+++++
It's okay to cry if you're in pain. You can't stop it from falling anyway. So be it.
+++++
It sucks if you fall for someone that can't love you back. Kung pwedi lang sanang humiling na tumigil ang sakit. Ganito pala ang feeling. Iyak ako ng iyak sa kwarto pagkauwi. Hindi ko kinausap sina Mom and Dad. I allowed Klint to talk to me and I told him everything. Wala itong sinabi kundi ang makinig lang. Siya rin ang tagabigay ng tissue kapag naubos na.
"Brother, ang sakit."
"I know the feeling Kriz that is why I'm giving you tissue."
Sumimangot ako sa kapatid. Niyakap niya lang ako at pinatahan.
Nakatulog ako sa gabing iyon dahil sa sobrang iyak. Hindi naman ako iniwan ng kapatid at tinabihan ako sa pagtulog.
I woke up early. Kahit namamaga ang mata ay pumasok parin ako. Nag-aalalang niyakap ako ni Gazel at binatukan. Oo alam kong kasalanan ko din naman. Hindi siya nagkulang sa pagpapaalala. Maling desisyon lahat ang nagagawa ko.
"I'm hurting inside then you're hurting me outside."
She sighed.
"Baka lang naman kailanganin mo."
Napanguso ako. Siguro nga kailangan ko. Para naman magising ako kahit papaano.
Bumuntong hininga ako ng ilang beses. Trying to be okay and disregard the pain that I am feeling right now. Okay, I'm fine now but not totally fine.
"Okay ka na?"
"Yeah. Thanks."
Sinalubong kami ni Deiry pagkatapos ng klase. Nagulat ako syempre dahil hindi ko inaasahan ito. Akala ko kasi ay maiiwasan namin siya pero nagkamali ako.
"Love, I miss you! Hindi na kayo bumibisita sa bahay. May problema ba?"
Walang problema sa iyo Deiry pero sa kapatid mo meron! Dahil ayaw kong makita ito. I want to say this to her. I want her to know pero mas maiging wala siyang alam.
"Sa cafe nalang tayo Yam! Medyo busy kasi dahil alam mo na, graduating na."
Mukhang bumenta naman ang rason ni Gazel kaya naintindihan ni Deiry. We catch up again. Si Deiry lang at Gazel ang nagsasalita at nakikinig lang ako. Sumasali din naman paminsan-minsan.
"Bakit nga pala hindi na kayo bumibisita sa bahay? It's been weeks now. Nakakapanibago."
Lumungkot ang mukha ni Deiry. Nagkatinginan naman kami ni Gazel. I was about to explain when someone interrupts me.
"Deiry."
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ng bigla kong marinig ang boses ni Calix sa likuran. Mabuti nalang at nakahawak ako sa lamesa. Damn it!
"Love, okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito. Tiningnan niya ng masama ang nasa likuran ko.
"Kuya huwag ka ngang manggulat! Para kang kabute!"
I take a deep breath. Akala ko ay ako lang ang nagulat. Thanks god at pati si Deiry. Napapikit ako. Naramdaman ko ang paghawak ni Gazel sa aking kamay. Kinalma ko ang sarili.
Okay Niece, don't be so obvious! Napaghahalataan kang naapektuhan ka sa presensiya ni Calix. Baka malaman ni Deiry.
"I'm sorry."
"Anong ginagawa mo dito Kuya?"
Hindi ako lumingon. At para akong estatwa na hindi gumagalaw sa kinauupuan. Kinakabahan ako shit! Ayokong makita si Calix. Baka kasi mahibang na naman ako at landiin siya. Behave Niece! May girlfriend siya at nakita mo kong paano sila maghalikan! You should distance yourself from him.

BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
Algemene fictieFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.