Kabanata 27: Missing
Goob's Point of View
"I wasn't mentally stable back then. I was traumatized by my experiences in the past. I'm so sorry, Goob. I'm sorry. I'm so sorry if I hurt you."
I gathered all my strength and harshly removed his hands wrapped around me. I successfully removed them.
Hinarap ko siya habang siya naman ay napaluhod na lamang sa aking harapan. I must admit, kahit paano ay nakakaramdam ako ng awa sa kanya. Pero sa tuwing naaalala ko ang paghihirap na dinanas ko sa kanya, nawawala iyon at napapalitan ng galit.
"I have no idea why you are traumatized because you never told me about it. Even when we were still together. And I don't think it's my fault that you never told me. But I am telling you, being traumatized is not a valid reason to hurt other people, Mick. It's neither a ticket nor a free pass. Hindi porket naghirap ka, pahihirapan mo na rin ang iba. Lalo na ang mga taong hindi naman nanakit sa'yo." malamig kong saad.
"Goob, please. Can we start over?" he begged like his life depended on it. "Alam ko ang mga pagkakamali ko. I have reflected on them. I will make sure not to do them again. I will protect you this time from everything that will try to hurt you."
"You will protect me? I needed your protection before! Pero ikaw mismo ang nanakit sa akin! I don't need your protection. I can protect myself. Kaya huwag ka ng umasa na magkakabalikan pa tayo. Because even if I do need your protection, hindi kita babalikan para lang doon."
"I still love you. I still love you very much." nagpatuloy siya sa pag-iyak habang nakaluhod. Sinubukan niyang yakapin ang aking mga binti. "Please. Please. Please. I am begging you. Please, Goob. Please."
Muli ay pinilit kong tanggalin ang mga kamay niya mula sa akin. "This is a waste of time, Mick."
Matagumpay kong nagawa ang pagtanggal sa kanyang mga kamay at nagsimula akong humakbang palayo mula roon.
"I am not giving up on you." determindado ang kanyang boses habang nagpapahid ng mga luha.
"I don't care. Basta ako, matagal ng sumuko sa'yo."
Pagkatapos maisuot ang aking mga damit ay mabilis akong umalis doon. Iniwan ko siyang umiiyak. Nagtawag ako ng taxi at nagpahatid sa isang mall. I was so stressed out with all the drama that I needed time for myself. Gusto kong magrelax dahil umaapaw ang emosyon sa akin. Kaya naman ay namili na lamang ako ng mga kagamitan para sa condo. I bought a few baking and cooking tools.
Alas sais na ng gabi nang makarating ako sa condo. Kanina sa byahe ay tinext ko si Apo at inimbitahan na sa condo na magdinner. Nahihiya ako dahil nasira ang lahat ng plano niya para sa amin dahil kay Mick. Gusto kong bumawi kaya inimbitahan ko siya sa paraang hindi kami magugulo ni Mick.
Naabutan ko si Gabo at Elliot sa sala kasama ang isang lalaki na kaedad ni Gabo. Elliot ran towards me. Ibinaba ko ang aking mga pinamili at binuhat siya bago hinalikan ang kanyang pisngi. Ganoon din ang ginawa niya sa akin.
"How was your day, Papa?" magiliw na tanong ng aking anak.
"It was alright, baby. But now that I've seen you again, you just made it special. Love you."
"I love you too, Papa Goob. What should we have for dinner?"
"Anything you want, baby."
"Can we have chicken nuggets? And can we invite Daddy Mick?" his eyes almost sparkled.
"No baby, we can't. Someone else will be coming over."
Sumimangot siya saglit bago tumango-tango. Ibinaba ko siya at bumalik siya sa couch upang ipagpatuloy ang panonood.

BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea