Kabanata 32
Speech
"Nandito pala kayo Julyza at Mateo?Hindi ko inaasahan ang pagdating niyo dito."
Kinabukasan ay nagpasiya kaming pumunta sa simbahan para sabihin ang magandang balita para sa kanila, siguro ay matutuwa ang magulang ko ganun din si Mother Livia kung nakikita niya kami dalawa ni Julyza.
Ipinakita niya ang singsing kay Father Louis."Nagpropose na po si Mateo sa akin kahapon Father Louis, pumunta po sana kayo sa graduation."
"Natutuwa ako sa inyo congratulations pero susubukan ko anak."sagot niya bago sinalubong ito ng yakap.
"Sige po."
Ito ang bagay na hindi kayang bilhin ng pera kahit kailan,kaagad na sinenyasan ako niya na pumasok sa opisina nito. Ngayon ang araw na gusto na namin,ipag-paalam ang tungkol sa mga bata, sana ay pumayag si Father Louis dito.
"Maupo na kayo.Gusto niyo ba ng maiinom?Makakain?"anyaya ni Father Louis sa amin ng makapasok sa opisina nito.
Nginitian ko ang bagong sacristan principal ng parokyang ito,iginaya ko paupo si Julyza sa upuan sa harap ng table ni Father Louis. Matagal ko na din hindi nagpupunta dito...pagkatapos ng nangyari kay Mother Livia.
Umiling kami."Hindi na po tapos na po kami kumain bago pumunta dito."
"May gusto lang po sana akong sabihin sa inyo Father Louis...kung okay lang po sa inyo?"nauutal na pahayag ni Julyza mukhang kinakabahan ito ayon sa marahang pagpisil niya sa kamay.
Ngumiti ako bago ipinatong ang kamay ko sa kaniya."Father Louis-"
Natigilan kaming lahat ng biglang malakas na bumukas ang pinto ng opisina ni Father Louis napatingin kami sa kaagad duon.
"Papa Mateo! Mommy!"matinis na wika ni Joyce sa amin kasama niya ang kapalid na si Benedict.
Halatang galing ito sa school nila dahil naka-suot pa ito ng collar blouse and skirt habang hawak ang kani-kanilang bag.
Sinalubong ito kaagad ni Julyza ang mga ito."Kumusta kayo Joyce at Benedict,mukhang napagod kayo sa pag-aaral."
"Maayos lang po kami ni Benedict Mom."matinis na sabi ni Joyce bago iniyakap ang kamay niya kay Julyza.
Nag-mano naman sa akin si Benedict ganun kay Father Louis,magkaiba silang dalawa pero mas mahinhin si Benedict kaysa kay Joyce.
Bumuntong hininga si father Louis."Joyce at Benedict diba sinabihan ko na kayo tungkol sa tamang pag-pasok."
"Sorry po Father Louis."nalulumong yumuko bago sinabi iyon.
Tinignan ko si Julyza si bahagyang tumango,mukhang naiintindihan naman niya ang sina-sabi kong iyo kaya tumango din ito.
Binalingan niya ang mga bata."Joyce at Benedict halika lumabas muna tayo para kumain ng masarap, Father Louis ilalabas ko po muna ang mga bata."
He gave nod."Sige para makapagusap kami ni Mateo tungkol sa kung ano man iyon."
"Salamat po."sagot niya na palihim na ngumiti sa akin.
Nang makalabas ang mga ito ay bumuntong hininga ako saka ibinalik ang paningin kay Father Louis na ngayon ay nakatingin sa akin.Papayagan kaya niya na ampunin muna namin ang mga batang iyon.
Malumanay na nakatingin ito sa akin."Ano ba iyon Mateo?Bakit hindi niyo masabi sa akin ang tungkol duon?"
"Ang totoo po niyan gusto ni Julyza na ampunin ang mga bata sina Joyce at Benedict,hindi ko alam kung bakit naisipan niya iyon?"pabuntong hininga saad ko sabay masayang ngumiti hindi naman mahirap alagaan ang dalawang iyon.
BINABASA MO ANG
My Everyday is full of you
RomanceYou can find love in many people, but the love for a special someone is one of a kind. Seeing Julyza happy is Mateo's happiness too. He cannot explain how much he loves this woman. Their relationship will be tested because of what happened in the pa...