Chapter 1: Meet Chelsea Jane

6.9K 159 8
                                    

EDITED

CHAPTER 1

-Chelsea's PoV-

Nagising ako sa ingay ng alarm. Gusto ko sanang ibato kaso wala akong pang bili ng bago.

Pinatay ko sya at bumangon agad sa kama. " Good morning world! " Nag inat ako at kahit na gusto ko pang humiga, hindi ko na magawa. First day of school namin ay syempre bilang masunuring estudyante, dapat maaga akong pumasok. Maaga pa naman eh. Six am ko naman ni-set ang alarm clock at eight o'clock pa ang start ng klase. For sure wala namang gagawin masyado at puro pagpapakilala lang ang gagawin.

Bumaba na ako sa kama at kinuha ang cellphone ko.

" Wait, 7:30?! " halos lumuwa ang mata ko sa nakita kong oras sa cellphone. Leche, 7:30 talaga?! Seryoso ba?!

" Tae late na ako! " hindi na ako nag aksaya pa ng oras dahil dali-dalu akong nagtatakbo papuntang banyo. Buhos-buhos na lang ang gagawin ko dahil wala na akong time! Naman oh! Nakakainis.

***

Saktong pagkapasok ko sa gate, tumunog na ang bell. " Yes! Nakaabot ako! " Napatingin saakin yung mga estudyante dahil sa OA na reaction ko. Sorry naman, masaya lang.

Dumeretso ako sa bulletin board para hanapin ang pangalan ko at kailangan ko pang makipag siksikan sa iba dahil ang dami nilang lahat.

" Excuse me, " wa epek ang sinasabi ko dahil parang wala rin naman silang naririnig. Tumingkayad ako pero wa epek rin.

" Bahala na, " huminga akong malalim at saka ginera ang mga nagsisiksikan na estudyante sa bulletin board.

" Tabe! Tabe oh! Late na ako! " wala na akong pake kung mah nabangga ako dahil ang importante sa mga oras na'to, makita ko kung anong section ako nad bingo! Nahanap ko na!

Chelsea Jane Mercado. Ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa.

" Oh sige kayo na. Nahanap ko na pangalan ko. " Umalis na ako sa mga dikit-dikit na estudyante at umagang-umaga palang, tagaktak na ang pawis ko. Grabe, iba't-ibang amoy na ang nalanghap ko ah!

" Aray naman, " napahawak ako sa noo ko nang bumunggo ako sa isang taong matangkad pa saakin.

" Sorry, " iyon lang ang sinabi nya saka umalis. Okay na sana eh kaso parang sinadya nya ulit na bungguin ako sa balikat. Tignan mo nga naman, may maghahamon ata ng away saakin ah.

" Sorry ulit ha! " sigaw ko sakaniya. Nilingon nya ako at bahagya akong natigilan nang makita ko anh mukha nya.

Wait, tama ba ang nakita ko?

" Christian--" hindi ko na natuloy dahil sa mga estudyanteng hanggang ngayon ay nagkakagulo sa bulletin board.

Pero sandali, si Christian ba talaga 'yon or namamalik mata lang ako?

" Imposible..." umiling-umiling ako at tinapik ang magkabilang pisngi ko. Wake up, Chelsea! Umagang-umaga, mag d-daydream ka!

Tumingin ako sa wristwatch ko at doon na ako tuluyang nagising nang makitang late na late na ako! Jusko, hindi ko pa alam ang classroom ko. Ano ba namang umaga 'to. Nakaka praning!

***

Gaya ng inaasahan, puro introduction lang naman ang gagawin ngayong umaga. Ang effort kong magmadali para lang makapasok sa tamang oras pero ang dami rin palang late. Hindi lang estudyante pati na rin yung mga teachers. Halos lahat ng nadaanan ko kaninang classroom, akala mo mga nasa palengke. Ang iingay nila.

Binalik ko ang tingin sa harapan at nagkunwaring interesado sa introduction ng teacher namin. Puro lang naman tungkol sa kaniya, mga rules and regulations, tapos yung grading nila. Wala akong masyadong na gets basta ang natatandaan ko lang ay yung name ng teacher namin. Si Ma'am Grace at English teacher namin sya. Period.

" Okay so tapos na ako sa pagpapakilala, kayo naman ang mag introduce sa sarili nyo dito sa harapan. " aniya. Medyo kinabahan na ako pero dahil na sa pinaka dulo naman ako, okay lang. Matagal pa naman.

" Okay so sa dulo tayo mag start, " anak ng tinola.

" Hala ma'am, saakin agad? " kumpara kanina, mas malakas na ang kabog ng dibdib ko. Dumagdag pa yung tingin sakin ng mga classmates ko.

Grabe, wala naman akong espesyal na sasabihin sa kanila. Ako lang naman si Chelsea na maganda, cute na hindi katangkaran. May kuya ako at nakatira kami sa mga lolo't lola ko. Yung parents ko, nasa kabilang planeta--I mean nasa ibang bansa si Mama at si Papa ay wala akong alam kung nasaan sya. Yun lang naman, pang MMK na kung hahabaan ko pa.

" Eh maam di pa ako prepared. Next nalang po ako hehe. " walang epekto. Nag aabang pa rin sila sa introduction ko. Eh kung sumayaw na lang kaya ako?

" Ma'am Grace--" napahinto ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto.

" Sorry late. " nanlaki ang mata ko. Si Christian nga!

" Christian! " wala akong ideya kung bakit napalakas ang pagtawag ko sa pangalan nya. Lahat ng atensyon nila, nasaakin na naman. " S-sorry po hehe. " nag peace sign ako. Binalik ko ang tingin sa taong na sa harap ng pinto at kinawayan ko kaso natameme ako nang hindi nya ako pansinin. Pahiya ako ng konti doon pero anyare? Bakit parang hindi nya ako kilala? In fairness, ang laki rin ng nagbago sa kaniya.

Kababata ko sya pero sa mga tingin nya saakin kanina, pakiramdam ko ngayon lang kami nagkita.

---

The Past and The Present [ Completed/Unedited ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon