Kabanata 11

7 3 0
                                    

Kabanata 11

Conservative

“That's really exhausted!”

Kaagad akong dumaretso sa refrigerator para kumuha ng maiinom,kaagad itong naupo sa stool na nasa harap ko.

“Do you need water?”

Inilapag ko ang mineral water sa harap niya saka kumuha ng akin, kasalukuyang nag-pupunas iyon ng pawis sa noo at leeg niya.

“Mag-mamarathon ka ba?”

“Hindi.”

Seryosong nakatingin ako sa kaniya, habang iginala ang paningin sa loob ng dormitory ko.Kakaiba nga siya kagaya ng sinabi ni Carlo sa akin kaya siguro sobra ang pag-aalala ng mga kaibigan ko sa kaniya.

“Salamat sa tubig.”

Humugot ako ng malalim na paghinga bago isinara ang pinto ng fridge,sinuri ko lang ito na patuloy pa din sa pagtingin sa paligid.

“Walang anuman, ipagluto mo na ako?”

Nakagat niya ang pangibabang labi ng sabihin ko iyon.“Hindi ako magaling sa kusina,nasanay ako na may magluluto sa akin.”

“Dito ka na kumain, magpalit ka muna ng damit baka magkasakit ka pa kasalanan ko pa.”turan ko pa habang nakatunghay lang ito sa akin.

Sumaludo ito.“Yes MatMat.”

“Huwag mo akong tinatawag na Matmat.”saway ko na kinalawak ng ngiti niya.

A triumphant smile formed in her lips.“Pero sabi mo puwede kitang tawagin sa ganun.”

“Tumahimik ka,kamote ka talaga.”

“Ako naman ang pinakamaganda kamoteng nakita mo?”

Napailing-iling ako sa kaniya bago tinalikuran na siya saka napangiti ako sa pagiging positibo nito sa buhay niya na parang wala itong masyadong problema sa buhay.

“Ano ba gusto mong kainin?”

“Kung ano iluto mo iyon ang kakainin ko.”mahinahong sagot niya.

Naisip kong baka hinahanap na ito ng pamilya niya ngunit wala lang itong pakialam duon o hindi man lang niya sinabi?

“Sigurado ka?”paninigurong tanong ko.

Hindi ko ito nilingon at inabala ang sarili sa pag-kabit ng apron ko sa likod ng bigla may umagaw ng strings nuon.

“Tulungan na kita upang kahit dito man lang makatulong ako sa iyo.”

O baka ayaw lang niyang sabihin dahil baka hindi ko siya tulugan sa research paper niya. Isa siyang kamote na lagi akong pinagaalala ako pinagiisipan ko pa tuloy kung ipagpatuloy ko pa ito.

“Kaya ko gawin ito magpalit ka na.”

Parang hindi niya ako gusto?I tried to be nice but it always ended with fight.

“Huwag ka laging seryoso baka tumanda ka ng maaga.”pang-iinsulto pa niya sabay mahinang tumawa sa akin.

Tumalim na sinulyapan ko ito.“Duon ka lang sa loob at iwan mo na ako rito.”

“Sige.”

Nakahinga ako ng maluwag ng wala na ito sa paligid ko, napaparalyze ang katawan ko kapag malapit siya sa akin.

“Ano bang nangyayari sa iyo Mateo.”sita ko sa sarili at ipinilig na lang ang ulo.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-luluto ng makakain para sa kaniya habang pinaghahandaan ang itanong ang tungkol sa religion niya.

My Everyday is full of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon