Kabanata 35: Helicopter
Goob's Point of View
Dumating ang araw ng birthday ni Elliot. Kahapon pa siya sobrang excited dahil bukod sa unang beses siyang makakasakay ng isang helicopter at makakaligo sa dagat, unang kaarawan niya rin ito na kasama ang kanyang Daddy Mick.
Sa totoo lang, tuwing nakikita ko kung gaano siya kaexcited, hindi ko mapigilan ang makonsensya. I took five birthdays from him and his father. Limang kaarawan na sana ay magkasama sila ngunit tila ninakaw ko iyon sa kanila.
Sa mga nakaraang araw, wala akong ibang ginawa kundi ang manatili sa condo kasama si Elliot at Gabo. My brother has been distant to me lately. Marahil ay sa kadahilanang paminsan-minsan ay pinapayagan kong bumisita si Mick sa condo o di kaya ay pumupunta kami ni Elliot doon sa bahay niya.
If I am being completely honest, kahit paano ay magaan na ang pakiramdam ko kay Mick. Sa nagdaang linggo, wala siyang ibang ipinakita kundi ang maging mabuting ama kay Elliot. Hindi niya rin pinipilit na magkaroon kami ng interaksyon. Kumpara noong mga nakaraang linggo na pilit siyang lumalapit sa akin, ngayon hindi na. Dumidistansya na siya. Which I guess is a good thing.
Kahapon ay inilibing na si Dean. Kung may narealize man ako sa mga nakaraang araw, iyon ay tanggapin na may kasalanan ako sa sinapit niya.
I always knew that having my revenge on him by plotting to frame him of embezzlement was wrong. Pero ipinagpatuloy pa rin namin ni Techno ang plano dahil natabunan ako ng galit at poot. Pinangunahan ako ng kagustuhang maipaghiganti ang sarili ko kahit alam kong mali. I let my emotions get the best of me and forgot my moral principles.
I realized that having revenge will never help me get better. Kaya nakapagdesisyon na ako na hahayaan ko na lamang na karma ang maningil kina Pete, Kao at Sining. Hindi ko sila kailangang patawarin. I just need to feel indifferent.
I know that what I did to Dean affected his mental health. I ruined his life. At ayaw kong muling may mamatay dahil sa paghihiganti ko. This time, gusto kong magmove-on.
Hindi ko pa pala nasasabi kay Apo at Bright na tumigil na sila sa panliligaw. I have been preoccupied with spending time with Elliot kaya hindi pa ako nakikipagkita sa kanila upang sabihin iyon. Ayaw ko namang sa text lang dahil kahit paano, deserve nilang sabihin ko iyon nang harapan. I appreciate what they have done to me.
Si Techno naman ay hanggang ngayon hindi pa rin ako kinokontak. Marahil ay galit pa rin. Naisip ko naman na baka ay kailangan niya pa ng mas mahabang oras. Gayunpaman, nagbakasakali ako na pupunta siya sa birthday ni Elliot kung imbitahan ko siya.
To Techno: Elliot's birthday is on Saturday, March 9. It would mean a lot to him if his Tito Techno will come. I'm sorry about what happened. I hope you can forgive me. We will celebrate his birthday on an island. Here is the address.
I attached the google map location na sinend lang din sa akin ni Mick.
Speaking of Mick, things are going smooth between me and him. Narealize ko rin na masyado akong naging malupit sa kanya. At kung totoo man ang sinasabi niya na may taning na ang buhay niya, kahit paano ay gusto kong mabigyan siya ng masasayang alaala sa mga nalalabing oras niya. At hindi ko iyon magagawa kung palagi kong isusumbat sa kanya ang ginawa niya sa akin noon.
Every time I think about him dying, my chest would tighten. Bumibigat ang pakiramdam ko at minsan ay natutulala na lang ako. Hindi ko mapigilan ang malungkot at hindi ko alam kung bakit.
Baka ayaw ko lang na mawalan agad si Elliot ng ama? Lalo na at ilang araw pa lang sila nagkasama.
Ngunit wala na bang ibang rason? Iyon lang ba? Hays. Malakas ang kutob ko na may iba pang dahilan ngunit ayaw kong kumpirmahin. Sa ngayon ay hahayaan ko na lang munang lokohin ko ang aking sarili.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea