+++++
I don't know you but it feels like I have known you before.
The mind cannot remember but the heart does.
+++++
Naalimpungatan ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko sa orasan ay alas tres palang ng umaga. Bigla akong nainis dahil kay aga-aga ay nambubulabog na!
"Hello?!" pasigaw kong sagot dito.
"Hi!"
Nangunot ang noo ko at tiningnan ang caller. Unregistered number. Who the hell is this?!
"Sino ka?! Hindi mo ba alam na alas tres palang ng umaga?!"
Napasabunot ako sa aking buhok. Antok pa ako dahil isang oras palang ang tulog ko.
"I'm sorry. This is Calix."
Biglang nawala ang antok ko dahil sa narinig. What?! Calix? At bakit niya ako tinatawagan ng ganitong oras? At saan niya kinuha ang number ko?
I ended the call after that. Baka nantitrip lang. Bakit naman ako tatawagan ni Calix ng ganitong oras? For what?! Wala naman itong kailangan sa'kin.
My phone rang again. Napairap ako sa kawalan bago sagutin.
"Hello?"
"I'm sorry. I cannot sleep. Did I wake you up?" he said in the other line.
Hindi ko alam kung manununtok ako o mananabunot. Three o'clock in the morning. Seriously?!
"Where did you get my number?"
"My sister, Deiry."
Damn!
"Pwedi ba Calix. Stop pestering me. Kung hindi ka makatulog huwag mo akong idamay! Kakatulog ko lang for goodness sake!" nanggigil na talaga ako.
"I'm sorry. Sige matulog kana. I will call you again later."
Hindi na ako sumagot pa at pinatay ang tawag. At imbes na makatulog ulit ay nawala bigla ang antok ko dahil sa pinaggagawa ni Calix.
Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Pinaglalaruan niya ba ako? He is acting weird tapos kanina ay tatanungin niya ako kung kilala ko ba siya tapos bigla siyang aalis ng walang paalam?
And all of the sudden, tatawag siya ng ganitong oras?! Dahil ano, hindi siya makatulog? Pakealam ko naman sa kanya?
Pagulong-gulong ako sa kama at hindi na maintidihan ang sarili. Napatingin ako sa orasan, alas cinco na pero hindi parin ako dinadalaw ng antok.
Napagpasyahan kong maligo nalang at mag-exercise. Paglabas ko palang ay agad na bumungad sa'kin si Calix.
What the f-ck?
Magkapit bahay kami?! Kailan pa?
"Hi!" he greeted again.
Inirapan ko ito at nagsimulang naglakad palayo sa kanya. Pumunta ako sa ground floor kung saan ang gym. Nakita kong nakabuntot siya sa akin pero hindi ko na pinansin.
Nag treadmill ako at nag yoga. Lahat ginawa ko na para lang madalaw ng antok pero nakakainis lang dahil panay ang sunod ni Calix sa akin.
Hinarap ko siya ng mahuli kong nakatitig siya sa'kin.
"Can you please stop pestering me?! Hindi nakakatuwa," sabi ko at padabog na tinalikuran siya.

BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
Fiksi UmumFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.