Ang suplado niya talaga!

"I'm not going to dump Ron—."

"Tss."

Tinalikuran niya ako. Ni hindi man lang tinapos yung sasabihin ko! Gosh. I hate him. Gusto niya talagang habulin ko siya.

"Unless you will court me!" dugtong ko sa sasabihin. Napahinto ito sa paglalakad at hinarap ako. Tinaasan niya ako ng kilay.

"At bakit ko gagawin iyon? I don't like you."

Ouch. Ang sakit no'n ha! Harap-harapan talagang sabihin? Well, anyways.

"Still. Court me and I will dump Ron para may manliligaw parin ako!"

Sabihin niyo ng baliw ako o walang sense iyong sinabi ko pero gusto ko lang tignan kung gagawin niya ba. Hindi ako magdadalawang isip na bastedin si Ron kung papayag siya sa alok ko! Well, baka lang naman mapapayag ko siya. Hindi malabong magustuhan niya ako noh! Sa ganda kong ito hindi na siya lugi sa akin.

He shook his head, saying that he will not agree. I sighed deeply.

"Sasagutin ko na siya bukas. Sige bye!" I said before going back to my place earlier.

Hindi maipinta ang mukha kong nilapitan ni Gazel.

"What happened? Anong pinag-usapan niyo ni Calix? I saw him kanina," sabi niya habang nagpupunas ng pawis niya sa mukha.

Nagkibit balikat ako. Tuwing naaalala ko iyong pinag-usapan namin ay naiinis ako. Ang lakas ng loob niyang sabihing bastedin ko si Ron tapos kapag sinabi kong siya ang papalit, ayaw naman!

E sa hindi ka nga gusto Niece! Mahirap bang intindihin iyon?

"You okay bhabe? Halika nga at umuwi na tayo! Nas-stress akong tingnan kang nakabusangot."

Napahigit ako sa kanya palabas ng school. Naabutan ko pa ang kapatid ko kaya sabay na kaming umuwi. Pagdating sa bahay ay mukhang napansin niya ang pagiging bad mood ko kaya kinausap niya ako.

"Bakit Kriz? Anong nangyari kanina?"

Kwenento ko sa kanya ang nangyari. Kaya ayon pinagtawanan ako.

"Impossible naman kasi ang hinihiling mo!"

"Impossible din naman ang hinihiling niya! Sabihin ba namang bastedin ko si Ron? Tapos ano?"

He chuckled.

"Para wala ka ng manliligaw at wala ng sagabal kapag pumorma man siya sa'yo."

I scoffed. Hindi niya ba narinig ang kwento ko? Ayaw nga sa'kin ni Calix!

"Hindi niya ako gusto brother!"

Tumawa lang ito at iiling-iling. Iniwan niya ako sa kwarto ko. Nagtatantrums parin ako.

I sighed. Ano bang nangyayari sa'kin? It's getting crazier and crazier!

"Humanda ka sa'kin Jace Calix Villarta! Maf-fall ka din sa'kin!"

.

.

.

Vomment

I Fall, He FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon