Kabanata 28: Gabo and Pietro
"Papa Goob? Daddy Mick?"
Bago pa man kami makalabas ay narinig ko na ang boses ni Elliot.
Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya na kalalabas lang ng kwarto namin. Kagaya kanina ay suot niya pa rin ang pajama niya.
Nawala ang kaba at takot na kanina ko pa nararamdaman. Mabilis ko siyang nilapitan, lumuhod at niyakap siya nang sobrang higpit. Humiwalay din naman agad ako at hinarap siya. I gently carresed his hair. I am so relieved that my son is safe.
"Where have you been, baby? I was so worried. We've been looking for you." mahinahon ang aking boses, nag-iingat dahil baka mabigla siya at matakot. Ngunit hindi nakawala ang aking pag-aalala. Siguradong kita niya ang pamumula ng aking mga mata dahil sa pag-iyak kanina.
"I was hiding inside the closet. While I was watching TV earlier, I saw a spider and I got so afraid so I went inside to hide. I was afraid to come out because of the spider. But then I felt hungry so I went out." kitang-kita mo sa kanyang mukha ang oagiging inosente, walang alam sa mga nangyari. Na halos halughugin na namin ang buong Metro Manila upang hanapin siya. Na halos himatayin na ako sa sobrang kaba. Na labis ang takot ko dahil baka napahamak na siya o di kaya ay nakidnap.
Saktan mo na ako at lahat-lahat, huwag lang ang anak ko.
"We were so worried about you, buddy. Your Papa Goob and me especially." singit ni Mick.
"Hi Daddy Mick." nilapitan siya ni Elliot at niyakap ang kanyang mga binti. Binuhat naman siya agad ng kanyang ama.
Sinenyasan ni Mick ang kanyang mga tauhan at ang security team. There's no more need for a search operation. Thank God.
Gabo went to Mick to get Elliot from him. Masama ang kanyang tingin kaya hindi nakaangal si Mick. Wala namang nagawa si Elliot.
"Don't ever do that again, Baby Elliot, okay?" si Gabo na ngayon ay nag-aalala pa rin. Dinala niya si Elliot sa dining area. Sumunod naman kaagad si Pietro sa kanila kaya naiwan kaming dalawa ni Mick na magkaharap.
Binalot kami ng katahimikan. Ngunit nauna na akong magsalita.
"I'm sorry if I accused you earlier of taking him. Sobra lang akong nag-alala at kinain ng takot at kaba." nahihiya kong saad, hindi makatingin sa kanya.
"It's okay. You have all the right to accuse me after I took him the day I found out about him. You have all the right to worry because you are his father and you raised him."
Tumango lamang ako. Sigurado akong kinabahan din siya. Siguro nga ay may karapatan din siyang magalit dahil sa nangyari lalo na at dito sa condo pa. Ngunit hindi niya ipinakita na galit siya sa akin at sinisisi niya ako.
Nagdadalawang-isip pa ako kung iimbitahan ko ba siya na kumain dito. May parte sa akin na gusto siyang imbitahan pagkatapos ng ipinakita niyang suporta upang hanapin ang anak namin ngunit may parte rin sa akin na may ayaw. Pagkatapos ng nangyari kanina ay hindi ko na kaya ang mas maraming drama. Pero may parte talaga sa akin na nagsasabi na wala namang masama kung sasabay siya sa pagkain sa amin. Siguro ay magiging okay naman ang lahat kung pakisamahan ko siga sa pagkain.
Ngunit tila ayaw lumabas ng mga salita.
"I should go. You should eat and get some rest." aniya sa isang nag-aalalang tono.
For a moment, gusto kong kalimutan ang lahat ng hinanakit ko sa kanya. Tila nakita ko ang Mick na minahal ko noon. The Mick I used to love is in front of me. But still, there is this voice inside my head that's stopping me.
Tinalikuran niya na ako upang makaalis. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang door knob ay nahanap ko ang mga tamang salita.
"D-dito ka na k-kumain." mahina ang aking boses, tama lang na marinig niya. Napahinto siya sa paglalakad ngunit ilang segundo muna bago niya ako hinarap. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang lungkot na may halong pag-asa.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea