Kabanata 4: Kiss
Sa araw na iyon, hindi umuwi si Mick. As I think about his text, maybe he resent it to the model and they agreed to meet at his place?
Iniisip ko palang iyon ay naninikip na ang dibdib ko.
Nagising ako na wala pa rin si Mick sa bahay. Alas nuebe ng Sabado at nanonood ako sa sala nang pumasok siya.
Unang beses iyon na hindi siya umuwi simula noong dito na ako tumira sa bahay niya, maliban nalang pag may business trips siya sa labas ng bansa. Tuwing may business meetings naman sa loob ng Pilipinas, palagi niyang sinisigurado na makakauwi siya sa akin.
He would always come home to me. Have dinner with me and Gabo. And after that, envelope me in a hug as we both try to sleep in our comfy bed. And on Sundays? He would prepare that candlelight dinner by the poolside. Palagi niyang kasabwat si Gabo sa paghahanda noon. Naalala ko pa nga na palaging mayroong Christmas lights sa may gazebo ng bahay habang kumakain kami.
He was the sweetest. Dahil nag-eeffort siya upang iset-up iyon.
But all of those are nothing but memories now. Dahil ang pagmamahal niya ay kinakain ng galit. Galit sa isang bagay na hindi naman totoo.
Gayunpaman, hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw, babalik din kami sa buhay namin noon.
That this is all but a nightmare. A nightmare to all of us. Not just for him, but also for me.
One day, this will all come to an end. And everything will be as it was before.
Hindi lang ako sigurado kung kailan ito matatapos. Ngunit umaasa ako.
Mick went straight upstairs. He did not even give me a kiss on my cheeks which he used to do before everytime he arrives home.
Nang bumaba siya ay tapos na siyang maligo at basa ang kanyang buhok kung saan may tumutulo pang tubig mula roon.
He sat at the other end of the couch. Tahimik at seryoso ang mukha.
He is still handsome. He has always been. And he will always be. Diretso ang kanyang titig sa screen ng tv.
I was watching The Flight Attendant. Hindi ako sigurado kung gusto niya ba ang pinapanood namin ngunit hindi naman siya nagreklamo.
Noon, tuwing sabay kaming nanonood ng series sa aming kwarto, hinahayaan niya na ako palagi ang pumipili ng panonoorin. Ngunit paminsan-minsan ay nagsusuggest siya at iyon ang panonoorin namin lalo na pag may bagong labas na series.
At tuwing nanonood kami, palagi siyang nakadikit at nakayakap sa akin.
Sadly, that will not be the case today. Dahil samahan niya man ako sa panonood ngayon, alam kong galit pa rin siya sa akin.
Tuwing naiisip ko na sa kama ng iba siya natulog kagabi, nasasaktan ako. Nawawala ang atensyon ko sa pinapanood.
To think that he was up all night, pleasing someone else, pains me a lot. A lot.
If I would look at the bright side, however, at least hindi ko sila narinig. Because they did it somewhere else. Somewhere far and from somewhere I cannot hear. Hindi kagaya ng mga nagdaang araw na hanggang ngayon ay klaro pa rin sa aking isipan ang kanilang mga ungol.
But still, it is hurting me.
Nilingon ko siya upang tingnan ang reaksyon niya habang nanonood. He was just serious. Kahit may mga nakakatawang scenes ay hindi siya nagrereact. Ganoon din ako.
Dumating ang bahagi kung saan ang dalawang bida ay nagkaroon ng bed scene. Napalunok ako at napalingon sa kanyang gawi. Ganoon pa rin ang reaksyon niya.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea