Chapter 32

74 1 0
                                    

++++++

Kung wala ka.

++++++

Ilang beses akong sumubok na kausapin si Calix pero palagi niya akong iniiwasan. Araw-araw ko itong hinihintay sa labas ng office niya at nagmumukha na akong tanga kakahintay tuwing hapon para lang makausap siya. Pero wala. Hindi niya ako gustong makita and it really hurt me knowing that he's still mad at me.

And now this is the last day of the second week.

"Gelo, nandiyan ba si Calix?"

"Uhh, pinapasabi po ni Sir na—."

"Angelo."

Napatingin ako sa pinto ni Calix at ganoon nalang ako kinabahan sa presensiya nito. It's been two weeks since that day. And I missed him so much. He looks so tired at sobrang messy palagi ang ayos nito. Uminom na naman ba ito kagabi? Deiry said to me na palagi daw itong umiinom sa bahay nila. Drinking alone in his room.

Gusto ko siyang puntahan but Deiry stopped me. Hindi daw magandang ideya iyon at baka lumala lang ang sitwasyon. I waited for him to talk to me. Araw-araw ay parang kalbaryo sa tuwing iniiwasan niya ako at hindi man lang magawang tapunan ng tingin. I am just a stranger to him these past two weeks. Kahit ang mga texts ko ay hindi nito nirereplyan.

Deiry tried to convince him to talk to me but he refused to say anything. Kaya sabi ko kay Deiry ay okay lang at nagpasalamat na din dahil sinubukan niyang tulungan ako. Hindi siya nagalit sa akin dahil alam niyang nagawa ko lang iyon sa maling akala. Pero hindi niya kinonsente ang ginawa ko at pinagsabihan tungkol sa magiging kahantungan ng relasyon namin ni Calix.

Gazel is always with me. Kahit sa office ay palagi niya akong kinakausap at cinicheer up kaya nagkakaroon rin ako ng lakas ng loob araw-araw. Dad is taking good care of me too. We talked a lot. Kahit papaano ay nababawasan ang sakit sa dibdib ko pero ilang minuto lang ay naalala ko ulit ang sakit.

Kahit hindi nila ipamukha sa akin ay alam ko namang kasalanan ko. I conclude immediately. Ni hindi ko man lang tinanong si Calix. And it's true that Jacklyn is pregnant pero hindi si Calix ang Ama. Jacklyn was so angry at me. She's been a good best friend to Calix. Galit siya dahil sinaktan ko na naman si Calix.

"I hate you so much. Sinabihan ko na siyang huwag ka ng balikan pero nagpatanga ulit siya sa'yo! Kasi sabi niya mahal mo daw siya and he wants you back too pero anong ginawa mo? You cheated on him! Ginawa mo ulit siyang gago. You're no good to him Niece. Palagi mo nalang siyang sinasaktan!" Ito ang sinabi ni Jacklyn ng mag-usap kaming dalawa. Tumatak ito sa puso't isip ko. Lahat ng mga sinabi niya.

You're no good to him Niece.

Tama ito. I'm no good for Calix because I always end up hurting him. Hindi lang isang beses ko siyang sinaktan pero dalawang beses.

"Sana hindi ka na niya bigyan pa ng pagkakataon. He gave you a second chance but you wasted it. Umasa rin ako katulad niya pero binigo mo ako Niece. I love Calix so much. He is my best friend. Pero niloko mo siya Niece. I hate you so much for breaking his heart."

My heart crumpled. Umiyak ako sa harapan niya dahil sobra ang pagsisising ginawa ko. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat.

"Coffee please."

Doon lang ako nagising ng magsalita ulit ito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sobrang kaba.

"Yes, sir!"

Agad na umalis si Angelo at naiwan kaming dalawa ni Calix. Tumikhim ako at hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya ng deritso dahil sa sobrang kaba at takot. Takot na baka iwasan niya ulit ako at kinakabahan sa kung anuman ang pweding sabihin nito.

I Fall, He FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon