+++++
Make him jealous, kahit na wala siyang gusto sa'yo.
+++++
"Sinasagot na kita Ron. Boyfriend na kita," ito ang mga salitang sinabi ko kay Ron bago ko siya maging boyfriend. Sobrang saya nito at pinagsabi agad sa mga classmates namin. Natawa nga ako dahil parang nanalo ito sa lotto.
Hatid sundo niya ako sa gate ng school namin. Hindi kasi ako pumayag na pati sa bahay ay sunduin niya ako. Abala pa iyon dahil wala naman itong sasakyang palaging dala. Minsan meron pero minsan wala. Kaya sabi ko sa gate nalang ng school para hindi hustle sa kanya.
Palagi kaming nagdidate at hindi na muna ako pumupunta sa bahay nina Deiry dahil gusto kong magpa-miss kay Calix. Alam mo na at saka isa pa naiinis parin ako sa kanya. Hindi ko rin naman ito nakikita sa school kaya kahit papaano ay nalilibang ako kahit hindi siya iyong iniisip ko. Nagkikita rin naman kami always ni Deiry at kwenento niya sa akin na may bago siyang manliligaw at laking pasasalamat niya na nakipagbreak ito sa babaerong ex-boyfriend niya. Well, I am happy for her. Hindi rin pala masama iyong ginawa ko.
"Sige na Ron mauna kana. Hintayin ko nalang si Gazel dito. Baka nagtatampo na'yon dahil palagi tayong magkasama."
Tumango ito at nagpaalam na. And as always hinalikan muna ako sa pisnge bago umalis.
Hinintay ko si Gazel hanggang sa matapos ito. Niyaya niya akong pumunta sa bahay nila dahil may konting salo-salo daw at papuntahin ko narin iyong kapatid ko kaya tinext ko ito na hihintayin namin siya sa labas ng school niya. And good thing, katatapos lang ng klase nito.
"Anong meron ate Gazel?" tanong ng kapatid ko habang nagdadrive ako.
Sumabay na ito sa amin dahil hindi raw nito dala ang sasakyan.
"Birthday ng pamangkin ko Klint. Maraming chicks doon. Irereto kita!" sabi pa nito sa kapatid ko. Hindi ko mapigilang mapailing.
"Huling nireto mo ay umiyak 'yan bhabe! Kaya huwag na!"
Tumawa naman ang kaibigan ko. Sinabi kasi sakin ni Klint na iyong babaeng iniyakan niya ay iyong babaeng nireto sa kanya ni Gazel. Ni wala akong kaalam-alam na may nirereto pala ito!
"Talaga? Bakit anong nangyari Klint?"
Nagkibit balikat ang kapatid ko at hindi nagsalita. Kaya lalong tumawa si Gazel na sinundan ko naman. Mukhang nabadtrip yata ang kapatid ko at hindi na maipinta ang mukha.
"Alam mo bang pinsan ko iyong si Sela! At tiyak na makikita mo siya mamaya. Kaso baka kasama iyong boyfriend niya."
Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nito o tinutukso lang ang kapatid ko. Biglang sumeryoso ang mukha ni Klint at mukhang affected pa sa Sela na iyon.
Napailing ako.
"Ituro mo sa'kin iyong pinsan mong iyon bhabe ha! Gusto kong makilala."
"Opps! Bhabe! Baka awayin mo! Huwag!"
Kilala niya talaga ako.
"Hindi. Kikilalanin ko lang kung anong klaseng babae!" sabi ko sabay sulyap sa kapatid na mukhang malalim ang iniisip.
Ang lakas talaga ng tama nito. I sighed. Kung may magagawa lang sana ako para sa kapatid ko. Well, let us see later kung may magagawa ba ako. Malay mo, she has a reason why he broke up with my brother. I want to know the truth.
"Huwag mo ng kilalanin Kriz."
Napairap ako.
Walang nagawa ang kapatid ko ng ituro sa akin ni Gazel iyong pinsan niyang si Sela. May kausap itong mga babae, and I bet her friends sa school. Wala naman itong kasamang lalaki kaya hindi niya dala iyong boyfriend niya? Siguro, hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
Ficción GeneralFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.