Kabanata 5: Unconscious
"Prepare our snacks." utos sa akin ni Mick bago iginiya ang kanyang mga barkada papasok ng bahay.
Napatango na lamang ako habang nakayuko. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang aking mga luha. Mabuti at hindi nila iyon nakita.
Nang mapansin na wala na sila ay saka ako nagtaas ng ulo. Bright was still there, watching me with sad eyes.
Nilapitan niya ako at tinapik ang aking balikat.
"Hang on in there, Goob. You'll get through it all." aniya sa isang malungkot na boses at pagkatapos ay sumunod na sa kanila papasok.
Mas lalo akong naiyak.
Hays. Sobrang sakit.
Ngunit imbes na magmukmok ay pinilit ko ang sarili na maghanda ng kanilang meryenda at kakainin para sa tanghali.
Nasa pool area na si Mick at ang kanyang mga kaibigan. Mula sa kusina ay makikita mo ang pool area.
Mick is sitting on a sun lounger. Nakakandong sa kanya si Sining.
Habang nagluluto ay bumaba si Gabo dala-dala ang kanyang portable oxygen tank mula sa kanyang kwarto.
"Kuya, bakit nakakandong kay Kuya Mick ang lalaking iyon?" galit niyang tanong.
"Hayaan mo na Gabo. Ganyan siguro silang magkakaibigan." nagkibit ako ng balikat at nagpatuloy sa pagluluto.
"Have you been crying?" mariin ang kanyang pagkakabigkas sa mga salita.
"It's the onions. Alam mo na."
"No. Namumugto na ang mga mata mo even before you started cooking. And I know that you were with Kuya Mick before that!" Ikinuyom niya ang kanyang kamao.
"Go back to your room Gabo." utos ko sa kanya. "Gawin mo nalang iyong mga assignment na pinapagawa ng Sir Thomas mo."
"I am not a child anymore, Kuya Goob. I know everything that's happening. Can we just leave this house? Can we just leave Kuya Mick?"
"Gabo, we are not discussing this. Please just go back to your room." Pinigilan ko ang pag-iyak.
Hindi natin puwedeng iwanan ang Kuya Mick mo, Gabo. We need him. I need him.
Ngunit naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Tahimik kami pareho. Hinayaan ko lamang ang aking kapatid na yakapin ako.
Pagkalipas ng sampung minuto ay kumalas din siya sa yakap at mabilis na umakyat papunta sa kanyang kwarto. Mabibigat ang kanyang mga hakbang.
"Well, well, well. If it isn't the cheater." narinig kong may nagsalita sa aking likuran. Nilingon ko ang nagsalita.
Si Sining.
"Go away, Sining. I don't have time for you." pagtataboy ko sa kanya.
Ipinagpatuloy ko ang pagluluto.
"Aba napakabastos!" galit niyang sambit. "Ikuha mo nga ako ng tubig!"
Ngunit hindi ko siya pinansin.
"Wala ka talagang kwenta! Hindi ko alam kung ano ang nakita sa'yo ni Mick at mahal na mahal ka niya noon. Mabuti at natauhan na siya ngayon! Ikuha mo nga sabi ako ng tubig!"
Humigpit ang hawak ko sa sandok habang naggigisa ng para sa kaldereta.
Ginagalit ako ng lalaking ito. Binitiwan ko ang sandok at lumapit sa counter upang kumuha ng baso. Nanginginig ang aking mga kamay habang nagsasalin ng tubig. Nang mapuno ay binigay ko iyon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea