Kabanata 38: Shot
Bright's Point of View
"Saan ka pupunta?" narinig kong sigaw sa akin ng gorilla. Aalis na sana ako roon dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko. Kaalis lang ni Goob at bumalik na sa loob ng venue.
My heart feels so broken. I just got busted by the love of my life. Ilang taon akong naghintay para maligawan siya pero ilang buwan ko lang naranasan. Hays. Ang sakit.
Nilingon ko si Apo at tinaasan ng kilay.
"Pakialam mo?"
"Bakit ka galit? Ako ba ang nambasted sa'yo unggoy?"
"Ewan ko sa'yo!" Tinalikuran ko na siya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Teka lang unggoy! Sama ako sa'yo. Inuman tayo."
"Tss." tanging nasabi ko. Napansin ko na lang na sinusundan niya na ako patungo sa parking lot. Pinatunog ko ang aking sasakyan at sumakay na sa driver's seat.
Kumunot ang noo ko nang sumakay siya sa passenger seat.
"What are you doing?" galit kong tanong.
Apo reached for my forehead and began massaging it. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha.
"The fuck?" reklamo ko.
"Stop frowning. Mas lalo kang punapangit. Kaya ka nababasted eh." Apo flashed a smile. Halos mawala ang kanyang mga mata.
Hinawi ko ang kanyang kamay. Natahimik siya sa ginawa ko kaya nakaramdam ako ng konsensya.
"Let's drink. Tara na sa BGC. Ang sakit ng puso ko pre. Alam kong pareho tayo ng nararamdaman at alam kong mag-iinom ka rin. Kaya damayan nalang natin ang isa't isa."
Sabagay. Tama naman siya. Balak ko talagang uminom dahil pakiramdam ko alak lang ang makakapagpatulog sa akin ngayon. Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ay siguradong magdamag ko lang tititigan ang kisame sa aking kwarto kung hindi ako malalasing.
"Wala ka bang sasakyan? Kita na lang tayo roon." suhestyon ko.
"Katamad magdrive. Sabay nalang tayo roon para ikaw na maghatid sa akin. Kung magdradrive pa ako edi hindi ako makakapaglasing."
"Baliw! Gagawin mo pa akong driver."
"Sige na. Would you rather drink alone? Or would you want to drink me?"
Kumunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin.
"What?" naguguluhan niyang tanong.
"You said 'drink me'"
"What? I never said that!" depensa niya.
"Yes you did! Iyon ang narinig ko."
"Nababaliw ka na. Bakit ko naman iyon sasabihin sa'yo eh hindi kita type? Epekto yan ng pagiging broken hearted mo! Iinom mo na lang yan!"
"Tss."
Pinaandar ko na ang sasakyan. Sa una ay mabagal ang aking paandar ngunit nang makarating sa highway ay binilisan ko na.
"Gago ka unggoy! Bagalan mo naman! Ang sabi ko mag-inom tayo! Hindi ko sinabing magpakamatay!" reklamo niya.
"Wala ng saysay panang mabuhay." biro ko.
"Hoy gago ka! Ayaw ko pang mamatay! Huwag mo akong idamay lintik ka!" natataranta niyang sabi.
Natawa na lamang ako habang pinapabagal ang andar ng sasakyan.
---
Goob's Point of View
There was this almost unbearable pain in my chest. Iyong tipong parang pinana ang dibdib mo. O di kaya ay piniga ang puso mo. Hindi ko alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomantikCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea