Kabanata 21: Bouquets
"Shit!" malutong na mura ni Gabo na kakalabas lang ng kanyang kwarto. Karga-karga niya sa kanyang mga bisig si Elliot.
Ginamit ko ang aking buong lakas upang itulak si Mick kaya nakalayo ako mula sa kanyang pagkakayakap. Mabilis akong nagpahid ng luha
"Papa, what's wrong?" Elliot asked in his usually innocent voice.
Naglakad ako palayo roon at nilapitan ang anak. Ibinigay siya sa akin ng kanyang tito at kinarga ko siya.
"Go home, Mick." I said dismissively.
He was so hesitant but when he noticed that nothing could change my mind about wanting him to go home, he just gave me a serious nod. Mabuti naman at iginalang niya ang kagustuhan ko.
Hindi ko siya kailangan dito ngayon. I needed him years ago. He's too late for that. And besides, I don't need him to make them pay. I don't need him to fight my battles for me. Because I can do that. Like I have said before, I am my knight in shining armor.
Kung gusto niya akong ipagtanggol, dapat noon niya pa ginawa. Sining and his friends sent him a video of Louis kissing me. It was not a CCTV video. Halatang inabangan ang gagawin ni Louis.
He never gave me the benefit of the doubt. Naniwala agad siya sa kanyang mga kaibigan. Wala siyang karapatan na magalit sa kanila. Kung dapat man siyang magalit, dapat sa sarili niya.
He should have known better. Tinapon niya ang magandang relasyon namin. At hinayaan ko naman siyang alilain ako sa relasyon na iyon. I should have known better too. Sana agad ko siyang iniwan. I tried so hard to save a drowning relationship. Only to drown myself.
But then again, I had other reasons. I was also doing it for Gabo.
The important thing now is that I got out of that situation. Ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon ay ang pagpapakulong sa kaniyang mga kaibigan. Ayaw kong mamintang. Pero may kutob ako na kasabwat din nila si Sining.
Hindi man ako pinagsamantalahan ni Louis, kahit paano ay galit pa rin ako sa kanya. He was an accessory to the crime. Tinulungan niya ang mga kaibigan ni Mick sa kanilang ginawa sa pamamagitan ng pagdala sa akin doon sa hotel room.
The last thing I remember was that Mick's friend's invited me to a bar. I trusted them dahil maayos naman ang pakikitungo nila sa akin noong maayos pa ang relasyon namin ni Mick. I didn't know that they had it in them. Hindi sila mga hayop. Mga demonyo sila.
Mabilis ang lakad ni Gabo patungo sa pintuan, nagpapahiwatig na gusto ng lumabas si Mick. Masama ang kanyang tingin habang pinagmamasdan siya. Nang tuluyang makalabas ay malakas ang pagkasara niya sa pinto.
"Fucker!"
Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagmumura. I have told him never to curse when Elliot is around.
Tinalikuran ko na sila ni Techno. As much as I want to talk to Techno, hindi ko pa kaya ngayong gabi. Gusto ko ng humiga at magpahinga. Siguro ay bukas na lang kami mag-uusap.
Dinala ko si Elliot sa aming kwarto at inilapag siya sa kama. Right now, I am only comfortable with Elliot's skin touching mine.
Kung ibang tao ay nandidiri ako.
Techno might have left already. Hindi ko na inalam.
Ngayon ay pareho kaming nakahiga ni Elliot. Nakayakap siya sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang aking mukha.
"Are you okay, Papa?" mahinang tanong niya.
No baby. Papa is not okay. I am hurting deep inside because a lot of people hurt me.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea