Kabanata 34: Family
"Papa, I need to pee." sigaw ni Elliot mula sa labas ng banyo.
"Papa!" ulit niya.
When he started banging on the door, that was the only time I realized that I've been spacing out. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tulala sa bathtub ng aming banyo. Saka ko lang narealize na nag-uumapaw na ang tubig sa bathtub. I wore my white towel around my waist to open the door. Mabilis ang takbo ni Elliot patungo sa bowl.
Grabe ang naging araw ko kahapon. Una, namatay si Dean nang hindi ko manlang napapatawad and the police are thinking that it could have been suicide kaya nakokonsensya pa rin ako hanggang ngayon kahit alam ko naman na wala akong kasalanan. Pangalawa, nasunog ang mga negosyo ng pamilya nina Pete at Kao na kagabi lang naapula lahat at si Mick ang nagpautos noon. Pangatlo, nag-away kami ni Techno at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagrereply sa mga tawag at text ko. Pang-apat, may sinuntok na bata si Elliot at ngayon ay kailangan kong ipaalam kina Apo at Bright na kailangan na nilang tumigil sa panliligaw. Panglima, halos patayin na ni Mick ang mga dati niyang kaibigan. At panghuli, nalaman kong may cancer si Mick. Pancreatic cancer to be exact and he told me he only has a few more months to live.
Kaya naman ay hindi talaga ako nakatulog kagabi sa dami ng iniisip ko. At hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyon. Pakiramdam ko malapit ng sumabog ang utak ko. Kagabi halos mabaliw ako habang pinipilit ang sarili na matulog ngunit nabigo ako.
Hindi ko alam pero noong sinabi ni Mick na may cancer siya ay nanlumo ako at nahirapan magsalita. I walked out of there dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
Ang alam ko lang ay tulala ako sa buong biyahe pauwi sa condo.
I went out of the comfort room and headed to my walk-in closet. Alas dos na ng hapon. Wala akong trabaho ngayong araw at dahil Huwebes na ay sa akin ang schedule ni Elliot. At dahil nga sa pagtatampo ni Elliot, hindi ako aalis ng condo ngayon at sasamahan soya buong araw.
He wants to cut his hair at gusto niyang ang Daddy Mick niya ang maggugupit sa kanya. Noon ay palaging sa barber shop siya nagpapagupit.
After finding out that Mick might die soon, ayaw ko namang ipagkait kay Elliot ang mga natitirang oras na makasama niya ang kanyang ama. Nakokonsensya rin ako dahil kung talagang mawawala na si Mick, ilang buwan lang siya nakasama ni Elliot. Kaya kahit Huwebes ay pumayag ako na pumunta si Mick dito sa condo.
Sakto at wala si Gabo ngayon dahil nag out of town sila ni Pietro. Pagkatapos magbihis ay dumiretso ako sa kusina upang magtimpla ng juice. Luto na ang cinnamon bread at cookies na niluto ko para sa meryenda namin.
Pagkatapos mailagay ang pitsel sa ref ay tumunog ang doorbell. I'm not expecting anyone else kaya sigurado akong si Mick na iyon.
Tinungo ko ang sala at nadatnan na naroon na si Mick kasama si Elliot. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata dahil nahihiya ako. Nahihiya ako sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. They were no doubt painful words. At mas masakit pala ang mga sinabi ko lalo na at may sakit pala siya. Baka isipin niyang bagay lang sa kanya na nagkasakit siya dahil masama siyang tao.
I did not really mean what I said yesterday. Siguro ay nadala lang ng galit. Dahil kahit ginawa iyon ni Mick, alam kong may natitirang kabutihan sa puso niya. A monster is someone who only wants to bring darkness to other people's lives. Ngunit sa panahong nakasama ko siya noon, nakita ko kung gaano siya kabuting tao. Maybe he really only wanted to give them a lesson? But still, he should not have threatened to hang them. Not to mention that his men almost beat them to death.
Hays. Ewan. Nalilito na ako. Nalilito na ako nang sobra. Kung tutuusin, wala akong pinagkaiba kay Mick. Dahil pareho naming gustong pagbayarin ang mga taong nanakit sa amin. We both wanted revenge. Kaya parang ang kapal ng mukha ko para tawagin siyang halimaw.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea