Kabanata 35

3 1 0
                                    

Kabanata 35

The truth

“Benedict at Joyce ito ang mga baon niyo,masarap iyan!”

Inilapag ko ang mga lunch box nila sa mesa habang kumakain ito ng umagahan,napatingin ako sa kanila na masayang kumakain.

Naupo ako sa bago sinalubong ang tingin sila.“Nagustuhan niyo ba ang mga luto ko?May gusto pa kayong ipaluto sa akin?”

“Wala po. Madami na po ito saka dapat po siguro gisingin na natin si Mom.”si Benedict iyon bago ipinagpatuloy ang pagkain nito.

Ngumiti naman si Joyce.“Papa gusto ko po ng cookies at chocolate cake.”

“Joyce hindi naman nakakabusog ang mga iyon,dapat gulay ang kinakain natin dalawa.”pangaral ni Benedict sa nakakabatang kapatid na si Joyce.

Mahinang natawa ako.“Sige ipaghahanda ko na kayong parehas basta uubusin niyo at magshare kayo sa kaibigan niyo.”

“Opo Papa.”

“Opo Dad.”

Tumayo ako bago kumuha ng mga gusto nilang idagdag sa pagkain nila,pinagmasdan ko ang nilutong bacon,fried rice, hotdogs, fried eggs at orange juice.

“Hindi po ba natin gigisingin si Mom?”tanong ni Benedict sa akin habang inaayos ko ang lunch box nilang dalawa.

Napansin kong parang may boundaries sa pagitan namin kapag kausap ko ito,mabilis niyang pinuputol ang pagsasalita niya.

Bigla naman yumakap si Joyce sa hita ko.“Nag-away po ba kayo ni Mom?Huwag na po kayo mag-away.”

Bumababa ang paningin ko sabay umiling sa kaniya.“Hindi naman kami nag-aaway baka pagod lang ang mommy mo sa pag-aapply ng trabaho.”

“Oo nga Joyce,hindi naman natin kailangan pakialam ang usapan ng matatanda.”kontra pa ni Benedict na kinuha ang lunch box sa mesa.

Marahang tumango ito.“Sige po dalhan mo po ng pagkain si Mom para sa amin ni Benedict.”

“Pagtapos ko kayong ihatid sa school niyo,asikasuhin niyo ang mga gamit niyo baka may naiwan kayo?”suhestiyon ko pa kaya niluwagan ni Joyce ang pagkakayakap sa hita ko.

Kinuha nila ang mga pinggan at inilagay iyon sa sink bago pumasok sa loob para kunin ang mga gamit nila, kumuha ako ng pinggan para ilagay duon ang breakfast nito nag-bake din ako ng homemade barbarian donuts.

Bumuntong hininga ako.“Magugustuhan kaya niya ito?Sana hindi niya tanggihan ang mga luto ko?”

Naiintindihan ko kung isinauli niya ang singsing sa akin alam kong natatakot din siya at kailangan din niyang makapag-unwind muna kasama ko nga siya.

“Magugustuhan po iyan ni Mom dahil pinaghirapan niyong gawin iyan, Dad.”biglang ani ni Benedict dahilan upang mapaatras ako sa gulat.

Napahawak ako sa dibdib ko.“Kanina ka pa diyan Benedict may kailangan ka ba?Ginulat mo ako anak ko. ”

“Wala po dumating po si Tito Carlo sinabi niya po na siya na maghahatid sa amin dalawa ni Joyce.”sabi pa nito habang isinvukbit ang backpack sa katawan.

Umiling ako.“Hindi na ako na maghahatid sa inyo baka nakakaabala na tayo sa kaniya. ”

“Ako na maghahatid sa kanila Mateo,may gusto din akong malaman at makikain ng pagkain sa iyo.”biglang saad pa nito na kumindat pa sa akin.

Benedict giggled.“Oo nga po Dad para madalhan niyo din po ng pagkain si Mom,kayo na lang po ang sumundo sa amin.”

“Opo Dad. Si Tito Carlo na lang po.”dagdag naman ni Joyce bago inaya ang nakakatandang kapatid na Benedict.

My Everyday is full of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon