+++++
Pwedi bang maging friends ang mag-ex?
Capital A.S.A.
++++
Ilang araw din akong hindi nakatulog sa kaiisip tungkol kay Calix. Malaking palaisipan sa akin ang lahat ng nangyari sa kanya. Naaksidente siya pero ni minsan ay hindi nasabi sa akin ni Deiry. Hindi ko alam kung may nalalaman ba sina Kiro at Gazel.
How can I believe him? I don't know. I am still confused.
Ilang oras na yata akong nakatitig sa kisame, nag-iisip kung dapat ko ba itong paniwalaan. Ano naman ang mapapala ni Calix kung magsinungaling ito? Wala naman. We are done at saka isa pa matagal na iyon. Hindi narin ako umaasang may pagtingin parin ito sa'kin.
I remembered that he chose Liya over me. Siguro sa panahong namatay si Liya ay sobra itong nasaktan kaya siya naaksidente? Hindi ko alam pero kung totoo man ang sinabi niyang may amnesia siya. Ano naman ngayon? Wala na dapat akong pakealam sa kanya diba? Wala na ako sa buhay niya kaya wala rin akong karapatan para kaawaan siya o tulungan man sa kalagayan niya.
Tama! You just need to do is to avoid him Niece. Hindi mo kailangan ipakilala ang sarili mo sa kanya. Hindi mo kailangang ipaalala ang naging koneksyon mo sa kanya noon. Wala kang dapat gawin.
Iyon ang ginawa ko sa makalipas na araw ng magkita kami ni Calix. Iniwasan ko siya at hindi rin ako gaanong lumalabas ng condo ko. Kung lalabas man ay tinityempo kong dapat hindi kami magkaabutan. Nagawa ko iyon sa loob ng isang linggo pero pagkatapos noon ay nagcross ulit ang landas namin ni Calix sa grocery store.
Kung minamalas ka nga naman! Hindi nga kami nagkakasalubong sa building pero dito sa grocery store ay nagkita pa kami!
"Hi!" he greeted me.
Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya pabalik o tatalikuran nalang at magkunwaring hindi siya nakita. Pero masyadong obvious kung tatalikuran ko siya dahil nasa harapan ko lang siya mismo.
"Hi. Sige una na'ko!" I said and pulled my cart away from him. Mabilis ang mga hakbang ko at agad na dumiretso sa counter ng hindi natatapos ang pamimili.
Napkin at toiletries lang ang nabili ko samantalang iyong mga meat ay hindi ako nakabili! Great Niece. Magdadiet ka ngayon dahil wala ng laman ang refrigerator mo!
Damn it! Iwas pa Niece.
Nagpasalamat akong hindi kami nagkaabutang dalawa. Nakahinga ako ng maluwag ng pagpasok ko sa building ay hindi kami nagkita.
Bukas nalang ulit ako maggo-grocery. Ngayon magtitiis muna ako sa can goods para lang hindi magutom.
Alas dose ng gabi ay bigla akong nagutom kaya napagpasyahan kong lumabas at naghanap ng 24 hours na convenience store. Bumili ako ng hotdog bun at nag cup noodles. Gosh parang ilang araw akong hindi nakakain dahil ang sarap sa pakiramdam nang humigop ako ng sabaw.
"Do you mind if I sit beside you?"
"Holy mother of cow!" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Calix sa tabi ko. Ilang beses akong napamura sa sarili.
"Shit!" ng malaglag ang cup noodles na kinakain ko. Masamang tingin ang ipinukol ko dito.
"Ba't ba bigla-bigla ka nalang sumusulpot? You scared the hell out of me!"
"Okay I am--"
"Magsosorry ka naman! Favorite mo ba ang word na iyon?" mataray na sabi ko.
Nakakapanibago talaga siya. Iyong Calix na kilala ko noon ay suplado at tahimik. Pero ngayon halos maging stalker ko na dahil panay ang sulpot sa tabi ko.
"I want to be your friend," deritsang sabi nito. Napataas ang kilay ko. Friend? Friend lang? Bakit Niece, ano pa bang gusto mo? Boyfriend?
"Ayoko." At mabilis na inayos ang pinagkainan para sana iwan ito.
Pero naestatwa ako sa paghawak niya sa palapulsuhan ko.
"Iniiwasan mo ba ako? May ginawa ba akong masama sa'yo at ayaw mo akong maging kaibigan?"
Oo malaki ang kasalanan mo sa'kin! Sinaktan mo lang naman ako! Pero syempre alam kong may kasalanan din ako kung bakit humantong sa ganoon ang aming relasyon. I cheated on him first.
"I am not ignoring you. It's just that--"
Mahirap makipagkaibigan sa ex mo na alam mong may feelings ka pa. Ayokong maging martyr at higit sa lahat ayokong magrisk. Mahirap na at malugmok ulit ako sa ilalim at hindi na muling makabangon pa. Oo at pagkakaibigan ang offer niya pero mahirap kung may feelings na involve.
"What?"
"Umm..ano wala bang may magagalit? Baka anong isipin ng girlfriend mo o ng anak mo kapag nalaman niyang nakikipagkaibigan ka sa ibang babae. Syempre kahit walang malisya ay pweding magselo--."
"I am single and I do not have a child. Iyong batang babae na nakita niyo sa cemetary, pamangkin ko 'yon. My brother's daughter."
"Oh!"
Anak iyon ni Carix?
"Good to know--I mean--ano, mabuti at walang magagalit. Mahirap na baka may masira akong relasyon."
"How about you? May magagalit ba?"
I was caught off guard. Talagang tinanong niya ako?
"I have a daughter." Biglang may bumara sa lalamunan ko. To be exact our daughter.
"But she died," I continued.
"I'm sorry about that."
I closed my fist. You should Calix.
"What about the father?" he asked.
Napabuntong hininga ako ng malalim.
"Wala na rin."
"He died too?"
Papatayin ko palang kung hindi ako tatantanan!
I almost rolled my eyes.
"Unfortunately, he's alive. But don't worry, hindi na makakabalik pa iyon sa'kin."
Because I am done with you Calix.
"Good to hear that."
I smirked. Yeah, it's really good.
"So, pwedi na ba tayong maging magkaibigan? You're single and I am single too."
Gusto kong mapairap sa ikalawang beses. Wala akong panahon para makipagplastikan sa kanya. He's getting into my nerves. Gusto ko ng makaalis!
"Pag-iisipan ko. I got to go, bye!" I said before leaving him there.
Asa ka Calix.
.
.
Vomment
BINABASA MO ANG
I Fall, He Fall
General FictionFight for the love that you always wanted. Just like Niece Krizzle Eldefundo did when he met Jace Calix Villarta. She pursued him. And the next thing she knew, she fall for him hard but Calix said, "I fall". But with whom? . . . . Ladymania.