Kabanata 24

1.1K 124 39
                                    

Kabanata 24: Garden

Mabilis na itinago ni Mick ang kanyang cellphone, siguro ay natakot na mabasa ko iyon. Too late. Nabasa ko na.

I did not want to argue with Mick any longer because of what I read. Tumatawag si "Love" niya. Well, whoever that is, wala na akong pakialam. Si Sining man iyon o hindi, wala akong pakialam. Besides, it seemed like he did not want to explain at all. Not that I needed it.

Tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa elevator. Hindi na niya ako hinabol pa.

Nahimasmasan siguro. Ang kapal naman ng mukha niya sa mga sinabi niya tapos may ibang jowa pala siya. Seryoso ba siya? Sinong niloloko niya? I rolled my eyes.

Nang makarating sa unit ay nakabihis na si Elliot, handang-handa ng umalis at excited pa.

"Let's go, baby." binuhat ko siya sa aking mga braso. Gabo was busy watching on the television.

"What would you eat for dinner?" tanong ko kay Gabo.

"I ordered pizza and a bucket of chicken. Elliot, are you sure you want to go? Baka naman si Kuya Goob lang ang may gustong pumunta?" may pamimintang ang tono ng boses ng kapatid.

I glared at him. "Watch your words, Gabo. I don't like your tone and message."

"Baka naman pag-uwi mo mamaya dalawa na yang anak mo. Iiwanan talaga kita rito Kuya. Bahala ka!"

"Ewan ko sa'yo, Gabo. Bahala ka nga!" galit kong saad at tinahak na ang pinto at dumiretso sa elevator.

Anong pinagsasabi niya? As if naman papayag ako na gumawa kami ni Mick! Hell no!

Nang makarating kami ni Elliot sa parking lot ay naghihintay na si Mick na nakasandal sa kanyang sasakyan.

Seryoso lamang ang kanyang tingin sa akin bago kinuha si Elliot sa aking mga bisig at pinasakay sa backseat.

Elliot kissed his father's cheeks. "I missed you, Daddy Mick."

"I missed you too, bud. Even if we were together earlier. Let's go?"

Elliot nodded his head in excitement.

Sumakay na ako sa front seat and this time, sinigurado ko ang pagkabit sa seatbelt dahil naalala ko ang nakakahiyang pangyayari kanina.

Sa buong biyahe ay pareho kaming tahimik ni Mick na pakiramdam ko ay tinitimbang pa rin ang aking emosyon.

If he's worried that I'm angry at him because of the call, then he's wrong. Wala akong pakialam sa tawag na iyon o kung may girlfriend man siya o boyfriend na iba at hinahanap siya.

Si Elliot lamang ang maingay sa biyahe na panay kwento tungkol sa mga ginawa niya sa unang araw ng eskwela.

"Papa, our teacher asked us our favorite place earlier."

"And what was your answer, baby?" nilingon ko siya mula sa front seat.

"I told our class that my favorite place is anywhere. As long as I'm with you." He smiled. I can't help but notice that he looks so much like his dad.

Hindi ko rin napigilan ang maging emosyonal sa kanyang sagot.

My son is the sweetest.

"That's so sweet of you, baby. I love you."

"I love you too, Papa. And Daddy Mick."

I glanced at Mick who was holding the steering wheel firmly. He had a serious expression on his face as he watched the road.

"I love you, bud."

Hindi ko na naman mapigilan ang manghinayang. I can't help but blame Mick for our situation. We could have had all of these. Isang masayang pamilya. Isang masayang pamilya na aalis nang magkakasama. We would be together all the time.

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon