Kabanata 11

1.3K 135 103
                                    

Kabanata 11: Elliot

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang nakasakay ako sa taxi mula sa venue ng dapat sana ay kasal namin ni Mick patungo sa bahay ni Techno.

Sa loob ng taxi ay hindi ko napigilan ang humagulhol sa iyak. Wala akong pakialam. I cried my heart out. Dahil kung hindi ko iyon ilabas, baka ikamatay ko iyon.

Gustong sumabog ng aking puso. Halo-halo ang mga emosyon na nadarama ko.

Una ay sakit. Sakit dahil sa napakasaklap na balita na ibinahagi sa akin ni Techno. My brother just killed himself. Labis ang sakit. Parang malaking parte sa aking pagkatao ang nawala. My brother. My only brother. Is now gone. Gabo is now gone.

Ikalawa ay pagsisisi. Hindi ko alam kung matatanggap ko ba. Gabo has been very persistent in persuading me to break up with Mick. Pero hindi ko siya pinakinggan. Ang malala pa, sinabi ko sa kanya na isa siya sa mga dahilan kung bakit hindi ko puwedeng iwanan si Mick. That his medications need money. And that we need Mick for it. Siguro ay nakonsensya siya at inisip niyang pabigat siya sa akin. Kaya napagdesisyunan niyang wakasan ang kanyang buhay. Gabo sacrificed himself. To free me from Mick. He sacrificed his life so that I can be free from that miserable life. He killed himself so that I won't have any reason to endure all of that pain. Kaya ngayon ay hindi ko mapigilang sisihin ang sarili. If only I listened to him. This should not have happened.

Ang kaninang pagsisisi ay unti-unting napalitan ng galit. Galit ako kay Mick. He is one of the reasons why my brother killed himself. Kung hindi lamang niya ako sinaktan at trinato na parang basura, hindi sana gagawin iyon ni Gabo. If only he did not hurt me, my brother would not have felt guilty.

Ngunit mas nangibabaw ang galit ko sa aking sarili. Hindi si Mick ang dapat kong sinisisi rito. Dapat ang aking sarili. Ang akala ko, nagiging matapang ako. Nagiging matapang dahil ipinaglalaban ko ang pinaniniwalaan kong pagmamahal.

I was wrong. Hindi pala ako naging matapang. Dahil ang totoo, naging tanga ako.

Naging tanga ako dahil ipinaglaban ko ang isang bagay na hindi ko dapat ipinaglaban. Ipinaglaban ko ang taong dapat ay pinakawalan na lamang.

Hindi ko matanggap na nagpakatanga ako. At hindi lang basta tanga, sobrang tanga. With the hope of saving a failed relationship, I lost myself along the process.

It was like I was trying to find my way back into the ship after a shipwreck, but I was wrong to assume that there will still be a ship. Ang akala ko, may barko akong babalikan, ngunit nakalimutan ko na ang barko na mismo ang unang lumubog. Kaya imbes na lumangoy patungo sa pinakamalapit na dalampasigan, mas lalo akong lumangoy patungo sa barkong sira-sira. At hindi lang iyon, I ignored the ships that have come to rescue me. Dahil isa lang ang nasa isip ko, ang muling makabalik sa barko, barkong hindi na maisasalba pa.

Kaya ang ending? Heto ako ngayon at nalulunod.

At ang pinakamasaklap pa, hindi ko rin alam na ang taong inaasahan kong madadatnan ko sa barko, nasa ibang barko na pala. Masaya na at walang pakialam sa akin.

You might wonder why I used a ship as a metaphor. Pero tama naman diba? Nagpakatanga lang ako.

Isa kang malaking tanga, Goob.

Sa tingin ko nga ay hindi sapat ang salitang tanga upang idescribe ako.

Tanga? Inutil? Bobo?

These are all understatements. Dahil walang katumbas. Walang katumbas na salita ang puwedeng itawag sa akin.

Kasalanan ko rin naman. Inaamin ko. Kasalanan ko kung bakit ngayon wala ng natira sa akin.

I lost my dearest friend. I lost my younger brother. And I lost my lover.

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon