Kabanata 7

14 6 0
                                    

Kabanata 7

Documentary

“I hate you!Nang dahil sa pinagsasabi mo mag-aaway pa kami ni mommy.”

Humalukipkip ako saka ibinalik ang tingin sa kaniya at walang imik na nilagpasan ko na lang ito, nadinig ko pa ang pag-tawag niya sa akin ngunit kaagad na binalewala ko iyon.

“O, Mateo anong ginagawa mo dito?”bungad sa akin habang nasa office siya nito.

Umiling ako.“Gusto ko lang pong magdasal kayo po? May gusto lang po akong sabihin sa inyo.”

“Bakit may problema ba kayo ni Abbygail?”usal pa ni father sabay lumapit sa akin.“Anong nangyari sa ulo mo?”

Dumaretso ako sa simbahan paggaling sa bahay nila ni Julyza,mabigat ang loob kong iniwanan iyon. Siguro tama nga ito na hindi tatanggapin ng magulang niya ang kagaya ko dahil magkaiba kami ng religion at buhay.

“Naaksidente lang po ako pero hindi naman po ito malala.”tugon ko pa.

“Nagbibiro lamang ako sa sinabi ko.”

Napangiti akong umalis sa pagkakaluhod sa luhuran bago sinenyasan si father na maupo sa tabi ko“Hindi po.Bakit niyo naman po naisipan na siya ang iniisip ko?”

“Nanggaling si Abbygail kanina dito at hinahanap ka niya sa akin.”mungkahi pa nito na tumawa ng bahagya sa akin.

Nagtaka ako.“Bakit naman po?Siguro nahihirapan na naman siya sa thesis niya?”

“Ang batang iyon talaga,mukhang may problema ka?"tanong nito bigla sa akin na binalingan pa ako.

Napatingin muna ako sa relic ng panginoon na nakapako sa krus,ganun din sa katabi nitong si San Andres at San Pablo.

“Wala po ito.”pabuntong hiningang sambit ko saka idinaan na lang sa pagngiti ang lahat.“Nakokonsensiya ako sa nagawa ko dahil sa akin may nagkagalit.”

Tinapik nito ang balikat ko.“Iho bakit ano bang ginawa mo?”

“Wala po iyon sa akin.”pag-iwas ko sa usapan na iyon.

Mapanuring tinignan ako nito.“Mateo, puwede mo sa akin ikuwento ang lahat ng problema mo. Parang anak na din kita dahil sobra ang kabaitan ipinapakita mo.”

“Ayoko lang pong makadagdag sa problema niyo father,gusto kong ang diyos na lang po ang makaalam nuon.”wika ko pa.

Bumuntong hininga ito.“Kung iyan ang gusto mo Mateo,basta lagi mong pipiliin ang tama landas sa buhay.”

“May tanong po ako father.”

“Puwede po bang mag-documentary kami sa simbahan?Sa susunod na ilang araw mula ngayon,gusto kong ipakilala ang babaeng magugustuhan ko.”

“Gusto mo?Hindi ba si Abbygail iyon?”

Napangiti ako sabay iling.“Hindi po kaibigan lang po si Abbygail,kaso hindi siya kasing religion natin.”

“Ganun ba. Bakit ano ba ang religion niya at hindi soya puwede sa atin?”

“Bawal sila pumasok dito dahil maaring matanggal sila sa pagiging kaanib ng samahan nila.”dagdagan ko pa sa humarap kay father.

Hindi ko kayang maglihin sa kaniya ang mga kagaya nila ang naging magulang nuong maulila ako,kaya utang na loob ko sa kanila ang buhay na tinatamasan sa ngayon.

“Alam ko na ang religion na tinutukoy mo,Mateo.”pagpapatuloy pa ni father Louis may katandaan na din ito sa simbahan na ito.“Walang problema kung gusto mong mag-documentary dito,kung gusto mo isama ko din siya sa feeding program natin.”

My Everyday is full of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon