Kabanata 33: Monster
Goob's Point of View
Sa sobrang lala ng traffic ay alas tres na ng hapon nang makarating ako sa eskwelahan ni Elliot. Tapos na ang kanilang klase ngunit nasabi sa akin ni Mick na kanina pa sila sa headmistress' office kasama ang parents at ang bata na sinuntok daw ni Elliot.
Bumabagabag rin sa aking isipan ang ginawang pagpapasunog ni Mick sa mga gusali na ang iba ay hindi pa rin naaapula hanggang ngayon. Isama mp pa ang pagtatalo namin ni Techno na ramdam ko pa rin ang bigat ng aking dibdib at ang sakit sa aking pisngi. Ngunit mas nangingibabaw ngayon ang pag-aalala sa ginawa raw ng aking anak.
Nang pumasok ako sa opisina ng headmistress ay nagsimulang magsalita ang headmistess. I sat beside Mick. Nakakandong si Elliot sa kanya at hindi makatingin sa akin. Sa kabilang bahagi ng silid ay ang pamilya ng batang nakaaway niya.
"Elliot, would you like to tell us what happened?" si Headmistress Helen.
Hindi nagsalita si Elliot. I reached for his face and cupped it gently. Nag-angat siya ng tingin ngunit iniiwas din kaagad.
"Hey, baby. Please tell us what happened." I said gently. "Papa is not mad at you. No one is. So please tell us."
"Anong wala? Kami, galit kami." ang ina ng batang lalaki na sinuntok ni Elliot. "Your son punched our precious Liam!"
"Let's listen to their explanation first." sinubukan kong panatilihing kalmante ang aking boses dahil kahit paano, nahihiya ako kung sakaling totoo man ang paratang nila sa anak ko. "Huwag nating pangunahan ang mga bata." I faced Elliot once again who did not look apologetic at all. "Baby is it true that you punched your classmate?"
Umaasa ako na hindi totoo na ginawa iyon ni Elliot. Ngunit naiisip ko na baka nga namana niya ang pagiging bayolente sa ama. Huwag naman sana. Ngunit kung ganoon nga ang nangyari, siguro ay maaari pa naman siyang madisiplina at bata pa naman siya. Hays.
"Yes, I did it." pag-amin niya.
My heart sank at his words. Dinapuan ako ng lungkot at pangamba.
"Elliot, would you like to say sorry to Liam for what you did?" ang headmistress.
"I am sorry, Liam." si Elliot. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan ko ang kanyang ulo.
Ipinatawag ng headmistress ang guro ng mga bata upang kunin sila sa loob ng opisina kaya naiwan ang mga magulang na lamang para sa karagdagang pag-uusap.
"Hindi sapat ang sorry. We want him out of this school." ang ina ng bata na hindi pa rin humuhupa ang galit.
"I think you're overreacting." si Mick. "My son already said sorry. We know that it does not make up for what he did, but at least he acknowledges that he did something wrong."
"Still, we want him out of this school. He is a threat to all the other kids. Paano kung mangyari ulit ito?" ang ama naman ng bata ang nagsalita.
"Hindi naman yata tama na tanggalin agad si Elliot sa school. This was only his first time. We cannot promise that this won't happen again. But we will try our best to make sure this will be the last time. Elliot is a good kid. He's still young. Kids make mistakes." I said calmly.
Tumango ang headmistress sa akin bago magsalita. "Mr. Mansell is right. This is still Elliot's first attempt. I would not say that this is normal, but I would say that things like this are common among kids. Let's give Elliot a chance."
"No! We want that kid out of this school." pagmamatigas ng ina ng bata.
Huminga ako nang malalim upang panatilihing kalmado ang sarili. Dahil sa kaloob-looban ko, gusto ko na lamang makipag-away sa kanya ngunit hindi ko iyon gagawin lalo na at si Elliot ang may kasalanan.
BINABASA MO ANG
Return of the Groom (Groom Series Book 2)
RomanceCompleted ✔️ Groom Series Book Two After running away, Goob returns to claim back everything he lost. --- Cover by @Rosehipstea