Kabanata 36 Part 2

743 99 37
                                    

Kabanata 36 Part 2: Grow

Mick's Point of View

Hindi ko inasahan na uulan ngayong gabi. Kanina noong lumabas ako ay napansin kong walang mga bituin sa langit. Pero hindi ko inasahan na bubuhos ang ulan.

I went out of the house at 8:40 and proceeded to the hammock. Mahina pa lang ang ulan.

Mahigpit ang pagkakakuyom ko sa aking kanang kamay dahil dala-dala ko ang isang bagay na gusto kong ibigay kay Goob.

Naupo ako sa duyan habang naghihintay sa kanya. I checked my wristwatch. Alas nuebe na ng gabi at lumalakas na ang ulan. Nagsimula na akong mabasa.

Muli kong tiningnan ang relo ko at napansin na 9:05 na. Alas nuebe ang napagkasunduan naming oras at pumayag naman si Goob kaya umaasa akong dadating siya.

Marahil ay papunta na iyon ngayon rito. Mas lalo lamang lumakas ang ulan. I glanced at my watch for the fifth time and noticed that it was now 9:30. The cold wind blew which made me shiver.

Ngunit hindi noon naibsan ang determinasyon ko na maghintay kay Goob.

Nanginginig na ako dahil sa lamig at pagkabasa ngunit nanatili akong nakaupo sa duyan. I glanced at the house to check if someone was coming but got disappointed when I saw no one.

Unti-unti kong naramdaman ang pagkabigo.

"Just wait, Mick. Baka pinapatulog pa ni Goob si Elliot." sinubukan kong kumbinsihin ang aking sarili.

Ngunit mag-aalas onse na ngunit wala pa rin si Goob. Dalawang oras na akong naghihintay rito at hindi pa rin tumitigil ang ulan.

Nahulog ang perlas na kanina ko pa hawak dahil sa sobrang panginginig. Mabilis ko iyong pinulot. I found this pearl earlier inside the oyster I got.

I tried to artistically attach a thread into it without destroying the pearl and turn it into necklace. Ipinagpag ko iyon dahil dumikit ang mga buhangin.

Tumila na ang ulan ngunit malakas pa rin ang ihip ng hangin. Basang-basa pa rin ako.

My lips are now trembling and my body is shivering. Alas dose na ng hatinggabi ngunit wala pa rin si Goob. Sobrang bigat na ng aking nararamdaman at sobrang sakit na ng aking puso.

Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay ang muling pagbuhos ng malakas na ulan. My tears mixed with the rain.

One thing I like about rains is that it makes it impossible for other people to know that you're crying.

Tumakbo ako palapit sa dagat na may matataas na alon at itinapon roon ang perlas.

Napaupo ako sa buhangin habang umiiyak at niyayakap ang aking sarili.

---

Buong gabi ay nanatili akong gising sa dalampasigan. Nasanay na ang katawan ko sa lamig. Nakahiga lamang ako habang tulalang pinagmamasdan ang kalangitan.

Tila naubos na ang mga luha sa aking mga mata. Pati sila ay sinukuan na ako.

Hindi ko namalayan na unti-unti ng lumiliwanag. Naririnig ko ang mahinang hampas ng maliliit na alon habang nakahiga sa buhangin.

Napagdesisyunan kong umupo naman at pagmasdan ang payapang karagatan taliwas sa sitwasyon kagabi na sobrang dahas ng mga alon.

Sa malayo ay makikita ang unti-unting pagsikat ng araw.

"Mick." mahina ang pagkakatawag sa akin ng isang boses. Sa rehistro pa lang ay nasisiguro kong si Goob iyon.

Nilingon ko siya. I gave him a weak smile. "Goob. Upo ka." I patted the space beside me.

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon