Goob's Point of View
*pak!*
Isang malakas na sampal ang dumapo sa aking pisngi. Halos mabingi ako dahil sa lakas noon.
Nalasahan ko ang dugo sa aking mga labi. Pinipigilan ko ang aking mga luha habang nanginginig ang aking mga labi.
Sobrang lakas ng sampal dahil ramdam na ramdam ko ang sakit. Ngunit hindi noon mapapantayan ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso.
Unti-unti ay naramdaman ko ang pamamanhid ng aking pisngi.
Umiling-iling ako. Kasabay noon ay ang pagpatak ng aking mga luha.
I looked at Mick in his eyes. Punung-puno iyon ng galit at poot.
"Maniwala ka sa akin, Mick. Hindi totoo ang kanilang sinasabi." pagmamakaawa ko.
Sinubukan kong hawakan ang kanyang mga kamay ngunit itinulak niya ako kaya tumama ang likod ko sa pader.
I groaned in pain.
"Sinungaling!" sigaw niya. Naipikit ko na lamang ang aking mga mata.
Hindi ako makapaniwala na pagkatapos ng isang taon naming pagsasama, hindi ako ang pinaniwalaan niya.
"You slept with your ex-boyfriend! Niloko mo ako!" nag-aalab ang kanyang mga mata dahil sa galit. He clenched his jaw as he lifted his hand for another slap.
Naramdaman ko ang muling pagdapo ng kanyang mga palad sa aking mukha. I almost fell to the floor because of the impact but he held my shirt to keep me standing.
I cried in pain. I am in so much pain. Not just physically. But also emotionally.
"Hindi ko magagawa sa'yo yun, Mick. Dahil mahal kita." my tears flowed.
Hindi ko na maramdaman ang aking kaliwang pisngi dahil sa mga sampal niya.
Umiling siya, hindi naniniwala.
A tear fell from his eye. Nanginginig ang kanyang mga labi dahil sa galit. Halos mapunit ang aking damit sa higpit ng kanyang hawak.
Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa at ipinakita sa akin ang video na ipinadala ng kanyang kaibigan.
I never knew that he was physical. Sa isang taon naming pagiging magboyfriend, ngayon niya lang ako pinagbuhatan ng kamay.
Binuksan niya ang video at nagplay iyon. Makikita sa screen ang pagpasok ko sa isang hotel room kasama ang aking ex-boyfriend na si Louis.
Bago pumasok sa kwarto ay hinalikan ako ni Louis. Inaalalayan niya ako papasok at nakapalupot sa kanyang leeg ang aking mga kamay.
He opened the door and we both went inside. And the video ended.
I shook my head.
Tonight may be painful. But everytime I remember what happened to me last night, hindi maipagkakaila na mas masakit iyon. Gusto kong masuka. Buong araw akong umiyak dahil doon.
Bakit hindi ako ang paniwalaan niya? Kanina ko pa sinusubukang ipaliwanag sa kanya ngunit ayaw niyang maniwala.
I was drugged. I was raped. Hindi ko maalala na pumayag akong makipagkita kay Louis. Ang huling naaalala ko bago iyon ay nakipaginuman sa akin ang mga barkada ni Mew sa BGC.
Mick was out of the country last night for a business meeting. Ngayong gabi lamang siya nakauwi. At imbes na yakap at halik, sampal ang unang iginawad niya sa akin.
I was drugged and raped by my ex-boyfriend. Nagising na lang ako kaninang umaga sa hotel room na walang damit at masakit ang katawan.
It may be early to conclude, ngunit pakiramdam ko ay kasabwat ni Louis ang mga barkada ni Mick.
I love Mick. So much. Hindi ko magagawang makipagtalik sa iba. Hindi ko kayang lokohin siya.
Masakit lamang isipin na hindi ako ang pinaniniwalaan niya. Who would've thought that the sweet Mick who used to be overprotective of me is now causing me physical pain?
The Mick who was willing to do everything for me is now treating me as if he never loved me.
Ako na nga itong pinagsamantalahan, ako pa ang nagmukhang masama.
It hurts. So much.
Pinakawalan ni Mick ang aking damit, sanhi ng aking pagbagsak sa sahig. My knees were too weak to keep me standing. So without his support, talagang bumagsak ako sa malamig na tiles ng kaniyang bahay.
"Please believe me. I was raped." I cried.
Gustuhin ko mang magtungo sa mga awtoridad kanina upang magreklamo at magsampa ng kaso, hindi ko nagawa.
I have no power. Dahil ulila na ako at ang aking labing anim na taong gulang na lalaking kapatid na lamang ang aking pamilya.
At makapangyarihan si Louis at ang mga barkada ni Mick.
Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa kanila at ginawa nila sa akin ito.
I had to wait for Mick to come back and help me. After all, he is more powerful than them. The CEO and only heir of Dela Merced Construction, ang pinakamalaking construction firm sa bansa.
Ang akala ko ay kakampihan niya ako. Ngunit nagkamali ako.
Sa susunod na buwan na ang aming kasal. With what happened, I still have no choice but to marry him.
I work as a model. Pero hindi ako big time dahil kakasimula ko pa lamang at maliliit ang aking mga proyekto. I am still trying to build a name in the industry.
Dinuro niya ako bago magsalita.
"Hindi ako naniniwala. You are a liar! A cheater!"
Humagulhol ako habang umiiling. Ang sakit.
It is so painful to be accussed of something you are not. Lalo na kapag galing sa taong mahal mo.
Hinawakan niya ang aking buhok at sinubukan akong iangat. Mahapdi iyon.
"Ito ang tandaan mo, Goob. Sa susunod na buwan na ang ating kasal. I will make your life a living hell! I will make you regret everything that you did! I will make you suffer!" banta niya.
I cried harder. Sinipa niya ako nang malakas sa aking tiyan.
"Kuya Goob?" mahinang sambit ni Gabriel, ang aking kapatid. Nasa ikalawang palapag siya ng bahay at nakatingin sa amin ni Mick na nasa sala. Umiyak siya sa kaniyang nakikita.
Dala-dala niya ang kaniyang portable oxygen tank.
Binitawan ni Mick ang aking buhok.
Mahal ko si Mick kaya hindi puwedeng basta-basta ko nalang siyang sukuan. Maliban doon, may isa pa akong rason kung bakit hindi ko siya puwedeng iwan.
My younger brother is diagnosed with Cardiomyopathy, a heart disease. Kailangan ng matinding alaga at maraming pera upang mapahaba ang kaniyang buhay. Mick knows about it. Kaya niya nasabi ang mga sinabi niya kanina, that he will make me suffer.
He knows that I have no choice. Hindi ko siya puwedeng iwan. Dahil kailangan namin siya ng kapatid ko.
I just wish that Mick realizes everything. Na kailangan niya akong kampihan. Na kailangan niya akong tulungan. Na kailangan niya akong ipaglaban.
Ako si Goob. At ito ang aking kwento.
---
Oh diba? Simula palang yan! 😘
I changed their names to Mick and Goob kasi masyadong controversial ang topics, baka maissue na naman.
Sana samahan niyo ako sa kuwentong ito ❤❤❤
- Tim
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea