Chapter 34

79 2 2
                                    

+++++

Baby...

+++++

Nakatingin ako ngayon sa special paper na ibinigay sa akin ni Gazel bago ito lumabas ng office para sa meeting. She said, basahin ko daw baka importante. Hindi niya pa nabubuksan ito at ako ang unang nakabasa ng sulat. Noong una ay nagtataka ako kung ano ang ibinigay niya pero ng mabasa ko ang nakasulat ay halos gumuho ang mundo ko.

My hands were trembling as I looked at the name in the paper.

Calix & Fiona

An invitation for their engagement party! Napaupo ako habang nakatitig ng mataimtim sa papel. Unti-unting tumulo ang aking mga luha sa mga mata. Hindi ako makapaniwala. He's getting married. For nine months he moved on. Nine months.

Paano niya nagawa iyon? Bakit parang ang dali lang sa kanya at napakahirap para sa akin? I can't move on! Kahit sabihin pa ng iba na gawin ko iyon para sa sarili ko to grow up, but still hindi ko magawa. Mahal ko siya! I loved Calix so much that I cannot be able to love someone else aside from him. Siya lang talaga ang lalaking minahal ko ng ganito. Iba siya sa mga lalaking naging boyfriend ko.

Noon ang dali lang naman para sa akin ang magpalit ng lalaki pero ngayon tila ba ay parang kay hirap. Sobrang hirap na bawat buka ng bibig ng mga lalaking dumi diskarte sa akin ay si Calix ang naiisip ko and I always compare them to him. Sobrang layo na hindi nila magawang pantayan si Calix.

Bakit ako hindi ko kaya? I tried so hard to forget him pero may parte sa aking umaasa. Pero ngayon, nawalan ako ng pag-asa na magkakabalikan pa kami.

He's getting married now and I am going to be a mother. Maybe, we're not really meant to be.

"Bhabe?! Oh my gosh, why are you crying?!"

Dinaluhan ako ni Gazel na ngayo'y kapapasok lang ng office galing sa meeting. She wiped my tears.

"H-He's..."

Hindi ko magawang sabihin dahil sa sobrang nasasaktan ako.

Kinuha ni Gazel ang invitation at ganoon nanlaki ang mga mata niya sa nabasa.

"What the hell? I-I thought...Calix and Fiona? Oh my gosh, what's the meaning of this Calix?" I heard her said pero dahil sa sobrang sama ng loob ay hindi ko na nagawa pang pagtuunan ng pansin ang mga sinabi niya. All I care about is that, my heart, it's killing me inside.

"We need to go to that party!" she said.

What?

"No! I am not invited so I won't go."

Sa kanya nakapangalan ang invitation. Walang para sa akin. So, he didn't want me to come to his engagement party huh? At si Gazel lang ang ininvite niya! How rude and unfair he is!

She bit her lower lip. Palakad-lakad ito sa harapan ko na parang hindi mapakali. She muttered a cursed and then she murmurs something I don't understand.

What's her problem?

"Bhabe!" I called her.

"You need to attend!"

Bakit at para saan pa? Masasaktan lang ako kapag pumunta ako. At saka isa pa baka ano pang mangyari sa baby ko. I don't want to stress myself. Kulang na nga ako sa tulog baka madagdagan pa iyon sa sobrang kaba at kaiisip dito.

"Balitaan mo nalang—."

"Brix! Yeah, that's it."

Kumunot ang noo ko. Brix? The father of my unborn child? What about him?

I Fall, He FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon