Kabanata 25 Part 2
Nang makarating kami sa mall ay pinagtitinginan kamu ng mga tao. Apo and I are both so tall kumoara sa mga nakakasalubong namin. Bukod sa balat na agaw pansin ay tila iisipin mong artista ang kasama ko dahil sa kanyang kakisigan. Idagdag mo pa na sobrang bango niya!
We headed straight to the movie world. Wala pang ibang tao dahil hindi pa naman nagsisimula ang palabas.
Nagtaka lang ako dahil alas nuebe y media pa lang ng umaga ngunit bukas na ang mga sinehan dahil kadalasan ay alas dies y media pa naman ito nagbubukas. Ngunit ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.
Nasa pinakalikod na bahagi kami ng sinehan.
Nagsisimula na ang palabas ngunit napansin kong kami pa lamang ang tao.
"Bakit walang ibang tao rito?" tanong ko sa kanya na abala sa pagkain ng popcorn.
"I rented the whole cinema for us. Kaya tayo lang ang allowed na pumasok."
Ikinagulat ko iyon.
"You did what?"
He chuckled softly. "Don't be so shocked, Goob. Relax. Gusto lang kitang masolo."
"Hindi naman kailangang rentahan mo yung buong sinehan."
"Hayaan mo na. I've always wanted to rent a whole cinema for the person I like. Isn't it romantic?" aniya at nagpacute pa. Dinilaan niya ang kanyang labi at hinawi paatras ang kanyang buhok.
"Baliw!" natatawa kong saad at hinampas ang kanyang matigas na dibdib.
Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa palabas kesa rito kay Apo na maharot.
Hindi pa naglilimang minuto ay napansin ko ang kanyang pasimpleng paglagay ng kanyang isang braso sa ibabaw ng aking upuan. I eyed him closely ngunit nagkunwari siyang walang ginagawang kakaiba. He sipped on his Coke in can as he pretends to have his attention on the huge screen. Hinayaan ko lamang siya at nangiti na lang.
Sampung minuto ang nakalipas ay may lumapit na staff sa amin.
"Mga sir, pasensya na po. Pinapasara po ang sinehan ngayong araw ayon sa may-ari ng mall. Pero wag po kayong mag-alala, irerefund daw po kayo." nahihiyang saad ng babae.
Parehong kumunot ang noo namin ni Apo.
"What? I rented the entire cinema. Bakit daw ipinasasara?" nagugukuhang tanong ni Apo.
"Ewan ko po sir. Basta napag-utusan lang po, sir. Sabi ng management palabasin daw kayo. Pasensya na po talaga."
"You can't do that." reklamo ni Apo.
"Hayaan mo na Apo. Let's just do something else." saad ko at tumayo na. Hinigit ko si Apo palayo roon.
Muli ay kumunot ang noo ko nang makita si Mick na nakangisi sa may entrance ng sinehan.
Siguro ay siya ang nag-utos na ipasara iyon. Sigurado akong kaibigan niya ang may-ari ng mall. Sinamaan ko siya ng tingin nang lagpasan namin siya.
"Sa ibang lugar na lang tayo pumunta. What about the ocean park?" suggest ko. Mistulang nabadtrip na si Apo ngunit pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
"Yeah. Let's just do that instead." sang-ayon niya.
Nagtungo kami sa Ocean Park ngunit mas lalo lamang nabanas si Apo nang hindi kami papasukin sa entrance.
"Pasensya na po, Sir Apo. Naka-ban po kayo rito. Nasa black list po kayo." paumanhin ng staff.
"How is that possible?" hindi na napigilan ni Apo ang pagtaas ng kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomantizmCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea