Kabanata 20: Sorry
Hindi ako sigurado kung paano ko natapos ang paghahanda ng mga pagkain.
Ang alam ko lang ay umiiyak ako habang ginagawa iyon. Hindi rin ako sigurado sa lasa ng pakbet. At kung hindi pa automatic ang rice cooker, marahil ay nasunog na ang kanin.
My heart hurts so much. I want to break down. Gusto kong umiyak ng pagkalakas-lakas dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.
I feel so dirty. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamaruming tao sa mundo.
Iniisip ko pa lang noon na pinagsamantalahan ako ni Louis ay sumusuka na ako. I can't count the exact number of times I threw up just thinking about what he did to me.
At ngayon, malalaman kong hindi lang pala isang tao ang nanamantala sa akin?
I rushed towards the to puke, unable to withstand the idea of someone taking advantage of me.
Grabe. Sobrang bigat sa puso. Nakakadiri. Nakakasuka.
Three men. Three men took advantage of me. Sana ay hindi ko na lang nalaman ang totoo.
I never forgot about my experience that night. Hindi ko man matandaan na pinagsamantalahan ako, ang alam ko lang ay nangyari iyon. I just did not know that who really did it was Mick's friends. The people whom he chose to trust no matter how hard I tried to convince him.
Buong akala ko, nakipagsabwatan lang sila kay Louis. Ang hindi ko alam, sila pala ang nanggahasa sa akin.
Nakakadiri. Nakakasuka.
Hindi pa man tuluyang napapakalma ang sarili ay pinilit kong ihanda ang mesa na aming kakainan. Ngunit parang lumilipad ang isip ko habang inaayos ang mga pinggan kaya naman ay nahulog ang isa sa mga iyon.
A loud splatter was heard. Hindi nagtagal ay nagpakit sa may dining area si Mick na nag-aalala at halatang tumakbo pa papunta rito.
Pieces of the now broken plate were scattered on the floor. At dahil lutang ako, agaran kong sinubukan pulutin iyon isa-isa. I was so distracted by the revelation, a reason for me to get cut by the sharp broken pieces of glass.
Naramdaman ko ang hapdi roon ngunit nagpatuloy ako sa aking ginawa, hindi inalintana ang sugat. Walang kaingat-ingat na pinagpupulot ko ang mga iyon. At sa bawat pagdampot ko, nararamdaman ko ang paghiwa noon sa aking kamay.
I can see the blood trickling down my hands and fingers, but I did not mind.
"What the hell?" Mick angrily stated as he hurried to where I was. "Stop it, Goob!" utos niya bago sinamahan ako sa pagluhod.
Ngunit mistulang hindi ko siya narinig at nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawa. Puno na ng dugo ang aking kamay at ramdam na ramdam ko ang hapdi.
Ngunit kailanman hindi niyon mapapantayan ang hapdi na nararamdaman ko sa aking puso.
He touched my hand to stop me from what I was doing.
At dahil sa iniisip na bangungot ng nakaraan, iba ang naging reaksyon ko sa kanyang hawak.
Mabilis kong inilayo ang aking kamay mula sa kanya, waring nandidiri sa hawak ng iba.
"Don't touch me!" I said as tears began to trickle down my face.
Napaupo ako sa sahig at niyakap ang aking tuhod.
"What's wrong?" Worry filled his face.
Umiling-iling ako dahil wala ng saysay pa kung sasabihin ko sa kanya. If he would believe me if I tell him, it would still be useless.

BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea