Kabanata 32

838 89 35
                                    

Kabanata 32: Betrayal

Goob's Point of View

Kanina ko pa tinatawagan si Techno ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Kanina pa ako hindi mapakali dahil maraming bagay ang bumabagabag sa pag-iisip ko.

Una ay ang pagkamatay ni Dean. Hindi ko mapigilan ang aking konsensya. He was here the other day asking for my forgiveness. Ngunit ipinagkait ko iyon sa kanya. The initial investigation says that he did it on purpose. Sinadya niyang ihulog ang sasakyan niya sa bangin at magpakamatay.

Malakas ang kabog ng dibdib ko dahil may parte sa akin na nanghihinayang at sinisisi ang sarili. Sana pala pinatawad ko nalang siya. I remember him begging me because his conscience kept messing with his mind. Nahihirapan daw siyang matulog. And to think that we took his career away from him. Sinira namin ang buhay niya. Ngayon ay winakasan na niya ang sariling buhay.

Ngayon ay ako naman amg nakokonsensya. But should I really blame myself? I had my reasons. He molested me. God knows what they did to me that night. Kahit wala naman akong kasalanan sa kanila.

Maybe I should not blame myself. Dean made his choice. It was not my call. Kung may dapat mang sisihin, siguro ay hindi ako dahil hindi ko naman ginusto ang nangyari. Biktima lang din ako.

Because even if he asked for forgiveness, I still wasn't ready to do it. I just can't.

Ang isa pang bumabagabag sa isipan ko ay ang pagkakasunog ng mga restaurant at shopping malls. The fire began at around midnight. At ngayong alas onse na ng umaga, sinusubukan pa ring patayin ng mga bumbero ang apoy. The buildings and establishments were simultaneously lit. But so far, wala namang naiuulat na casualties.

I did a little research and found out that the chain of shopping malls was owned by Pete's family and the restaurant's are owned by Kao's family.

Kagat-kagat ang aking mga kuko ay nanonood ako ng news sa TV kung saan ibinabalita ang mga sunog. The authorities are still deciding whether or not to consider the cases as terrorism.

Muli kong dinial ang numero ni Techno ngunit hindi pa rin siya sumasagot.

Sa ngayon, wala akong ibang tao na naiisip na gagawa nito kundi si Techno lamang. We talked about it noong nakaraang gabi. Hindi ko mapigilang magalit dahil maayos ang usapan namin na hindi niya iyon itutuloy. I feel betrayed. Dahil kahit sinabi ko sa kanyang ayaw ko, ipinagpatuloy niya pa rin.

My phone vibrated.

Bright: Have you seen the news? Those are the businesses of the families of Pete and Kao.

Hindi ko iyon mareplyan dahil balisa pa rin ako at marami ang iniisip.

To Techno: Why the fuck are you not answering your phone?

Techno: I am at a court trial. I'll talk to you at lunch.

To Techno: What branch?

Techno: RTC.

I quickly changed into a casual outfit and asked our driver to take me to the regional trial court. Dahil sa traffic ay pasado alas dose na nang makarating kami roon.

I found Techno at the lobby talking to some other lawyers.

Nakakuyom ang aking mga kamao dahil sa galit. Magkasalubong ang aking kilay nang harapin ko siya.

"Why did you do it!? Hindi ba maayos ang usapan natin na hindi mo iyon itutuloy?"

Nagulat siya pati na rin ang iba niyang kasamahan at ang iba pang tao sa paligid. Ngunit wala akong pakialam. Sa oras na iyon ay hinayaan kong maghari ang galit. Techno gave me a confused look.

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon