Kabanata 37: Bid
Mick's Point of View
Nasasaktan man ako ngayon, nasisiguro ko namang masaya ako sa naging desisyon ko dahil naniniwala akong tama ang ginawa ko. Naniniwala ako na balang araw, maaayos ko rin ang aking sarili.
But until then, lalayuan ko muna si Goob. Didistansya ako. I will allow myself to heal dahil hindi ako magiging karapatdapat sa kanya kung hindi ko pa naaayos ang sarili. Kung ipipilit ko, patuloy ko lang na masasaktan si Goob.
Somehow, I am now content. Masaya na ako sa mga araw na nakasama ko si Goob at Elliot lalo na noong birthday niya. Kahit sa maiksing panahon, naramdaman ko ang magkaroon ng pamilya. Kahit hindi man opisyal, pero naramdaman ko pa rin. At kuntento na ako.
Sinubukan ko na ring humingi ng tawad kay Gabo. At kahit hindi niya tinanggap, ay kahit paano naiparating ko sa kanya kung gaano ko pinagsisisihan ang mga nagawa ko noon. Marahil ay kagaya ni Goob, hindi pa siya handa.
I only had one request from him.
"If you can't forgive me, can you at least allow me to be happy and enjoy Elliot's birthday with your brother? Kahit ngayong araw lang, Gabo. Gusto ko lang iparamdam ang pagmamahal ko sa kanila at maramdaman ang pagmamahal nila. Iyong hindi mo pipigilan. After this day, lalayuan ko na ang Kuya mo."
Labis ang pagpapasalamat ko. Dahil kahit paano, pumayag siya sa kahilingan ko. Hindi niya sinubukang isabotahe ang mga interaksyon namin ni Goob.
I ak determined to keep my promise to him, that after Elliot's birthday, lalayuan ko na ang Kuya niya. It's one of my steps in allowing myself to grow. Gusto kong tuparin ang pangako na iyon dahil kung hindi ko iyon magagawa ay hindi ako magtatagumpay sa pagaayos ng aking sarili.
I would be lying if I don't tell you that I'm having a hard time staying away from Goob. It's so hard. Lalo na sa tuwing hinahatid ko si Elliot sa condo nila. Hindi ko alam pero kahit sarili kong anak ay kinaiingitan ko sa tuwing hahalikan siya ni Goob o di kaya ay yayakip o kakargahin. I longed for his touch, day and night. But I tried my best to keep my shit together. Hindi pwedeng mawalan na naman ako ng kontrol. I need to keep growing.
It's already been a week since Elliot's birthday. And I can say that I've been very successful with giving Goob space. I am proud of myself. Sana tuloy tuloy na.
---
Goob's Point of View
Last week was surely exhausting. Grabe ang pinagdaanan ko. Gayunpaman, masaya ako na nalampasan ko ang lahat. Thanks to my hectic schedule that kept me occupied so I had lesser time to think about the recent happenings in my life.
That scene with Mick by the beach brokemy already broken heart. Hindi ko alam na ganoon pala ang pinagdaanan niya noong bata pa siya. It was not only sad. It was tragic. He experienced trauma as a child. Pero tama siya. Previous trauma will never be an excuse to treat people badly. Because that is toxic.
At kahit paano, naibsan ang galit ko kay Mick at naintindihan ko kung bakit niya nagawa iyon sa akin noon. But still, what he did to me will never be right.
Hindi ko masasabing hindi ako sang-ayon sa desisyon niya na pakawalan ako. He was right. He kept holding on and it prevented him to grow. Maybe letting go is what he needs. We need to distance ourselves from each other. Lalo na at pakiramdam ko ay muli akong napapalapit sa kanya. Siguro ay kay Elliot na lang namin itutuon ang atensyon namin at mananatiling magkaibigan na lamang.
I also think that I also need to do something about myself. May mga nagawa rin akong kasalanan na hindi man kay Mick ay sa ibang tao.
Eroplano na ang sinakyan namin ng anak ko pabalik ng Manila. The turbulence incident and the helicopter crash in Iloilo got Mick worried kaya hindi siya pumayag na sumama kami ni Elliot kasama siya. I had a feeling that he was doing it to avoid me.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea