Kabanata 6

1.1K 94 47
                                    

Kabanata 6: Blood

Mukha ni Gabo ang una kong nakita nang magising ako. Naramdaman ko ang pagkakahawak niya sa aking kamay at napatayo siya mula sa pagkakaupo nang makitang gising na ako.

Nasa isang hospital room ako at napansin kong may dextrose na nakakabit sa aking kamay.

"K-kuya!" nag-aalala ang kanyang boses.

Isang lalaki na may seryosong mukha ang nasa kanyang likuran at lumapit din sa akin.

"I'll call the doctor." paalam ni Gabo at mabilis na lumabas ng silid.

Naiwan ako kasama ng lalaki. Nanatili ang kanyang pagiging seryoso ngunit mababakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Hindi siya makatangin sa akin nang diretso, mistulang nahihiya dahil may kasalanan.

Hinintay ko siyang magsalita ngunit walang tinig na lumabas mula sa kanyang bibig.

"Mick." mahina kong sambit.

He did not react. Tiningnan niya lang ako saglit at mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

Hindi nagtagal ay pumasok si Gabo at sumunod sa kanya ang isang guwapong lalaki na nakasuot ng white coat at may stethoscope na nakasabit sa kanyang leeg.

Lumapit ang doktor sa akin kaya tumabi si Mick. Gakit siyang tinitigan ng aking kapatid.

"Hi. I'm Dr. Billkin and I'm your doctor." ngumiti ang doktor sa akin at nagpakita ang kanyang dimples sa pisngi. "How are you?"

"I'm feeling fine, doc." mahina kong sagot.

Nanghihina pa rin ang katawan ko.

"Do you feel any pain on your head? You had a concussion."

"Wala naman, dok."

Tumango siya. "Good. We've done a CT scan on your head and we found no problem. However, we've conducted a blood test and found out that you have dengue. That explains your fever. And the dextrose. You will stay here in the hospital for the next couple of days for monitoring. For the mean time, please take a rest."

"Thank you, dok."

Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng silid at naiwan kaming tatlo. Lumapit si Gabo sa hospital bed at naupo sa aking tabi.

My body shivered because of the cold.

"Is it cold Kuya?" tanong ni Gabo.

"Yes. Puwede bang pakihinaan ang air-"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil hininaan na iyon ni Mick. "Salamat." saad ko ngunit hindi niya pa rin ako pinansin.

"Okay ka lang ba talaga Kuya? Are you hungry?"

"Wala akong ganang kumain, Gabo. Anong oras na ba? Ilang oras akong tulog?"

"You've been here since 7 AM. Alas dos na ng hapon. You need to eat lunch."

"Mamaya na lang. I feel dizzy."

"At least drink water."

Tumayo siya upang kumuha ng tubig.

"Tabi." Gabo gritted his teeth as he ordered Mick to step aside. Nakaharang kasi sa cabinet na may mga pagkain.

"Gabo, watch your tone!" saway ko sa kanya.

Mick did not seem angry at Gabo's attitude. Sumulyap siya sa akin bago tahimik siyang tumabi sa daan.

Nang bumalik si Gabo sa akin dala ang water bottle ay magkasalubong ang kanyang mga kilay.

Lumabas si Mick ng silid.

Hays. Naninikip na naman ang aking dibdib. Yun lang yun? Hindi niya manlang ako kinausap? Hindi niya manlang ako kinamusta?

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon