Wakas

1.6K 121 134
                                    

Thank you for making it this far ❤

This is unedited so expect typos.

Wakas

Goob's Point of View

One month later

"Michael & Stella Nuptials," basa ko sa gintong nakaukit sa labas ng puting invitation. Naramdaman ko ang agarang paninikip ng aking dibdib at ang panginginig ng aking mga kamay.

Magara ang imbitasyon, halatang malaki ang iginastos nila.

Nangilid ang aking mga luha. Imbitasyon iyon para sa kasal ni Mick. Ikakasal siya kay Stella, ang ina ng anak niyang si Charlie.

Kanina lamang dumating ang imbitasyon sa bahay. At sa susunod na linggo na ang kanilang kasal. Mick wanted me to be his best man. Kaya kasabay ng imbitasyon ay ang damit na aking susuotin.

Itinabi ko ang invitation at pinagtuonan naman ng pansin ang itim na tuxedo na ipinagawa niya para sa akin. Noong isang linggo ay humingi siya sa akin ng aking body measurements.

Tumulo sa aking mata ang luha kasabay ng panginginig ng aking mga labi. Nabasa noon ang tuxedo.

Pakiramdam ko ay hinihiwa ang aking puso. Hindi ko alam na ganito pala kasakit.

"Papa Goob!" tawag sa akin ng isang matinis na boses. Pinahid ko ang luha bago harapin si Elliot. Ginawaran ko siya ng ngiti, sinusubukang itago sa kanya ang sakit na aking nararamdaman.

"Hi baby." suot-suot niya ang kanyang tuxedo na ipinadala rin ni Mick para sa kanya na susuotin niya sa kasal. Sakto ang laki noon at bagay na bagay sa kanya.

Elliot will be the bible bearer, while Charlie will be the ring bearer. It only makes sense na si Charlie ang magdadala ng mga singsing dahil siya naman ang anak nila.

"Do I look handsome, Papa?" maligayang tanong ni Elliot.

Tumango ako habang naiiyak at tila natatawa rin dahil sa kakulitan niya. Halatang komportable at confident siya sa suot niyang damit. Makikita na manang-mana siya kay Mick sa tindig pa lang.

"Yes, baby. You're the most handsome boy in the whole wide world." sagot ko at binuhat siya. Inamoy ko ang kanyang ulo bago hinalikan iyon.

Hindi naging madali para sa akin ang naging desisyon ni Mick na tuluyan na naming sukuan ang isa't isa. At mas lalong nahirapan si Elliot. Ever since he woke up from the brain surgery, tila nagbago siya. Tila ibang Mick ang bumalik sa amin. Or perhaps I never truly knew him?

Tandang-tanda ko pa noong una naming pagkikita mula nang magising siya. I was so excited to see him, but he was not excited to see me.

*flashback*

Isang linggo na simula noong makalabas si Mick sa ospital ngunit ang sabi ni Tita Mirasol ay ayaw pa akong makita ni Mick. Hindi ko na siya nabisita sa ospital dahil ang bilin sa akin ni Tita ay hindi pa raw handa si Mick na makipag-usap sa akin pagkatapos ng pamamaril sa amin. Aniya ay nagpapagaling pa si Mick at nagrerecover mula sa operasyon. Payo raw ng mga doktor ay mas makabubuti kung hindi muna makikita ni Mick ang mga taong makapagpaparamdam sa kanya ng samu't saring emosyon.

It was painful to me of course, because I thought that it was me whom he would want to see so much. Hindi nagtamo ng amnesia si Mick. Hindi ko lang maintindihan kung bakit tila ayaw niyang makita ulit ako. Kahit si Elliot, pinigilan niya munang makipagkita sa kanya. Sobra akong naguluhan. May kutob ako na may kinalaman iyon tungkol kay Charlie na narinig kong anak pala siya ni Mick dahil kay Pietro. Ngunit hindi ako sigurado. Naliwanagan lamang ako nang sa wakas ay pumayag siyang makipag-usap sa akin isang linggo pagkatapos niyang makalabas sa ospital.

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon