Kabanata 16

1K 108 17
                                    

Kabanata 16: Storybook

Bahagyang natigilan si Mick nang makita ako. Ako naman ay hindi nagpahalata sa aking nararamdaman.

I lifted my chin and kept my head up.

"Let's go, Techno." saad ko sa kaibigan.

Wala na akong pakialam pa. Kung dito na rin nakatira si Mick ay wala na akong pakialam.

Hindi lang ako sigurado kung bakit ako naiinis basta wala akong pakialam! Wala talaga!

Tumango lamang si Techno at sinundan na ako pabalik sa kanyang sasakyan.

Sinundan ako ng tingin ni Mick ngunit hindi ko na siya pinansin.

Ewan ko ba. Naiinis ako sa sarili ko dahil kanina lang ay tuwang-tuwa na ako dahil sa ginawa namin kay Sining pero noong nakita ko si Mick ay nag-iba ang timpla ng mood ko. Grrr.

Basta Goob, hindi ka apektado. Wala kang pakialam. Wala talaga!

Nawalan na ako ng gana na samahan si Sining sa prisinto kaya hindi na namin iyon ginawa. Dumiretso na lamang kami sa condo.

Okay na siguro iyon. At least kampante na ako na sa kulungan siya matutulog ngayong gabi.

Matapos maihatid sa condo ay agad namang umuwi si Techno.

Alas onse na ng gabi. Madilim na ang sala ng bahay. Sigurado akong natutulog na si Gabo at Elliot. I checked my brother's room and confirmed my theory. Elliot was lying on his uncle's chest. Nakayakap naman si Gabo sa kanya.

I smiled. This is my family. They are my strength. And in my darkest times, they served as my light. Gabo is like a moon to me while Elliot is like a star. Dahil nawala man sa akin ang araw at dumating ang dilim, nagsilbi silang liwanag sa akin. I only needed the moon. But I was also given a star to make the night even brighter.

Nilapitan ko sila at hinalikan ang kanilang mga noo.

"I love you Gabo. I love you Baby Elliot." bulong ko.

I went to the mini bar of this penthouse and poured myself a glass of wine. Somehow, I wanted to celebrate my victory.

I sipped on my wine as I watched the beautiful city lights from the balcony. Umihip ang malamig na hangin. Sa malayo ay ang maliwanag na buwan na napalilibutan ng maraming bituin.

I took a deep breathe before heaving out a deep sigh.

Tama ba itong ginagawa ko? Paano kung bumalik na lang kaya kami sa France? At manirahan nalang nang tahimik?

But if I let those bad people running free, they might do the same thing to others. Or they might do something worse. May dahilan kung bakit kinukulong ang mga tao at tinatanggalan ng kalayaan. Hindi lang para parusahan sila, kundi para na rin mapanatili ang kaligtasan ng ibang mamamayan. Yes. Parusa na ang ikulong sila, but the main purpose of it is so that they will no longer be harmful to society.

Tumunog ang aking cellphone at nakita kong may bagong mensahe roon si Apo.

I clicked the notification and it directed me to our conversation.

Napangiti na lamang ako nang makita ang isang larawan na sinend niya. It was his picture lying in bed. Wala siyang damit pang-itaas at kitang-kita ko ang dibdib at nipples niya. He was pouting his lips.

Sa baba ng larawan ay may nakasulat na "wish u were here. can't stop thinking about your kiss"

Pinamulahan ako ng mukha. Shet.

Bakit niya iyon sinend? Wrong send yata siya! Or is this some kind of thirst trap?

itsgoobmansell: wrong send ka yata

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon