Kabanata 2: Food
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog sa gabing iyon. Basta ang alam ko lang ay sobrang bigat ng aking nararamdaman habang pinipilit ang sarili na kalimutan ang lahat.
Nagising ako nang maramdaman ang pagkabasa ng aking katawan.
May nagsaboy ng tubig sa akin upang ako ay magising. At walang iba ang may gawa noon kundi si Mick.
Ramdam ko ang pamumugto ng aking mga mata ngunit wala akong oras upang isipin pa iyon. Because right now, I have to attend to Mick's demands.
Napabalikwas ako sa aking higaan at dali-daling tumayo.
Nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan at hawak-hawak ang pitsel na pinaglagyan niya ng tubig.
Bakit kinailangan niya pa akong buhusan? Puwede namang kinalabit niya na lang ako. Ngayon ay basa na tuloy ako.
I couldn't look him in the eye. Dahil nahihiya ako sa itsura ko ngayong namumugto ang aking mga mata. Sigurado rin akong malala ang dark circles sa ilalim ng aking mukha dahil ilang araw na akong hindi nakakatulog nang maayos.
And here he is in front of me, looking fresh.
"Bakit ba kailangang lagi ka pang ginigising? Sa susunod gumising ka nang maaga! Walang kwenta!" sigaw niya sa akin.
Napayuko na lamang ako at tumango.
"Magluto ka na ng almusal!"
Mabilis kong sinunod ang kanyang utos sa takot na mas lalo siyang magalit at kung ano pa ang gawin sa akin. Nagtungo ako sa kusina ng bahay upang magluto.
At dahil medyo masakit ang aking ulo sa kadahilanang puyat ako, aksidente kong nahawakan ang handle ng frying pan na walang gamit na potholder kaya naman ay napaso ako.
"Aray!" tanging nasabi ko dahil sa aking katangahan.
Mabilis akong nagtungo sa lababo at pinadaluyan ng tubig ang aking kamay. Ang hapdi!
Ang tanga mo Goob!
Ngunit kahit sobrang hapdi noon, kailangan kong ipagpatuloy ang aking mga niluluto. Tapos na ako sa sunny-side up. Bacon naman ngayon. Mamaya ay ang fried rice na paborito niyang almusal.
I glanced at the wall clock inside the kitchen. Alas siete y media na ng umaga. He usually leaves the house at 8:30 am for work.
Alas otso nang ako ay matapos, sakto naman ang kanyang pagbaba. Basa pa ang kanyang buhok, halatang katatapos lamang maligo.
Suot niya ang kanyang usual work outfit- his longsleeved polo na tinupi hanggang siko na tinernuhan ng necktie. Itim ang kanyang slocks at brown naman ang leather shoes.
Seryoso ngunit may bahid ng galit ang kanyang tingin sa akin nang maupo siya sa hapag kainan. Sana lamang ay hindi niya ulitin ang ginawa niya kahapon.
Naninikip na naman ang dibdib ko tuwing naaalala iyon.
Ilang segundo niyang tinitigan ang mga pagkaing nasa kanyang harap, mistulang my kasalanan ang mga iyon sa kanya. Nagsandok siya ng fried rice at kumuha ng bacon at itlog.
"Baka naman may lason ito." aniya sa isang galit na tono.
Umiling ako bago magsalita. "Hindi ko magagawang lasunin ka, Mick."
"Really?" He scoffed. "Come here then. You should try it first."
Kung kanina ay galit siya, ngayon naman ay wala ng emosyon ang mababakas sa kaniyang mukha.
Napalunok ako dahil sa utos niya. Ano ang ibig niyang sabihin?
Gayunpaman, sinunod ko pa rin siya at lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
Roman d'amourCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea