Kabanata 39

905 85 53
                                    

Kabanata 39: Surgery

Nanginginig ang kaliwang kamay ko habang dina-dial ang numero ng ambulansya. Nabalot ng dugo ang aking cellphone. Samantala ay nanatiling nakadiin ang kanang kamay ko upang pigilan ang pagdaloy ng dugo mula sa ulo ni Mick. Mick regained consciousness.

I was still crying while talking to the operator. Kanina pa tumigil sa pagpapaputok ang kung sino man ang namaril sa amin. Kahit nakakabigla ang pangyayari, pinilit ko ang sarili na maging alerto lalo na dahil sa sitwasyon ni Mick.

"We n-need help." I cried. "Mick is bleeding. H-he was s-shot!"

Sinabi ko sa kanila ang address at ibinaba ang tawag. Binitawan ko ang cellphone at muling itinuon ang buong atensyon kay Mick.

Puno na ng dugo ang aking damit. Ganoon din ang kanyang mukha. Hindi pa rin ako makatigil sa pag-iyak. Hindi ako mapakali at hindi ko alam ang aking gagawin.

"Mick, stay with me. Don't close your eyes." I begged him.

He reached for my face. Nanghihina ang kanyang kamay. Hinawakan ko iyon at dinala sa aking pisngi.

"I l-love y-you." he stuttered.

Mas lalo akong naiyak. Naubo siya at lumabas ang dugo sa kanyang bibig.

Maraming tao na ang nagkumpulan malapit sa amin at nakikiusyoso. Sumaklolo naman ang mga gwardya sa building. Hindi nagtagal ay dumating ang ambulansya at mga pulis.

"Please stay with me." I cried.

I was just crying the whole time they were applying first aid until they lifted him inside the ambulance. Natulala ako ng ilang segundo habang nakaupo sa sahig ng parking lot, sinusubukang iproseso ang mga pangyayari.

Malakas ang kabog ng puso ko dahil sa kaba.

"Sir."

"Sir!" muling tawag sa akin ng doktor na sakay ng ambulansya. "Sasama po ba kayo?"

Saka lamang ako nabalik sa aking huwisyo. Tumango ako at mabilis na sumakay sa ambulance. Naupo ako sa gilid ni Mick na nakahiga sa stretcher. I cried as I held his hand.

May kung anong mga kagamitan ang nakalagay sa kanyang mukha. I can see with my eyes that he is having a hard time remaining conscious. Para siyang mawawalan ng malay ngunit nilalabanan niya iyon.

"Please stay with us." saad ko habang umiiyak. Dinala ko ang kanyang kamay palapit sa aking mga labi at hinalikan ang likod noon kahit nababalot iyon ng dugo.

Malakas ang iyak ko sa loob ng ambulansya habang kinukuhanan siya ng vital signs ng doktor.

Sa buong biyahe ay wala akong ibang naramdaman kundi ang takot. Takot na baka tuluyan siyang bawian ng buhay.

"Will he survive, doctor?" nabasag ang boses ko habang tinatanong ang babaeng nagchecheck ng heartbeat ni Mick.

"His condition is critical." sagot niya bago hinarap ang kasamahang lalaking nurse. "Kent, please inform the head of neurosurgery. This man needs one."

Tumango ang lalaking nurse at kinuha ang kanyang cellphone.

I focused my attention on Mick who was lying on the stretcher. His face was still covered in blood.

"You need to stay conscious. You're not allowed to close your eyes." utos ko sa kanya kahit na umiiyak pa rin.

Hindi ako sigurado kung ilang minuto ang itinagal bago kami nakaabot sa ospital. Mabilis ang paggalaw ng mga doktor at itinutulak ang collapsible gurney patungo sa operating room.

Pinigilan ako ng isa sa mga nurse na pumasok doon.

Naupo ako sa mga benches sa hallway. Hindi ako mapakali. Nilapitan ako ng isang staff ng ospital.

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon