+++++
Everything happens for a reason so you should be grateful for the things that you've done even if it is not your real intention.
++++
How can I be so rude with his sister?! Gosh Krizzle! What have you done? Sister niya 'yon! Sinaktan mo! Now what huh?
"I didn't know your being a jealous pussycat bhabe!"
Napatapal ako sa aking noo. I didn't know. Kung alam ko lang edi sana hindi ko na sinabi iyon. I am just carried away! Akala ko kasi girlfriend niya. Hindi ko naman alam na sister pala.
"Anak ng may-ari ng school natin ang babaeng iyon. And for your information, his brother, my sixth cousin is the heir of our school! Hilingin mo nalang na totoo ang sinasabi mo para ng hindi ka balikan ng kapatid niya! At siya rin mismo!"
She looks stressed for what I've done earlier. Itong bibig ko talaga napakasama din minsan. Kasi naman! Kasalanan din naman ng snobber guy na'yon dahil hindi niya ako pinapansin. He always ignore me! Pero mali parin ang ginawa mo Niece Krizzle Eldefundo!
"What should I do? Tell me!"
Parang gusto ko nalang sabunutan ang sarili ko. First time nangyari ito. First time na nagkamali ako.
"You should say sorry bhabe! Ang sama mo kanina."
I sighed. I know. Hindi ko naman ikinakaila iyon.
The next day, nanuod ulit ako ng laro ni Gazel. Napatingin ako sa puno, kung saan palaging nakaupo si snobber guy. Wala siya doon. Himala yata at wala siya ngayon.
Hay. Stop thinking about him Niece. Baka nakakalimutan mo at may kasalanan ka sa kanya. Malaking kasalanan iyon! Kaya siguro wala siya dito dahil ayaw niya akong makita? Possible. But anyways, I should forget him. Nawawala ako sa sarili ko kapag siya ang palaging iniisip ko.
Natapos ang laro ni Gazel at inaya niya akong pumunta sa cafe malapit lang din sa school. Nakapangalumbaba ako dahil hindi maganda iyong araw ko. Wala na si snobber guy, pati ba naman si Ron? Wala tuloy akong makausap mula pa kaninang umaga. Si Gazel hindi ko naman makausap dahil busy ito. Ngayon lang talaga nagkaoras.
"Stop thinking about him bhabe! You're spacing out again."
"I'm sorry. Nakokonsensya lang kasi ako sa ginawa ko kahapon. Sana hindi ko sinabi iyon. It must be hurt for her. Kita ko kung paano siya nasaktan ng sabihin kong may ibang babae ang boyfriend niya."
"No. Thank you!"
Nanlaki ang mata ko ng may magpasalamat sa likod ko. Napalingon ako at nakita ko iyong kapatid ni snobber guy na sobrang lapad ng ngiti sa akin. I didn't expect this. Akala ko ay sasampalin niya ako o sasabunutan dahil sa walang katotohanang sinabi ko.
"W-What?"
She sat beside us. Napatingin ako kay Gazel at kahit siya ay hindi alam kung ano ang nangyayari. Baka patibong lang ito at may gagawin pala itong masama sa akin? Dapat mag-ingat ako. I don't want to ruin my reputation. Baka paglingon ko ay may media palang nakaabang at naghihintay lang na magkamali ako.
"Thank you for telling me that yesterday. I broke up with him. Noon pa ako naghihinala na may iba siya pero kahapon, kahapon ko lang nakita ang pambababae niya. They are almost kissing so I slapped the girl. You give me courage to do that so thank you." She smiled genuinely. Hindi ko magawang ngumite pabalik dahil hindi naman talaga iyon ang intensiyon ko! My intention was different!
"Uhh."
I don't know what to say. I'm speechless really.
"I'm Deiry Jean Villarta by the way. You are?"
Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang kamay niya o hahayaan nalang sa ere.
"Niece and this is my friend Gazel."
"Oh! Hi!" she greeted sabay baling sa kaibigan ko. Mukhang nagulat naman si Gazel at biglang napipi.
"Bhabe!" I called her. Para kasi siyang nilagutan ng hininga.
"Ah. Sorry. Gazel! My name is Gazel. And Hi!"
Hindi ba niya narinig ang pagpapakilala ko sa kanya? She just need to say 'Hi' to Deiry!
"You're so cute! At anong tawagan niyo bhabe? Magjowa ba kayo?"
Oh my god! Pinagkamalan niya ba kaming lesbian?
"Huh?! Babae ako! May boyfriend na'ko!" exaggerated na sabi ni Gazel. Boyfriend her ass!
"She's my bestfriend," I answered properly.
"Oh! I'm so sorry! If you don't mind pwedi ba akong sumabay sa inyo? I don't have friends in school kasi lahat sila takot sa akin. And maybe it has to do with Kuya Calix, they are all intimidated by him."
Calix! That's his name!
"That Kuya Calix of yours, siya ba iyong kasama mo kahapon?" tanong ko dahil gusto ko lang kumpirmahin. Baka kasi may iba pa siyang Kuya. Naninigurado lang.
"Ah yes! That's Kuya Calix!" She smiled.
Napatingin ako kay Gazel. Naniningkit ang mata nito na para bang alam ang nasa isip ko. What? Gusto ko lang naman malaman ang pangalan ng snobby guy na iyon. Masama ba?
"I see. Calix Villarta," I motioned.
"No. It's Jace Calix Villarta. You should search him on facebook!" she corrected me.
I grinned slowly. Jace Calix Villarta. So that's his name huh?
Well, what I did is not that bad after all huh? Kasi may napala naman ako. Atleast now, I already know his name.
I smirked.
.
.
.
Vomment!!!
BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
Ficción GeneralFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.