Kabanata 13: Mannequin
"I am so proud of you, Goob! Kulang nalang pumalakpak ako kanina!" Techno almost shrieked. Tuwang-tuwa siya habang nagmamaneho.
Samantala ay seryoso lamang ang aking mukha habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan. Hindi pa rin ako nakakabawi sa nangyari kanina.
Madilim na ang paligid dahil alas siete na ng gabi.
Ako rin naman, proud sa sarili ko. Noon, akala ko tuluyan akong bibigay sa oras na makita ko ulit si Mick. Akala ko, hindi ko makokontrol ang sarili dahil baka pangunahan ako ng pangungulila. That is why the idea of meeting him after five years scared me. Mabuti at naging malakas ako.
Matagal ko ring hinanda ang sarili ko para sa araw na ito. Mabuti at nagbunga naman ang lahat.
However, it was not the first meeting I have imagined. It was not how I imagined my comeback. Pero dahil nga biglaan ang aming pagkikita, hindi na ako nakaatras pa.
Hahayaan ko na nga lang iyon at hindi na masyadong iisipin pa. At least nagmarka ang aking kamay sa kanilang mga mukha.
I am satisfied with my performance though. Mukhang aping-api si Sining kanina. I would not mind if someone posts a video of what happened earlier. Makikita naman na si Sining ang unang nagbalak na manampal. Napigilan ko nga lang. And Mick? Well, he hugged me from behind so it could be considered as a sexual assault which can justify my reaction. So I need not worry about receiving public backlash. Dahil tanga lang ang maniniwala na mapang-api ako.
Oo at mapang-api talaga ako. Pero hindi ako basta-bastang nang-aapi. Ang mga may atraso lamang sa akin. At sisiguraduhin ko na bawing-bawi ako sa pang-aapi nila sa akin.
Taas-noo kong pinagmasdan ang labas ng bintana. Hindi ko napigilan ang aking ngiti.
Naalala ko kasi ang mukha ni Mick kanina. How he looked so devastated when I told him that he disgusts me. Serves him right. Dahil totoo naman.
"Bat tahimik ka?" kunot-noong tanong niya nang mapansin ang aking katahimikan.
"Wala. May iniisip lang."
"Siguraduhin mo lang na hindi mo iniisip na makipagbalikan kay Mick dahil sasampalin talaga kita baccla!"
"What? No! Ew!"
"Chill. Pinapaala ko lang. Talagang uubusin ko ang lakas ko sa pagsampal sa'yo pag nagkataon."
"Stop talking nonsense, Techno. Kumusta na pala iyong pinaparesearch ko sa'yo? Tapos na ba?" tanong ko kay Techno.
Lumiko ang sasakyan sa basement ng condo building kung nasaan ang parking lot.
"Yes. Nasa desk ko na sa office. My paralegal handed it to me earlier. Nakalimutan ko lang dalhin."
Techno is now working as a lawyer at the Public Attorney's office. He went to law school after Gabo and I left the country. Ang sabi ay nainspire siyang mag-abogado dahil sa naging sitwasyon ko. And one day, he wants to handle my case himself. At malapit na ang araw na iyon. He passed the bar exam last year and has been practicing law for a year already.
Huminto ang sasakyan at sabay kaming nagtungo sa elevator.
I am so hungry. Naubos ang lakas ko dahil sa eksenang iyon sa mall! Ano kaya ang masarap kainin ngayon?
"Good. Ihahatid mo ba rito bukas o kukunin ko nalang sa office mo?"
"Kilala kita Goob. Patanong tanong ka pa! Alam ko namang hindi ka talaga pupunta sa office ko at hihintayin mo nalang na ibigay ko iyon sa'yo! Kaya oo na! Ihahatid ko rito bukas!"

BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
Roman d'amourCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea