Kabanata 36 Part 1

761 63 7
                                    

Kabanata 36: Beach Birthday Party

Gabo's Point of View

Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Kuya Goob ngunit hindi nagriring ang kanyang cellphone. Kanina pa ako hindi mapakali. Nasa taxi na kami patungo sa pier ni Pietro. Ayaw ko pa sanang bumiyahe ngunit pinilit ako ng aking baby. Kasama namin sa backseat ang kanyang lalaking pamangkin na si Charlie na kasing-edad lang siguro ni Elliot.

"The number you have dialed is now unattended or out of coverage area. Please try your call later." sagot ng operator.

"Fuck!" I cursed. Mabuti na lamang at suot ni Charlie ang kanyang headset.

"Hey, calm down babe." Pietro in his worried voice. Hinaplos niya ang aking braso. "Your brother and newphew are fine. It's obvious that it was not their chopper."

"What makes you so sure?" tanong ko.

"The crash happened at Iloilo. Iloilo is in Western Visayas. And Leyte is in Eastern Visayas. Malabo naman na napadpad muna sila roon bago tumungo rito."

"Pietro is right, Gabo. I already texted my lawyer friends in Iloilo about the details of the helicopter crash. Ang sabi nila ay mga Mortel daw ang sakay noon."

I glanced at Kuya Techno who was sitting beside the taxi driver at the front seat.

I massaged the bridge of my nose, trying to calm myself.

I'm just so worried about Kuya Goob and Elliot. They mean the world to me. Baka hindi ko kayanin kung sila ang lulan ng helicopter na bumagsak.

But Kuya Techno's information somehow relieved me. Isali mo pa ang analogy ni Pietro. Bakit ko nga ba hindi iyon naisip?

Speaking of Kuya Techno, nasabi niya sa akin na nag-away sila ni Kuya and they are not in speaking terms. Ayaw kong manghimasok sa away nila dahil labas na ako roon.

He did not really want to come. Pero pinilit ko siya dahil alam kong matutuwa si Elliot. I had to tell him many times that he only has to do it for Elliot. Hindi naman kailangang makipagbati na siya kay Kuya, whatever it is that made them fight.

And besides, mas mabuti na rin kung may katulong ako sa pagbabantay kay Kuya Goob mula kay Kuya Mick. Lalo na at medyo distracted ako dahil kay Pietro.

"Stop worrying, Gabo. Baka nga nasa isla na sila. Nadelay pa naman ang flight natin ng twenty minutes kaya baka nauna na sila roon. Don't worry. Hindi pa pwedeng mamatay ang Kuya mo dahil hindi ko pa siya napapatawad." biro niya.

"They are already at the island." deklara ni Pietro.

Ipinakita niya sa akin ang Instagram story ni Kuya. It was a picture of the beach.

Tila biglang nawala ang bigat sa aking dibdib na kanina ko pa nararamdaman. Bumuntong hininga ako.

"I told you they're safe." si Pietro.

I kissed the back of his hand. Salamat naman at ligtas sila.

Nang makarating kami sa pier ay diretso ang sakay namin sa yateng naghihintay sa amin. I'm pretty sure it was Mick's. Kung ako lang ay hindi sana ako sasakay pero dahil kasama ko si Pietro ay ayaw ko namang mahassle pa siya at mapagod kung mag-aarkila kami ng maliit na bangka. Bukod sa mainit ay siguradong nakakapagod kung uupo kami sa sahig. Ayaw kong napapagod siya nang ganun.

(Author's Note: Magsanaol na lang kayo 😝)

At may kasama pa kaming bata. Hindi ko alam pero iniisip ko na parang sariling anak namin ni Pietro si Charlie. Kinikilig tuloy ako.

Nasabi ko na kahapon pa na isasama namin amg pamangkin ni Pietro. Kuya Goob liked the idea. Kaya excited din si Elliot dahil may makakalaro siya.

It took the yacht another thirty minutes to take us to the island. It was surely a private island. Iisa lang ang bahay doon at kita na agad iyon kahit nasa malayo pa kami.

Return of the Groom (Groom Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon