Kabanata 12

3 3 0
                                    

Kabanata 12

Fifty

“Don't denied it Mateo it's written down all over your face.”

Hinagod ko siya ng tingin habang nakatingin din ito sa akin na parang bang may itinatago ako mula sa rito.

Sumimsim ako ng tubig.“I don't denied it.I was thinking about it but he likes Armand.”

“Bakit nakaupo ka pa diyan sundan mo siya kung mahal mo siya ipaglaban,hindi mauupo ka diyan.”pagalit na pangangaral sa akin.

Ibinababa ko ang kubyertos saka kumuha ng tissue paper at ipinunas iyon sa gilid ng aking labi.

I gave him a smirked.“Ayoko lang ipagsiksikan ang sarili ko,hindi maganda iyon. ”

“Mateo, alam mo kung gusto mo man siya mas matutuwa ako dahil may mag-aalaga kay Julyza.”pagkukuwento nito at iniba ang direksyon ng paningin.

Humalukipkip ako rito.“May magulang siya na dapat nag-aalaga sa kaniya.She is spoiled brat and party woman.”

Ganun ba iyon?Kapag hindi mawala ang isang babae sa isipan mo? Madalas din nag-aalala ako sa kaniya ayokong manghusga ng hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit ganito.

“Lagi kasi siyang nakangiti sa panlabas na ugali pero mabigat ang problema dala-dala niya.”pag-aamin pa nito saka tinapos ang pagkain.

Kahit hindi naman niya sabihin iyon nababasa ko iyon sa kilos at galaw mas lalo sa mga mata niya,pero paano ko nga ba gagawin iyon naguguluhan ako gusto kong alisin lahat ng emosyon na iyon sa mata niya.

“Sinasabi mo ito sa akin para kaawaan ko siya alam kong ayaw niya iyon. ”

He laughed.“Effective ba?Hindi mo ba talaga siya susundan?”

“Bilisan mong kumain para maka-alis ka na sa dormitory ko!”

“Kung ang religion niyo ang iniisip mo tigilan mo na,dalhin mo siya sa mundo mo kung hindi puwede sa mundo niya.”

Tumayo na ito saka kinuha ang black satchel nito sa tabi at tinalikuran na ako nito na may nakakainis na ngiti sa labi nito.

I hissed.“Umalis ka na nga!”

“Mateo gawin mo lahat para mapaibig siya maganda ang panahon bukas.”

Natatawang iniwanan ako nito nandidilim ang mata ko sa panunudyo sa tinig nito, nababaliw na ba siya.

“Lumabas ka na Carlo habang nagtitimpi pa ako sa iyo!”

Tumayo ako at mabilis na iniligpit ang pinag-kainan sa mesa, ano bang pumasok sa isipan ng lalaking iyon na basta-basta na lang pumapasok sa dormitory ko.

“Si kamote talaga!”

Mapaibig?Ang babaeng iyon talaga bakit ba niya ako pinapahirapan ng ganito,wala ba siyang isip na mag-aalala ako sa kaniya?

“Saan bar ba siya nagpunta?”

Ito ang unang beses na pupunta ako sa ganitong lugar at dahil pa iyon sa isang babaeng kamote na iyon.Kinuha ko ang cellphone at idinial ang numero ni Eumz upang tignan kung nasaan ang location ng babaeng iyon.

“Hello napatawag ka Mateo?”

“Kailangan ko ng tulong puwede mo bang isend sa akin ang location ni Julyza Ortega now.”

“Why?”

“Just do it.”

Nadinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya dahilan upang bumuntong hininga ako, nagtataka din ito kung bakit ko hinahanap ang babaeng iyon.

My Everyday is full of youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon