Kabanata 25: Sabotage
Habang pauwi kami sa building ay tahimik lamang si Elliot sa backseat. Samantala ay panay ang sulyap ni Bright sa akin na siyang nagmamaneho ng sasakyan. Ako naman ay nakasandal ang ulo sa bintana at pinagmamasdan ang aming mga nadadaanan.
Kung iniisip ni Mick na magiging malapit kami ulit sa isa't isa dahil sa anak namin ay nagkakamali siya. Hindi na niya ako pwedeng utus-utusan at susundin ko siya. Tapos na ang mga araw na iyon. I have found myself. Hindi ko hahayaan na mawala ulit ako sa aking sarili.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Kung magagalit ba ako dahil kay Mick? O magagalit kay Sining? O masasaktan? Nalilito ako. Parang gusto kong malungkot pero parang ayaw ko rin. Ewan. Naguguluhan ako.
Kumplikado ba talaga ang sitwasyon? O ako lang ang nagpapakumplikado nito?
Nang makarating kami sa parking lot ay naunang bumaba si Bright sa akin upang pagbuksan sana ako ng pinto ngunit nagawa ko na iyon bago pa siya makaikot. I opened the door to the backseat and lifted Elliot into my arms. Inaantok na siya kaya ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Thank you, Bright. Pasensya na sa abala." nahihiya kong saad.
"Anytime, Goob. Anytime. Huwag mong isiping nakakaabala ka sa akin." Ipinasok niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa. "I'm guessing that this is your son?" tanong niya sa akin bago tinitigan si Elliot.
"Yes."
"What's his name? He looks so much like you." He smiled.
"Elliot. His name is Elliot."
Nilapitan niya ang inaantok na si Elliot at hinarap siya. "Nice to meet you, Elliot. I'm your Tito Bright. Your Papa's friend."
Hindi siya sinagot ng bata at sa halip ay nag-iwas ng tingin at hinarap ako.
Maldito!
"Pasensya ka na. Siguro ay pagod lang." paumanhin ko. "Salamat ulit sa paghatid. Akyat na kami." Paalam ko sa kanya.
Sa sobrang pagpapasalamat ko ay hindi ko na napigilan ang aking sarili na halikan ang pisngi ni Bright. Mabilis lamang iyon at dumaplis lamang ang aking labi.
Umawang ang kanyang bibig. Pinamulahanan siya ng mukha makalipas ang ilang segundo. He gave me a confused look before a smile formed on his face. Kinagat niya ang kanyang labi upang pigilan ang ngiti.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa at naglakad na ako palayo roon. Habang naglalakad ay saka lamang ako dinapuan ng hiya.
Bakit ko ginawa iyon? Walanghiya!
Pero kahit paano ay may nalaman ako. Hindi na ako natatakot na dumidikit sa akin ang balat ng ibang lalaki. Hindi gaya sa mga nakaraang araw na natatakot akong mahahawakan nila. Siguro ay hindi ako kinain ng takot. But it does not mean na hindi na ako nandidiri sa ginawa sa akin ng mga kaibigan ni Sining.
Pagbabayarin ko pa sila.
Nakatulog na si Elliot sa aking balikat. Tahimik na rin ang unit at madilim na ang sala, marahil ay nasa kwarto na niya si Gabo. Alas diyes pa lamang ng gabi kaya sigurado akong hindi pa siya natutulog.
Pagkatapos bihisan si Elliot na tulog na ay tinabihan ko siya sa kama. Sa gabing iyon ay nahirapan akong matulog dahil sa rami ng pumapasok sa utak ko.
Una, hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kong naiisip si Mick at si Sining. Nagkaroon ba talaga sila ng relasyon noong nawala ako? Ayaw kong isipin na iyon, pero hindi ko mapigilan ang sarili.
Pangalawa, hindi ko rin mapigilan ang manghinayang sa buhay na mayroon sana kami ngayon. Hays. Mick and I could be sleeping together in the same bed right now with Elliot in our middle. Pero hindi. Malabo na mangyari iyon.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea